Chapter 1

103 7 0
                                    

☪ Maxiruz Xierra De Vega POV ☪

Kagat-labi akong naglalakad ngayon patungo sa harap ng altar. Wala akong pakialam kung dumugo pa ang labi ko, basta kinakabahan ako! Halos madurog ko pa ang hinahawakan kong mga bulaklak sa kabang nararamdaman.

Napakaganda. Sobrang napakaganda ng kasal na'to. Halos mapuno pa ang simbahan sa rami ng tao.

" Ngumiti ka naman Max. " bulong ni Mom na ngayon ay nasa tabi ko na.

" H'wag mo rin sanang ipahalata na hindi ikaw si Maxine, Max. " paalala naman ni Dad na nasa kanan ko.

" Hindi ko talaga gusto 'tong naisip mo Dad. "

Pinagpanggap ba naman akong maging si Maxine! Itsura lang ang magkapareho sa'min, hindi pati ang ugali! Pa'no kung malaman nila na hindi talaga ako si Maxi-

" Take care of our daughter Azhero. "

Napatingin ako sa sinabihan ni Dad. Napaawang ang labi ko nang magtama ang mga mata namin.

" Maganda naman yan, amazona nga lang. "

Napakagwapo niya... Hindi nakapagtataka kung bakit kinababaliwan siya ni Xinxin. Ang lakas ng appeal niya kahit nakapoker face siya.

" Not yet done staring at me? " malamig na sabi niya na nagpababalik sakin sa ulirat.

Hindi ko nalang siya sinagot at sumunod nalang sakanya sa paglakad papunta sa harap ng pari.

King*na. Last moment ko na'to bilang dalaga. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi nalang ako umuwi ng Pilipinas.

Bw*set ka talaga Xinxin. Nang dahil sa'yo ikakasal ako ng hindi pa nagkakaroon ng boyfriend, at ang mas malala ikakasal ako sa taong hindi ko pa kilala.

" Having considered all of these things, Maxine,do you take Azhero Hades Walsh as your husband and partner in life in poor and wealthy of your life? "

Ayaw ko pang magpakasal! Wala bang sisigaw ng ' itigil ang kasal ' dyan?

" I-i... do... " utal-utal kong sagot.

Wala na! Tapos na! Nasabi ko na! Huhuhuhu....

>>>Fast Forward>>>

" It is now my honor and delight to declare you, husband and wife- you may now kiss the bride! "

Hinarap ako ng malamig ni Zero at unti-unting itinaas ang belo na nakatakip sa mukha ko saka niya inilapit ang mukha niya sakin.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko, kasabay nun ang tilian at hiyawan ng mga tao.

Wala na talaga!
Kinuha niya na ang first kiss ko!

" Seems like you're not happy, b*tch. "

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Ang walang'ya! Tawagin ba naman akong b*tch?!

Akmang magsasalita na sana ako nang may dalawang lalaking lumapit sa amin.

" Congratulation Boss. " natatawang bati nila kay Zero nang makalapit.

" Ganyan ka na ba maging masaya ngayon Maxine? It's your dream right? "
sabi naman ni Dad ng makalapit siya sa'min.

Inirapan ko siya. Hindi ko pinangarap na maikasal ano!

Ngumiti ako ng matamis. " Ofcourse Dad. Halos magkanda-uga-ugaga pa nga ako sa pagpunta lang sa kasal na'to eh. " may pagkasarkastiko kong sagot sakanya.

Natahimik naman siya. ' Oh, ano ka ngayon? 'Kala mo ha. '

>>>Fast Forward>>>

Nandito na kami ngayon sa venue ng reception ng kasal. Hayssst! Gusto ko nang matulog!

" Max! " sigaw ng kung sino kaya napalingon ako sa may entrance, nandun kasi yung boses ng tumawag sa akin, siguro?

" Yumi... "
pabulong kong banggit sa pangalan niya.

Naglalakad siya palapit sa'kin ng nakabusangot at halata mo ang pagkairita niya. Sa tingin ko, alam ko na kung bakit siya ganyan.

" Hoy, Max! Alam mo bang kanina pa kita hinanahanap? Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko! Akala ko ba sabay tayong pupunta sa kasal, ha?! " sermon niya sakin ng pagkalapit ng pagkalapit niya talaga.

" Grabe ka naman Yumi! Yan talaga ang ibubungad mo sa'kin? "

" Pagkatapos mo akong kalimutan at pabayaan? " nagtaas pa siya ng kilay bago magsalita uli. " Ano pa ba ang ineexpect mo? "

Bumuntong-hininga muna ako bago siya sagutin. " Magpapaliwanag ako, at marami tayong pag-uusapan kaya 'wag kang OA dyan! " saka ko siya hinila sa lugar na walang makakarinig sa'min.

-

Please, VOTE, COMMENT, and SHARE!!!

A Not So-Called Pretending Wife of that Mafia Boss [ Mafia Series #1 ]Where stories live. Discover now