"Ang ganda talaga ng baby ko." Nakangiting saad ni mommy. Nilapitan ako ni mommy pero dahil 5'2" lang siya ay hindi niya ako abot, "Ano ba 'yan? Mga kapre kayo." Aniya sa amin ni daddy. Natawa lang naman kami.

"Pwede bang ikulong ko nalang dito sa bahay itong anak natin? Parang ayoko na siyang ipakita sa mapapangasawa niya." Nakasimangot na saad ni daddy na ikinangiti ko at ikinasimangot din ni mommy.

"Tumigil ka! Tara na nga!" Saka nauna si mommy palabas ng bahay. Napailing si daddy, "Ang mommy mo talaga."

"Hayaan niyo na dad." Tumango lang siya at lumabas na kami.

Pagkasakay sa kotse ay tahimik lang ako. Ano kaya itsura ng mapapangasawa ko? I can't help but wonder. Hindi naman ako galit kay mommy dahil ang gusto lang naman nila akong wag mag-isa kapag tumanda ako. It's actually touching dahil nag-aalala sila sa akin. Perks of being mature siguro na bukas ang utak ko dito saka bata pa lang ako alam ko na noon pa na meron akong fiancè na no-face.

At saka I did have some crushes but I never once fell in love...or maybe I did but I never thought about it hard.

Hindi niya naman alam na nag-eexist ako e. It doesn't matter.

"We're here." Excited ang boses ni mommy. Noon, maalala ko nung maliit pa ako bihira ako magmention about sa pagaasawa ang alam ko lang, ayoko ng maputi pa sa akin. No offense sa mapuputing lalaki but it bothers me.

Noon, natanong ako ni mommy na kung mag-aasawa daw ba ako ang sagot ko tanda ko pa, "Why do I need a man? I can live with myself." Pakiramdam ko yun yung rason bakit niya ako sinet up sa ganito. Ayaw niyang magisa ako.

Frankly though, kung wala akong kaarranged marriage baka hindi ako mag-asawa sa future. Takot ako sa commitment. Ayokong matali. Kung bakit, hindi ko alam ang alam ko lang ayoko.

"Mauna ka na, susunod lang kami." Tumango ako at pumasok na. Pagkapasok ko doon ko narealize na dapat pala tinanong ko kung saan nakaupo yung kikitain namin. Nang lumiko ako ay nakita kong may lalaking matangkad na nakatalikod. Hindi siya ganun ka puti pero hindi rin moreno. Ang kausap niya ay nakakunot ang noo na mukhang Amerikano.

"When will you grow up?" The American growled. Nakayuko lang ang lalaki samantalang ang babae na wari ko ay asawa ng amerikano ay pinapakalma siya. Maganda siya at may pagkamorena.

"You always fail me. Always! Nathaniel, you can't flirt your way in this business those friends of yours are not helping you learn on how to manage the company I'm about to give you. Stop being a disgrace!" Sigaw nito sa kanya. Napakunot naman ang noo ko.

"I can never be perfect for you, can I? You would always believe others before you believe your own son. Because for you, I'll always be the disgrace and Nigel would always be the perfect son." Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng amerikano. Bumuntong hininga ito at halatang guilty. It's too late though since the 'Nathaniel' guy already walked away. Not before staring at me his eyes bloodshot.

I'm guessing these are my in-laws.

Napatingin sa akin ang babae, nanlaki ang mga mata niya. "Yes?"

"I'm Nicole Perez." Ani ko at ngumiti ng tipid. The guy sighed, "You saw that, I'm guessing." I nodded.

"I'm Jane Dela Cruz and this is my husband Chase Dela Cruz," kinamayan nila ako. Di nagtagal ay nasa likod ko na sina mommy at daddy. Nagusap sila samantalang tahimik lang ako. Wala naman akong masabi sa kanila e.

"What do you know about running a company hija?" Tanong ni tito Chase. Napataas ako ng kilay. I don't really like his tone. Kung tingin niya maiintimidate niya ako sa papanlita niya nagkakamali siya.

"I know some since my father trained me since I was in the age of 16 years old." Natigilan siya at napangisi naman si daddy. "I know how every position in our company works. I know how to budget, I may not be the best yet but I can say I'm good." I may have sounded proud but I didn't care. The guy  or tito Chase then smiled.

"I thought you would be intimidated by my presence." He smirked. I smirked back, "Never underestimate me, tito." Tumango naman siya at magpatuloy kami sa pagkain.

Napapansin kong uneasy si Tita Jane, "Is everything fine tita?"

"Nathan, I can't call him." Aniya habang sinusubukang tawagan ang phone ng anak. I drank water before offering if I could get Nathaniel for her. Nagliwanag ang mga mata niya, "Really?" Tumango ako.

"Sige anak para magkakilala din kayo." Ani mama samantalang impassive ang itsura ni daddy. Nginitian ko si daddy para sabihin sa kanya na ayos lang ako. Tumango lang siya. Nagexcuse na ako at lumabas ng restaurant.

Hinanap ko ang lalaking higante na fiancè ko daw. Oo higante mas matangkad sa akin e.

Nakarinig ako ng mahihinang ungol. What the hell? Sinundan ko ito at naanigan ang familiar na damit. It's the Nathaniel guy with some btch and they're making out. I raised my brows, "No wonder your dad calls you a failure." Ani ko sa malakas na boses. Agad na napatigil si Nathaniel guy at sinamaan ako ng tingin ng babae. Tinitigan ko siya ng masama kaya napayuko siya. I can be intimidating if I want to. "Go away wh0re." Ani ko sa seryosong tinig sa babae.

"Excuse me?" She screeched na kahit si Nathaniel guy ay napangiwi. Tinitigan ko siya. "You wouldn't want me to repeat that."

Naglakad siya papalapit sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "And what can you do?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay. Tinulak ko siya ng malakas kaya't napaupo siya sa sahig. Nakarinig ako ng mahinang tawa at alam kong kay Nathaniel guy yun.

"Sample lang yan kaya lumayas ka na." Ani ko tumayo naman siya at masama ang tingin sa akin. "Magbabayad ka. I'll tell my manager." I shrugged. "Don't care."

"Sino ba siya Nathaniel?" Sigaw niya. Napatitig sa akin si Nathaniel guy. Ngumisi ako, "His fiancè."

Heels and Sneakers ✅Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz