"Mag usap tayo. Pakinggan mo ako. Hindi pwedeng ganito nalang tayo pagkatapos ng lahat!" medyo nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

"Sige!" hinarap ko na siya nang tuluyan ngayon. "Mag usap tayo. Pag usapan natin kung kailan ka aalis at nang makapag paalam na ako ng maayos sayo," sarkastiko kong sinabi.

He sighed while staring at me. Narinig ko naman ang malalim na buntong hininga rin ni Lorie at ang tuluyan niyang pagkalas sa hawak ko.

"I'm leaving. See yah tom," kumaway siya at tuluyan nang umalis.

Humalukipkip ako at tumalikod kay Zairus para tumawid sa kabilang daan. Ayokong makipag usap sa kanya roon habang pinagtitinginan kami ng mga students. Alam nila ang tungkol sa amin at ang iba galit pa dahil isasali ko raw si Zairus sa mga lalaking pinaglaruan ko.

Sumunod sa akin si Zairus. Sinadya kong magtungo malapit sa SUV namin para maka alis na agad ako pagkatapos naming mag usap.

"Ano? Kailan ka aalis?" hinarap ko siya nang medyo komportable na sa lugar.

He sighed again. He walked closer to me but I stepped back once. Napansin niya 'yon. Tumigil siya sa paglapit at nagsusumamo ang mga matang tiningnan ako.

"Uuwi ako sa tuwing pasko at bagomg taon. Pwede tayong magkita--"

Nairita na naman ako dahil hindi pa rin nagbabago ang isip niya. He's still leaving!

"Okay. Uuwi ka tuwing holiday. Pero hindi na natin kailangang magkita. If you want, just make time with Tito Halton. No need to see me."

"Johanna..."

"What?" nagtaas ako ng isang kilay. "Did I say something wrong?"

"Hindi ko rin naman gustong malayo sayo pero kailangan kong mag aral, Johanna..."

"You can study here. There are so many opportunities here! Bakit kailangan pang sa ibang bansa?"

"Mas marami akong matututunan kung sa ibang bansa ako mag aaral. Mas marami rin ang opportunities doon. At pangarap ko 'yon. Pangarap kong maging doctor..." mahinahon niyang paliwanag.

Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinapakinggan siya. I know it's his dream, alright! Hindi ko lang matanggap... na aalis siya! Na iiwan niya ako!

"Hindi naman magbabago ang nararamdaman ko para sayo kapag nandoon na ako. Gusto kita. Mahal kita, Johanna. Kahit nasa malayo ako, mananatili ka pa rin sa puso ko. Hindi kita iiwan..."

How corny those words are... But I don't know why I'm crying.

And what did he say? Mahal?

Unti unting lumapit si Zairus habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Bahagya rin siyang yumuko para magpantay ang mga ulo namin. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"I'll call you every day. I'll also text you every day," ngumiti siya. "Pero matagal pa naman 'yon. Sa isang taon pa. Magkakasama pa tayo nang matagal."

Umiling ako at pinunasan ang mga luha ko. Ayoko... Ayoko pa rin!

"Please, Johanna... Pangako babalik ako sayo. Gusto ko lang na suportahan mo ako dito. Of all people, you're the one I want to support me the most. I want you to stay by my side even when I'm far away... Mmm?"

Umiling ako at tinanggal ang mga kamay niya sa akin. Tinulak ko siya at umatras ako palayo sa kanya.

"No!" sigaw ko.

Tinignan niya ako.

"I don't understand why you have to leave! There are so many opportunities in Manila! You can be a doctor here! Matalino ka naman at maraming alam! Kaya bakit kailangan mo pang mag aral sa ibang bansa?"

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Where stories live. Discover now