Chapter Thirty two

Start from the beginning
                                    

"How can I not, Ali? Dahil sa walang k'wentang laro na 'yan ay nandoon si Alex at nasasaktan!"

"I said calm down and not now, Uno!" Sumigaw na rin ito pabalik sa akin kaya't hindi ko napigilang murahin na naman siya ng malakas.

"Then fuck you, Ali! Nasasaktan din naman ako!" Napalingon ako kay Amanda at Hera ng lumapit na sila sa p'westo naming dalawa. Maski si Victoria na tahimik at may kung anong emosyon sa mata niyang nakatingin sa akin ay lumapit na rin. Takot at kaba ang mababakas sa mga mata nito. Napahawak ako sa ulo ko. "Nakita niyo ba iyong sakit sa mga mata ni Alex? Sa bawat paglandas ng mga daliri na iyon sa mga markang ginawa niya sa sarili niya ay ang bawat sakit na dumadaan din sa mata niya! Bawat guhit na nandoon sa katawan na 'yon ay bawat memorya rin ng nakaraan niya ang pumapasok sa isipin niya! Ali, ano?! Paanong kakalma ako kung nandoon siya nasasaktan at pakiramdam ko ay parang namatay siya sa harapan ko ng paulit-ulit! Alicia, si Alex iyon! Si alex!"

Nakita ko ang paglandas na luha mula sa mata ni Amanda sa tabi. Maski kay Patrice at Cathrice na tahimik sa likuran nila Ali.

"Uno—"

"Kaibigan niyo ako sa mga oras na 'to, Alicia." Malamig na pinutol ko ang sasabihin nito. "Hindi ako si Uno ngayon. Kaibigan ako."

"I just want you to calm down. May mga kasama tayo rito." Nailing ako sa kaniya.

"Alam kong nakita niyo. Alam kong naramdaman niyo. Huwag na kayong magpanggap." Maanghang na komento ko sa mga reaksyon nila. Sila Galaxy ay nasa gilid lang kasama si Lila at Ate Jirin. Si Ate Summer at Hydra na halos hindi makapaniwala sa naririnig at nakita sa mga oras na 'to. Sila Chabelita at Leo pati ang kambal na tahimik sa tabi na naiiyak na rin. Palibahasa kasi ay wala silang kaalam-alam sa pinagdaanan ng kaibigan namin.

Palibhasa kasi hindi sila naglakas ng loob na magtanong sa kaniya. Palibhasa kasi wala silang pakialam.

"A-Alicia? B-Ban— a-ano bang nangyayari? Can somebody tell me what the hell happen to Alex?!" Mahigpit kong naikuyom ang kamay ko at pilit na hindi magsalita at sagutin si Ate Sherez ng bigla siyang magsalita at lumapit sa amin.

Pero mukhang hindi ko kaya.

"Wala kang—"

"Banana!" Natigil ako sa pagsasalita ng isigaw ni Amanda ang pangalan ko. Balak ko sanang magsalita ng hindi maganda kay Ate Sherez. "Pull yourself together!" Sumama ang tingin ko sa kaniya pero hindi na ako nito pinansin pa. Humarap ito kay Ate Sherez at ngumiti ng maliit.
"No, Ate Sherez. No, please. Not now that Banana is mad. Not now, just please don't ask."

Masama lang akong tumingin sa kanilang dalawa. Blangko lang at pilit kinakalma ang sariling hindi magwala. Tumahimik na lang din si Ate Sherez at umiyak nang umiyak. Anong magagawa ng iyak nila?

"Banana." Tumingin ako sa itaas at pumikit ng mariin lalo na ng marinig ko ang boses na 'yon galing kay Victoria. Pilit na kinakalma ang sarili na huwag na ulit magsalita pa. Kaibigan namin si Alex e. Natural ang ganitong eksena sa amin. Natural na maramdaman namin ang sakit na nararamdaman ng isa.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong mahigpit na nakasara. Ramdam ko rin ang tibok ng puso ko na kinakalma ng mga kamay na nakahawak ngayon sa akin.

"Victoria." Isa akong Crescencio. Hindi dapat ako umaakto ng ganito sa harapan ng iba. Wala akong kahinaan, hindi ba? Pero nang dumating si Alex at sila Alicia sa buhay ko ay nagkaroon ako ng lakas at kahinaan. Lalo na ngayon na meron ng Ashlyn at Victoria na dumagdag sa buhay ko.

Sila ang mga lakas ko at sila rin ang kahinaan ko.

"Can you calm down first? Hindi ganito ang kilala kong Banana. Hindi ba't lagi kang kalmado sa kahit anong sitwasyon?" Natahimik ako at tumitig sa mga itim niyang mga mata.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now