Kabanata 6: Labanan

42 7 7
                                    

Lahat sila nagtinginan sa isa't isa, dito na mag sisimula ang Labanan sa pagitan ng dalawang hukbo.

Nagharapan ang dalawang panig, ang mga Panig ng Rama at Mashna na handang makipaglaban, Habang ang mga Panig ng mga kababaihan o diwata na tila natutuwa sa kanilang nakikita, Pansin rin ng mga kalalakihan ang kanilang mga mata, Tila maging ang mga brilyante ay nadamay narin sa kakaibang sumpa na nababalot Sakanila. Ngumisi ang mga diwata bago sabay sabay nagpalit ng kalasag pandigma.

Habang hindi pa nag sisimula ang labanan, agaran naman inutusan ni Ybrahim si Amarro.

Ybrahim: Amaro ilikas mo ang ibang mga encantado Enai!

Amarro: Masusunod Rama.

Bago paman maka alis si amarro, tatamaan na sana ni Lira ng kanyang kapangyarihan ang mashnq, ngunit pinigilan sya ni Cassiopea

Cass: Hayaan mo sya Lira ñ, Madali nalamang silang mahanap, Unahin na muna natin ang mga Ashtading ito.

Hinarap ng Bathaluman ang kanyang mga kasama at muling hinarap ang kanilang mga kalaban bago nagsalita.

Cass: Pirena, ikaw na kay Azulan, Alena kay Ybrahim, Danaya kay Aquil, Lira kay PaoPao, Mira kay Muros, ako ng bahala sa iba, madali nalamang silang mapapaslang.

Masusunod Bathaluman, wika ng mga diwata. Lahat sila nag tinginan at tumango naglaho sila sa likuran ng mga Rama at Mashna at itinutok ang kanilang mga sandata sa leeg, saka naglaho muli paalis.

Sa oras na naglaho ang ibang mga maglalaban, hinarap ng Bathaluman ang bathala at ngumisi.

::

Dinala ni Pirena si Azulan sa isang bundok ng Hathoria, maiwas upang makapaglaban sila, ngunit mainit para sa isang gaya nyang Punjabwe.

Sa kanilang pagdating sinipa ng Hara papalayo ang Rama, dahilan upang mapa atras si Azulan, Agad naman itinutok ni Pirena ang kanyang sandata.

Pirena: Handa kanabang mamatay?

Azulan: Kung May mamamatay man dito ikaw yun, Pirena, Mahal na mahal kita! Ngunit kahit asawa kita mali parin ang ginagawa mo!

Pirena: Asawa? ha! Wala akong asawa na kasing duwag kagaya ng mga Punjabwe!

Duon nagalit si Azulan sabay narin nasaktan, kahit alam nyang wala sa tamang pag iisip si Pirena, kaya't sumugod sya.

Nagsimula na silang maglaban gamit ang kanilang mga sandata, nasugatan ni Pirena si Azulan ng ilang beses ngunit nautakan ni Azulan si Pirena at naitutuk ang sandata sa leeg nya.

Azulan: Naniniwala kanaba? Hindi dahil diwata ka hindi na kita matatalo mahal ko.

Pirena: Matapang ka nga ....ngunit Bobo kanaman!

Inilabas nya ang kanyang brilyante at tinamaan si Azulan at patuloy nyang lalong pinainitan ang katawan ng Rama, dahilan upang mapasigaw ang Rama sa sakit.

Azulan: Tanakreshna...Ah!

Ginamit ni Azulan ang natitira nyang lakas upang maka laho papaalis sa lugar, habang nagpasabog naman ng apoy si Pirena.

Lorena: PASHNEA! BUMALIK KA DITO DUWAG! Sigaw ng Hara ng mga Hathor, habang patuloy na ginagamit ang kanyang brilyante sa paligid.

::

Naglaho si Alena at Ybrahim sa isang isla at itinulak ng Sanggre ang Rama sa lupa.

Alena: Ngayon Ybarro Lumaban ka! Sigaw ni Alena habang nakatutok ang sandata. Agad naman bumangon si Ybrahim at inayos ang kanyang sarili.

Ybrahim: Hindi kita kayang labanan Alena, Alam kong ikakagalit ito ni Amihan, sa oras na masaktan kitang muli!

Alena: Bakit? Dahil duwag ka?! Sigaw nya, Ilang beses monaman nako sinaktan! Bakit hindi mo ulit ulitin?!

Encantadia: Sumpa sa EncantadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon