"Fist bump? Bagets pa ata to." Natawa akong bahagya at nakipagfist bump sa kaniya at sa Mom niya na kanina pa tahimik ay alanganin ko namang bineso. Damon is really the combination of them. Minsan kalog, Minsan parang yelo.

"I'm glad you came here, Kier. Welcome to our home!" Maligayang saad sa akin ng Dad niya.

Napangiti naman ako sa gaan ng expression ng mukha niya. Saya siya.

"I'm also glad po that you invited me, Sir?." Timid kong sagot sa kaniya na kinailing lang niya.

"Feel at home, okay. Call me Dad and here's my wife na lagi ay akala mo may dalaw kahit pa-menopause na, Call her Mom."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Una dahil di ko alam kung tatawanan ko ba yung joke niya. Joke ba yun? Pero inirapan lang siya ng asawa niya. Pangalawa, nakakahiya, syet naman Dad and Mom kaagad?!!! Sinamaan ko ng tingin ang pangisi-ngisi lang na katabi ko. Enjoy siya ih.

Pinigilan kong ngumiti nang hulihin niya ang kamay ko at pinagsalikop yun sa kamay niya sa harap ng magulang niya.

"Naku, Sir, nakakahiya naman pong tawagin kayo nun, lalo na po kay Ma'am." Alanganin kong saad kasi nahihiya ako. Pwede bang Tito at Tita muna?

"It's okay to call us like that. Pasasaan pa't alam ko naman di ka na makakawala pa sa anak k--"

"Son, where is Steph?"

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ng Dad ni Damon ng marinig ko ang pagsalita ng Mom niya. Medyo napayuko ako dahil sa tanong niya.Hindi naman niya ako sinasamaan ng tingin or ano pero ramdam kong hindi ako gusto ng mama niya. Tignan mo nga at yung babaeng yun ang hinanap kaagad.

Humigpit ang paghawak ni Damon sa kamay ko kaya tinugunan ko yun ng pagpisil. Dumaan ang ilang sandaling katahimikan sa amin pero hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang pagkiling ng ulo ni Damon. Hindi ko alam kung dahil ba hindi niya nagustuhan ang sinabi ng mama niya o dahil hindi niya alam kung nasaan nga ang babaeng yun.

"Hello, guys!!! I heard my name! Now I am sure someone is missing me!"

Speaking of. Bahagya akong napaatras ng dumaan siya mismo sa gilid ko at medyo nabangga niya ako sa balikat habang excited na papunta sa donya upang yakapin.

Napakagat ako ng labi ng makita kong ngumiti ng malawak ang donya habang kayakap siya. Now, I am sure, she really don't like me.

"Love, are you okay?"

Marahan na tanong sa akin ni Damon. Nginitan ko naman siya at tumango.
"Yeah, I am okay." Tinnitigan naman niya ako ng mariin kaya nagsalita ulit ako. "I mean, I am not, but I understand." saka ako ngumiti ng pilit. Medyo nabastusan lang kasi ako kanina tapos ang eksena sa harap ko ay naipapamukha pa sakin ang mga kinatatakutan ko mula ng marinig kong ipapakila ako ni Damon sa parents niya.

"I an sorry." May humaplos sa puso ko ng marinig kong malambing at sinserong sinabi niya sa akin yun.

"Don't be." Ngumiti ako ng totoo sa kaniya ganun din sa papa niya na nagpapasensiyang sumenyas sa akin.

"Oh gosh Tita! You are still gorgeous like the last time I saw you. It's been years, you are not aging, I am jealous!"

Halos mapangiwi ako sa lakas ng boses niya. Imagine, binanggit niya lahat yun gamit ang matinis na boses niya. Dapat sanay ako sa ganto dahil sa trabaho ko ay kapag may naglalabor talagang maingay talaga pero ewan ko ba. Depende sa tao yung inis din talaga eh.

"Really? That's why I like you, you know how to flatter me."

Patuloy lang silang nagkakamustahan habang papunta na kami sa dining nila. Nauuna sila kasunod si Tito, at huli kaming dalawa ni Damon.

FRAIL (BXB)Where stories live. Discover now