Kabanata 1: Pagkahimatay

64 7 0
                                    

Napakagandang araw ngayon ng Lireo lalo na't kaarawan ng Hara Alena, ang bagong Hara ng mga diwata, mag-iilang panahon narin ng bumaba si danaya sa kanyang trono at ng humalili si Alena, at ito ang kanyang unang kaarawan na pag diwang kung saan sya ay isa nang Hara.

Sa pamumuno ni Alena walang naging isang problema dahil sa matindi nyang pag iisip at dahil rin sa gabay ng mga apwe nya, tinagurian si Alena bilang ang mahinahon na Hara ng mga Diwata, lalo na't kaya nyang masolusyunan kahit ang simpleng problema lamang

Habang naghahanda ang mga Diwata sa pag aayos ng palasyo, nagtungo ang ibang mga kawal kasama ang kanilang mga Mashna upang imbitahin ang ibang mga encantado sa nalalapit na kasiyahan

Nasa gubat ang mga kawal ng Lireo, Sapiro at Hathoria, kasama ang kanilang mga mashna lalo na't natapos narin ang kanilang mga tungkulin, oras narin upang sila ay magbalik sa lireo upang tulungan ang ibang mga nag aayos.

Habang naglalakad ang mga Mashna ng diwata, pinagmasdan ni Aquil ang paligid, tiningnan nya ang mga pananim at inamoy ang simoy ng hangin. Napangiti ang mashna

Aquil: Tila napakaganda na talaga ng Encantadia!wala ng kalaban, tahimik na buhay, at ayon sa lahat ligtas ang mga diwani at sanggre, sana naman ay habang buhay na ang ganito

Muros: Tama ka aquil sana pang habang buhay nalamang ang kapayapaan,

Aquil: Sana nga mashna ngunit hindi naman natin ito maaring masigurado lalo na't kakambal ng kabutihan ang kasamaan, ipinagpasalamat koparin na naranasan natin na magkaroon ng ganitong kapayapaan

Habang naglalakad ang mga Mashna May naapakan si Aquil na isang bagay dahilan upang sya ay matumba kasama narin ng pagkagulat nya kay Muros

Aquil: Tanakreshna, ano yun?

Agad naman tiningnan ni Aquil ang paligid at nakita ang nakabukas na kahon malapit sa May Paa nya

Muros: ayos lamang ba Mashna Aquil? Tanong ni Muros

Hindi naman pinansin ni Aquil si Mitos bagkus kinuha ang kahon malapit sa kanyang May paa

Aquil: Muros tingnan mo ang aking naapakan

Agad naman tumayo si Aquil at nilapitan ang kanilang hukbo, nakita nila ang kahon na May nakasulat na babala ngunit halata na hindi ito sinunod ng sinomang ashtadi.

Muros: Anong nakalagay sa kahon?

Agad naman tiningnan ni Aquil ngunit nadismaya ng malaman nyang wala itong laman.

Aquil: wala ngunit kung mayroon man ito tila naunahan na tayo.

Mitos: kakaibang Kahon, lalo na't May babala, na tila hindi sinunod ng sinomang nagbukas nito.

Aquil: Sa ngalan ng buong Encantadia, huwag na huwag nyong sisirain ang kahon na ito? Ano kaya ang nilalaman sana nito?

Muros: Tila May mga wenuveshkang nakialam rito kung ano man ang nilalaman nyan, dalhin natin at alamin kung ano ang nilalaman nito, itanong natin kay Imaw

Aquil: Tama ka, lalo na't base sa babala na nakasaad tila isang seryosong bagay ang nilalaman nito.

Isinara ni Aquil ang kahon at dito muling nagpatuloy ang kanilang paglalakbay, ngunit May encantado na biglang tumakbo, dahilan upang ma alerto sila

Kawal: Encantado, anong nangyari? Bakit ka tumatakbo?

Encantado: May kakaibang usok na paparating! Iligtas nyo ang inyong mga sarili!

Muros: Esti Evi?

Bago paman makasagot ang encantado agad na itong tumakbo habang May mga kawal na lumapit at nagbalita sa Mashna.

Encantadia: Sumpa sa EncantadaWhere stories live. Discover now