Chapter 59: Strange Noise (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Oy! Oy! Teka! A-Anong ginagawa mo? San ka pupunta?" biglang pagtataka nya.


"San pa?! Sa buds ko! Kailangan ko siyang puntahan!"


"W-What?!" gulat na sabi nya. "Nang ganitong oras?!"


"Oo! Nang ganitong oras!" sinukbit ko na ang bag ko at nagmadaling tumakbo papuntang pintuan.


"Naloloko ka na ba?! Anong—oy! Yan-yan!! Yan-yaaaaan!!!"


Tumakbo na ako palabas ng pintuan.


Nagmadali akong naglakad sa corridor at dali daling pumunta sa elevator.


Sh*t sana hindi pa huli ang lahat. Sana ok lang ang buds ko dun.


"Yan-Yan!!"


Habang nasa loob ako ng elevator, narinig ko ang sigaw ni Toff. Dahil dun pinindot ko agad ang pinto at sakto, sumarado ito.


"Aish! Ang kulit bumalik ka dito! Uy! Uy!!"


Yun ang huling sinabi nya bago sumara ang pinto ng elevator. Pero hindi ko na inintindi masyado. Malamang sarado na nga eh.


Nang makababa ako sa ground floor, nagmadali akong tumakbo pababa sa may parking lot. Dumiretso ako sa "parking lot C" kung saan nakaparada ang bike ko.


"Ewan. Yun ang hindi ko alam. Pero ang alam ko lang, hindi nga malabong may ginagawa yun kasi sila lang ang tao sa bahay nila. Madalas daw busy sila daddy nya at hindi raw nakakauwi."


Argh. Kasalanan to ni Toff. Kung di nya sinabi yun, hindi ako mapaparanoid ng ganito.


Pero ibig sabihin matagal na palang namimiligro ang buhay ng buds ko sa lalaking yun?!!


Lintek! Hindi pwede! Hindi pwedeng mangyari to at hindi ko hahayaang mangyari to!


Nagmadali akong sumakay sa bike ko at pumadyak ng sobrang bilis. Hinarurot ko ang bike na sinasakyan ko hanggang sa makarating ako sa bukana ng parking lot.


"Tabi! Tabiii!!"


Bigla akong sumigaw nang makita ko ang guard na paharang harang sa daan. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin. Tuloy tuloy lang ako.


"Sir yung parking fee! Yung parking fee!"


Sigaw na sabi ng lintek pero bahala siya. Wala akong pakielam sa nararamdaman nya.


Nakalabas na ako sa main street. Pula man ang mga traffic light signal na nadadaanan ko pero patuloy ko lang silang nilagpasan. Di ako huminto. At wala akong balak huminto. Dahil sa mga oras na pinapadyak ko mga paa ko sa pedal ng bisikleta ko, isa lang ang nasa isip ko..

Story of A Campus GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon