prologue

26 1 0
                                        

Bata pa lang ay mag kaibigan na kami dahil sa mga magulang ko at sa magulang niya, lagi kaming magkasama kahit sa pagpasok at paguwi galing sa eskwela. Pero isang araw, hindi ko siya nakasabay sa paguwi dahil sinundo siya ng mommy niya.


Pagkagising ko ay nasa ospital na kami. Ginising ako ni yaya para bumaba na ng kotse. Kasama ko si mommy at daddy, sila ay naglakad papunta sa isang silid habang ako ay naiwan sa labas kasama si yaya. Naghintay kami sa labas habang hawak ko ang manika na kanina ko pang bitbit hanggang sa narinig ko ang pangalan ko na binanggit ni daddy mula sa pintuan ng silid at kami ay pumasok sa loob kung saan ay pumasok si mommy at daddy kanina.


Pumasok ako sa loob ng silid ng may pagtataka sa muka dahil nakahiga roon ang isang batang lalaki habang may nakadikit sa kaniyang ilong at sa mga kamay na kung ano.


Ito ang aking kaibigan, siya'y nakahilata sa isang kama na akala ko ay normal na natutulog lamang.


***


Pagkagising ko ay naghanda na ako para sa aking pag pasok sa eskwela. Sinalubong ako ni yaya nang pagkababa ko ng kwarto. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay at umupo sa labas ng gate para hintayin ang kaibigan ko ngunit ako'y nagulat ng inilabas ng driver namin ang kotse at pinasakay ako roon ni yaya. Simula ng araw na iyon ay hindi ko na nakasabay na pumasok at umuwi galing eskwela ang kaibigan ko at yun ang unang araw na hindi ko na siya nakita.


Sobra akong nalungkot noong panahon na iyon. Simula noon ay wala na akong balita tungkol sakaniya.

Played by FateStories to obsess over. Discover now