Kabanata 9: Pagbabalik

54 6 12
                                    

Sa Unang Kaharian ng Etheria, Naglaho si Cassiopea, ang kaharian na matagal na nyang kinasusuklaman, ang kaharian na tinalo nya noong sya ay namumuno pa sa Lireo. Ang kaharian ng walang kwentang, at wenuveskang Bathaluman.

Pinagmasdan ni Cassiopea ang paligid, walang kahit anomang halaman, o Masayang buhay ang makikita sa lugar, puro lamang pagkasira ng mg halaman at mga bato, na laking kinatutuwa ng Bathaluman.

Ginamit ni Cassiopea ang kanyang kapangyarihan at isinamo ang isang Retre na gawa sa itim na mahika, Kagaya ng ginawa ni Ether noong hinahap nya sila sa mga panahon na sinumpa sya ng Bathaluman.

Cass: Avisala Mahal kong alaga, Wika ni Cassiopea, sabay naman lumapit ang retre sa kanyang mga palad

Cass: Halikat tulungan mokong hanapin ang nag iisang Pashnea ng Encantadia! Walang iba kundi si Ether! Laking ngiti ni Cassiopea

Agad naman sumang-ayon ang retre, lumisan ito sa kanyang palad at nagsimula sa kanyang paglalakbay, agad naman itong sinundan ng Bathaluman.

Hindi nag tagal, Agad naman ito Napadpad ito sa isang lugar at nakita nya ang isang Pashnea na ahas, nagpapahinga sa May bato. Ngumisi ang Bathaluman at ginamit nya ang kapangyarihan nya upang makulong ito sa isang kadenang Kahon gawa sa mga matitigas na dyanante, matapos nyang mahuli ang isinampang Bathaluman ay naglaho ito papaalis sa lumang Etheria.

~~~~~~
~~~~~~

Nagtungo si Cassiopea sa kanyang Isla, gumawa ng isang malaking kulungan at inilabas ang ahas, At dito nya itinapon ang Pashnea sa bagong kulungan gamit ang kanyang kapangyarihan, sinubukan tumakas ng Pashnea ngunit pinigilan ito ng Bathaluman.

Gamit ang kanyang kapangyarihan, gumawa sya ng isang encantasyon kung saan maibabalik ang dating Wangis ng Isinumpa ng Bathaluman.

Cass: Panahon na, upang muli kang magbalik, Ether

Matapos sya sambitin ang isang mahika, nagpakita ng Lilang Usok ang paligid, Hindi na nya pinikit ang kanyang mga mata, at pinagmasdan nalamang ang nangyayari.

Dumilat bigla ang mata ng isang nilalang, na tila hindi pa tuluyang malinaw ang kanyang nakikita, ngunit ang kanyang pandinig ay bumalik kaagad sa dati.

Laking Ngisi ang Bumalot sa Bathaluman ng makita nya ang nilalang sa kanyang Harapan.

Cass: Avisala Warka! Maligayang pagbabalik sa Aking lupain! Bati ng Bathaluman

Tiningnan ni Ether ang paligid, ang kanyang sarili, hindi sya makapaniwala na nagbalik na ang dati nyang anyo, Ang totoo nyang Wangis, ngunit natigil ang kanyang tuwa ng makita nya ang wangis ng pinaka kinasusuklaman nyang nilalang, na nasa harapan pa nya.

Ether: Yunuveshka! Ikaw!

Cass: Ako? Ay oo nga no!... Tayo lang naman pala ang nandito sa paligid.

Tumawa si Cassiopea, ginaya nya ang tawa ni Ether noon kaya't nainis lalo ang Bathaluman sakanya. Sinubukan ni Ether na aralin ang kanyang kaaway ngunit nabigo sya, dahilan upang tumawa lalo ang Bathaluman sakanya.

Ether: Pashnea! pakawalan moko! Sigaw ni Ether habang sinusubukan kumawala sa kanyang piitan

Cass: Sige, Laking wika ng Bathaluman

Pinitik ni Cassiopea ang kanyang mga palad, at dito nawala bigla ang piitan ni Ether, Laking gulat naman ng Bathaluman ng biglaan nalamang syang pakakawalan ng ganun, ganun nalamang. Ngunit hindi na sya nag dalawang isip pa, sa oras na nakawala sya ay sinubukan nyang atakihin ang Bathaluman.

Hindi na nagsayang si Cassiopea ng kanyang lakas upang gumalaw, sa oras na sumubok umatake si Ether sakanya, naramdaman ni Ether ang paninigas ng kanyang katawan, Hindi sya nakakagalaw kahit ano man ang kanyang gawin, Laking galit at Gulat ang bumuo sakanya.

Encantadia: Sumpa sa EncantadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon