Chapter 60: I choose you

Start from the beginning
                                    

"At mahal ko po ang anak ninyo"


At nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Vinci.


Dahil sa ginawa nya, napadilat ako at inangat ko ang ulo ko. Pagkatapos,


..nakita ko ang gulat na itsura ni Daddy.


Dahil sa narinig ko, unti-unti kong naramdaman ang init ng mga pisngi ko. Tumingin ako kay Vinci habang siya naman ay nakatingin lang kay Daddy.


Sasabihin ko sana kay Vinci kung bakit bigla kaagad siyang umamin, pero hindi ko nagawa yun dahil..


"Sige" rinig kong sabat ni Daddy habang seryosong nakatingin kay Vinci. "Dahil dyan, makakaalis ka na...


..Ian"


Nagulat kaming lahat nang sinabi ni Daddy yun. Tumingin kaming lahat kay Ian and as expected, gulat na gulat rin siya sa narinig nya.


"What? Ano po?"


"Ang sabi ko makakalis ka na" paguulit na sabi ni Daddy kay Ian.


"P-Pero tito. Paano--"


"Kami na bahala dito, iho" biglang sumabat na si tito Henry sa usapan. "Besides, family matters to. Kaya hayaan mong kami nalang muna ang magusap-usap."


Dahil sa narinig ni Ian, wala na siyang nagawa. Si daddy at tito Henry na kasi ang nagsalita. Kaya kahit gustuhin nyang magstay, di na talaga nya magagawa.


"Sige po" yun nalang ang nasabi nya.


Nagpaalam na siya kay Dad at nagsimula na siyang lumakad paalis. Pero bago siya makaalis..


..dumaan muna siya sa gilid ni Vinci.


"Goodluck" ngising sabi na parang nang-aasar.


Tumingin siya sakin at tinapik ako sa balikat. At pagkatapos, nagpatuloy na siyang maglakad hanggang sa makarating na siya pintuan.


Lumabas na ng bahay si Ian. Sinubukan ko siyang silipin sa bintana at nakita kong naglalakad na siya papunta sa gate namin.


Nang makalabas na si Ian, huminga ako ng sobrang lalim. Niyuko ko nalang ang ulo ko at pumikit nalang ako para i-ready ang sarili ko sa—


"WOOOHHH!!!"


Bigla akong nagulat nang marinig kong biglang may sumigaw. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong si Tito Henry at si Daddy yun.


Pero teka. Ano nangyayari?


B-Ba't sila nagtatarang?

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now