Aristia was about to go ng mapahawak ako sa kamay nya at lapit naman ng tatlong mga halos kasing edad nya lang para ilayo na sana ko ng pigilan nya sila.

"Wag.. kaibigan ko sya." Sabi nya at harang sakin.

"Vladdy... can you do me a favor?" Mahina nyang tanong at lapit ni my Queen sa tenga nito.

Vladimir looked at me habang natango-tango sa binubulong ni My Queen.

"Sige.. sila Chase at Karsen hahayaan ko sa iba." Tumango si My Queen at lapit naman ni Vlad sa dalawa pang bata na kasama nila.

"Sinasaktan ka ba nila?" Napalingon ako kay my Queen na nakatingin sa mga pasa ko sabay lingon sa mga magulang ko na ngayo'y kunwaring mga nag uusap lang ng kung ano pero alam kong nakikiramdam lang at nag aantay ng tamang pagkakataon.

"Gusto mo bang iyo nalang mga alahas ko o gusto mong sumama nalang sakin para ilayo nalang kita sa kanila?" Napakurap kurap pa ko sa sinabi nya at nakadama ako ng takot hindi sa kanila kundi sa mga magulang ko pa mismo na palihim muli akong sinisenyasan na ilayo si Aristia para makuha nila ito.

"Alam ko pakay mo." Sabi pa ni My Queen pero hindi man lang sya nagalit kundi nakangiti lang sabay lingon ko muli sa mga kaibigan ng ama ko na nalapit na muli dahil lumayo na mga bodyguards ni my Queen pati sila vlad.

"Wanna.. run away?" Napatingin ako kay Aristia sa mahinang sinabi nya at bago pa ko makasagot ay hinatak nya na kamay ko para tumakbo na kinahabol ng mga magulang ko pati mga kasamahan nila.

Instead of being scared ay para bang sobrang saya ko ng mga sandaling yon habang nakatingin sa kanya na nakalingon sakin.

Aristia's smiling at me as if she's telling me that everything will be ok and surprisingly kusa nakong nakitakbo at pumasok agad sa sasakyan at nakakatawang isipin dahil sa liit namin ay sya pa nag maneho ng sasakyan na kulang nalang tumayo na para maabot lang yung pedal habang naiwan yung tatlo para humarang sa mga hahabol sana sakin and since it's tinted at sa bilis ng pagmamaneho ni My Queen kaya wala ng nakahabol pa.

Aristia secretly adopted me and kept me inside their mansion na maala palasyo sa laki at doon ko sya inumpisahan tawaging Queen dahil para syang reyna hindi lang prinsesa dahil sa garbo ng lugar nila.

She kept telling me na ate o di kaya ay Aristia or Tia nalang itawag ko sa kanya pero nagustuhan ko ng tawagin syang Queen dahil sa tingin ko ay mas bagay yon at hindi ko na pinapalitan pa pangalan ko na tinawag nya kahit gusto nyang mag hanap ng pangalan na babagay raw sakin dahil naalala nya lang daw yung kuting kaya yun yung nasabi nya.

I stayed with her and during those times ay para bang nalimutan ko mga karanasan ko sa pamilya ko dahil sa saya.

With her, I felt like I finally found a family, a parent, a sibling, a protector, an all in one companion. She dressed me, fed me and even treated my wounds. She treated me as a human being that I didn't even experience before but the only thing is that I'm not allowed to go outside her room dahil hindi raw pwede so I got curious.

I used my small body to sneaked around till my feet guided me kung saan dinig kong may nasigaw na pamilyar na boses.

Inside the small bent na pinatataguan ko ay doon ko nakita si Aristia na nakatali sa metal bed habang may kung ano-anong naka kabit sa kanya.

She's crying and screaming for help ngunit halos lahat ay parang walang naririnig dahil busy sa mga datos na sinusulat nila.

Seeing the one who saved me and the one who's taking care of me suffering alone made my heart felt like being stabbed na akala ko sa maala palasyo nilang pamamahay at sa itsura nyang maala prinsesa at namumuhay bilang reyna ay nakaka inggit ang buhay nya ngunit hindi ko inaasahan na mas masahol pa pala kesa sa nakamulatan ko na bugbog sarado lang.

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon