Chapter 3

121 9 4
                                    

☪ Maxiruz Xierra De Vega POV ☪

Maaga akong gumising. Bibisitahin ko pa kasi si Xinxin sa hospital mamaya. Pababa na'ko ng hagdan ngayon, kakain muna ako bago umalis.

Pagkababa na pagkababa ko ay kusina agad ang tinungo ko at naghalungkat ng makakain. Nakakita ako ng manok sa ref kaya yun nalang ang lulutuin ko. Baka iniisip niyo buhay pa yung manok, ha... Syempre yung karneng manok, tss.

Napapaisip nga ako kung bakit wala man lang katulong or kung sino man sa mansyon na ito maliban sa mga men in black sa palibot ng bahay at isang guard eh.

Bakit alam ko? Well kasi, nilibot ko 'to kagabi bago matulog. Akalain mo? Ang laki pala ng mansyon na'to? Kwarto nga ni Xinxin kasinglaki ng bahay ko dun sa L.A, isabay mo na ang Cr.

" What are you doing? "

Napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ang malamig na boses ni Zero. Liningon ko siya at alangang ngumiti.

" Nagluluto ng makakain? " patanong kong sagot.

Nagtaas siya ng isang kilay. " At kailan ka pa natututong magluto? Huh? "

Taena, hindi nga pala marunong magluto si Xinxin.

" A-ahh-ehh... Nag-aral! Tama! Nag-aral ako magluto nung isang araw! " pagpapalusot ko.

Buti nalang at matalino ako kung hindi, kanina pa'ko hindi nakapagsalita dito.

" Tsk. " yun lang ang sinabi niya at lumakad papunta sa may ref.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa niluluto ko at tinapos ito. Naghanda na rin ako ng mga plato at iba pang gagamitin sa pagkain namin.

Isasabay ko nalang ang walang'yang lalaking 'to, kahit papano may natitira pa naman akong bait. Pinaghain ko pa siya ng kanin at ulam. Wala lang, trip ko lang.

Naghain na rin ako ng para sa'kin at nagsimulang kumain. Napatingin naman ako kay Zero nang hindi niya pa rin ginagalaw ang pagkain niya at nakatingin lang sa'kin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya minadali ko na ang pagkain saka tinungo ang hugasan.

Hanggang anong oras niya ba ako tititigan? Alam ko namang maganda ako since birth pero hindi ako sanay na tinititigan ng matagal. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

" Kung ayaw mong kainin ang niluto ko, itapon o ipamigay mo nalang. " sabi ko dito at umalis na sa kusina.

Lumabas na'ko ng bahay ng hindi nagpapaalam. Nadaanan ko pa ang mga men in black na napapatingin rin sa'kin. Nginitian ko sila kahit kinikilabutan ako sa mga aura at presensya nila. Parang mamamatay tao, nakakatakot.

Napailing-iling nalang ako sa mga naiisip ko at lumabas na ng gate. Agad kong pinara ang taxing dumaan at pumasok.

>>>Fast Forward>>>

Nang marating ko na ang hospital kung saan nakaconfine si Xinxin ay agad ko itong tinungo. Saamin ang hospital na'to kaya talagang walang makakaalam na nandito si Maxine. Paniguradong binayaran ni Dad ang doktor niya.

Pinasok ko agad ang kwarto ni Maxine pagkarating ko. Nakita ko sina Mom at Dad na nakikipag-usap sa doktor. Umilis rin ito nang makalapit na'ko sakanila.

" Kumusta ang lagay ni Xinxin? " agad kong tanong sakanila.

" Nasa critical condition pa rin siya, and... " huminga muna siya ng malalim, " Comatose. " malungkot na sagot ni Mom.

Napabuntong-hininga nalang ako at umupo sa may sofa. ' Hindi pwede 'to. '

" Paano si Zero? Hindi ako makakatagal sa ugali ng lalaking yun. "
naiinis kong sabi sakanila.

" Max, please, pretend as his wife as soon as Maxine is not awake yet. " pakiusap ni Dad sakin kaya napairap ako.

" Ano pa bang pretend ang gusto niyo, eh pinakasalan ko na nga ang walang'yang lalaking yun. " mataray kung sagot dito.

Naiinis talaga ako sa lalaking yun. Ang sama ng ugali.

" Pero pwede rin bang... Humingi sainyo ni Azhero ng apo? " literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mom, " Mag-asawa naman kayo di'ba? " dagdag pa niya.

" Hindi pwede! Ayaw kong magkaanak sa antipatiko, walang modo, at masamang lalaking yun! Period! " pinal kong sagot at padabog na nilisan ang kwarto.

Sumusobra na sila, ha... Pinakasalan ko na nga ang lalaking yun, gusto pa nila na... K*ngina, ayaw ko nga!

' Ano bang ikinagagalit ko? Tama naman si Mom. Mag-asawa naman kami walang masama dun... ' anang kanang isip.

' Mag-asawa nga kayo pero hindi naman ninyo mahal ang isa't isa. Tapos tinawag ka pa niyang b*tch, remember? ' anang kaliwa ko pang isip.

K*ngina. Pati utak ko nagugulo dahil sa mga kalokohang pinagsasasabi ni Mom. ' Masama na'to. '


Please, VOTE, COMMENT, and SHARE!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Not So-Called Pretending Wife of that Mafia Boss [ Mafia Series #1 ]Where stories live. Discover now