"Aww!" pag-inda niya habang hawak ang braso niya na hinampas ko.

"Ikaw talaga!" sabay turo ko sa kaniya. "Masyado kang PDA!" bulyaw ko pa.

"Eh ano naman ngayon?" sabay ngisi niya.


Ang sarap talaga nitong batukan sa totoo lang. Nagsimula na kaming lumarga patungo sa kwarto nina Caleb dahil hahaba pa ang pagtatalo namin at saka, May naghihintay sa amin dun. Kami na lang ang hinihintay.

"What is it?" tanong ni Klarence.

"Si Dr. Wilson." nag-aalangang sambit ni Caleb.

"What about him?" nakakunot ang noong tanong ni Klarence.

"Na-detect namin siya. Mukhang may balak siyang pumunta dito."


Agad nagsitayuan ang mga balahibo ko. Totoo ngang nanganganib na ang mga buhay namin. Kung hindi kami maghahanda, Wala lang ang lahat ng pinaghirapan nila para sa formula at, Baka maging zombie na din kami nang hindi namin namamalayan.


"What?" si Klarence

"Mukhang nalaman niyang gumagawa din tayo ng formula para sa pagbabalik ng mga zombies sa pagiging tao." Si Caleb.

"Mukhang may plano siyang hadlangan tayo." Si Zach.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sipain ni Klarence ang lamesa.

"Tol Kalma." Pagpapakalma ni Dan.

"Hindi talaga siya titigil!" sabi ni Klarence.

"Tangina!" pagmumura niya pa.


Tumingin si Klarence kay Zach nang kumalma ito. Mukhang may sasabihin.

"Zach, Samahan mo muna sina Bella at Ben." Tumango si Zach upang ipakita ang pagsang-ayon nito.

Sumunod ako kay Zach na maglakad para puntahan si Ben sa kusina. Naabutan namin siyang pana'y pa din ang kain ng spaghettie. Madumi na ang mukha nito.

"Hay naku Ben!" sabi ko.

Kumuha ako ng wet wipes saka pinunasan ang bibig niya. Mga kabataan talaga ngayon. HAHAHA Joke lang.


"So caring. Pwede nang magkaanak." Sabi ni Zach.

Binato ko siya ng wet wipes pero nailagan niya kaya tumawa siya. Napahiya lang ako dahil tinawanan lang din ako ni Ben. Ang papangit nilang kasama. Parang hindi mga kaibigan ah. Pinagtutulungan na naman ako dito.

"Grabe ka naman sa anak! Anak kaagad? Boyfriend muna tapos asawa." Sabi ko.

Nakapalumbaba si Zach na tumingin sa mga mata ko.

"Anong bang type mo sa isang lalaki?" tanong niya.

Umakto akong nag-iisip. Ano nga ba?


"Ahm, Yung mabait syempre. Kailangan mabait ka para hindi ako matakot sa'yo. Pangalawa, Dapat kaya mo akong buhayin. Ano pang silbi kung magpapakasal ako tapos hindi mo pala ako kayang pakainin. Nakakain ba yung matatamis na salita?" panimula ko.


Kung nakakain lang ang matatamis na salita, Baka matabang-mataba na ako ngayon.


"Pangatlo, Dapat caring. Kung kaya mong alagaan ang sarili mo, Dapat kaya mo din akong alagaan at ang mga magiging anak natin. Pang-apat, Dapat may takot ka sa Diyos dahil kung hindi, Salamat na lang sa lahat-lahat. Pang-lima, Dapat marespeto, Kung kaya mo akong respetuhin, Dapat kailangan mo ding respetuhin ang mga magulang ko kagaya ng pagrespeto mo sa akin. Dahil, sila ang pinaka-nakakakilala sa akin. Panghuli, Dapat, Mahal natin ang isa't isa. Hindi pwede yung one-sided love dahil bakit magpapakasal ang dalawang tao kung hindi naman pala mahal yung isa't isa hindi ba?" paliwanag ko.

Zombie Apocalypse✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ