Wizard's Tale 2: Chapter 15

150K 3.8K 549
                                    


(Alyanna POV)


Nagbunyi ang lahat sa pagkapanalo ni Brylle. And right after all the participants received their first aid, kinailangan nilang muling humarap sa lahat para sa awarding ceremony ng Headmaster.

"First and foremost, I would like to acknowledge all the participants' hardwork and dedication during the quest. And on behalf of the Flemwall Circle, I congratulate the top five. Including Prince Rouel who survived longer during the fights." Nagpalakpakan ang lahat. Mas napabilib pa sila sa Prinsipe dahil nagawa pa niyang talunin ang ibang B+.

"And now I present to you the winner of this quest. Behold our B+ champion, Brylle Zaffiro!"

Kitang-kita na ang malaking ngiti sa mukha ni Brylle. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao! Proud na proud din ako sa kanya! Nae-excite na ang lahat na maging ganap na Class A si Brylle.

"However, please hold your applause..." Nag-iba ang timpla ng mukha ni Headmaster Diazo. Parang kinabahan tuloy ako. "The officials and I have made a very difficult decision regarding our awarding today. Please bear in mind that our verdict is based from what we have witnessed."

'Yung mga naunang na-eliminate sa laban, obviously hindi makakaangat sa pwesto nila. Pero ang malala, maraming nag-rank down at naging Class B na lang.

"I am glad the quest lasted long enough for the spectators to enjoy. Pero disappointed kami sa uri ng laban na nakita namin. Ang daming kulang! Ang daming pagpapabaya! And sad to say, everyone lacks improvement."

Nilinaw naman ng Headmaster na hindi kasama si Prince Rouel sa mga binitawang niyang komento. Pero nung tingnan ko ang mukha ng Prince, parang apektado na rin siya. Para bang naawa siya sa mga nakalaban niya kanina.

"We have decided that no one from our top contenders is ready to be in Class A. Not even the champion of this match."

Sa sinabi ng Headmaster, natigilan ang lahat dahil sa pagkadismaya. Everyone's expecting na kahit hindi tumaas ang ranking ng iba, at least sana man lang si Brylle ang umangat! Para saan pa ang pagkapanalo niya kung hindi rin naman pala siya gagawing Class A!

Mabuti na lang at nariyan si Lolo Lorcan. "Headmaster Diazo, ipagpaumanhin mo pero hindi ako sang-ayon sa desisyon niyo. Aside from winning this quest, Zaffiro's magic is exceptional enough to advance on the next class. Patunay noon na naglagpasan niya ang mga kalaban niya."

"Are you defying our decision, Lorcan?" Ang tigas ng pagkakasabi ng Headmaster. Hindi niya nagustuhan ang pagsalungat sa kanya ng kakambal niya. "I am the Headmaster here. I know and I'm sure of the words I am saying. Oo, alam kong si Zaffiro ang nanalo and he can take pride from it. Yet again, the way he performed his magic today and the way he won was just by luck."

Swerte? Swerte nga lang bang maituturing na kaya nanalo si Brylle sa huling laban niya kay Prince Rouel ay dahil sa natirang 1 health point nito?

Napansin ko ang pait sa mukha ni Brylle, halatang gusto niyang magprotesta pero hindi niya ginawa. At nasasaktan ako para sa kanya dahil alam kong pinaghirapan niya 'to.

"I still look forward to seeing all the remaining B+ at the next Ranking Quest. And I hope that after two years, you'll be more deserving to advance on the next class."

At natapos na lang ng ganun ang lahat. Na imbes umangat na sana ng rank si Brylle tulad ng inaasam niya, napunta lang sa wala!


* * *


Alam kong depressed si Brylle sa nangyari. Ni-hindi na niya pinanood ang mga sumunod na quest para naman sa mga Class A-, A at A+. At pagkatapos magamot ang mga sugat niya, pinili niyang mapag-isa.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon