Chapter 59: Strange Noise (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Di nya lang talaga sinasagot ang tawag ko. At yun ang kinaiinisan ko ngayon.


Aish. Bwisit. Bwisit talaga.


Kinuha ko nalang ulit ang cellphone na binato ko kanina at nagsimulang magdial ulit.


Hindi. Hindi talaga ako titigil hanggat di nya sinasagot ang tawag ko.


Nagriring na naman ang kabilang linya habang nasa tenga ko ang cellphone ko. Habang hinihintay ko ang sasagot, paulit kong ginagawang positibo ang sarili ko.


Masasagot nya to.


Masasagot nya to..


Masasagot nya—


"O baka naman may ginagawa yun. Kung totoo mang gising na yun"


Aish. Ang ingay naman nito.


Asar akong tumingin kay Toff dahil sa narinig ko.


"At ano naman ang ginagawa nya aber?" sabi ko dahil alam kong non-sense nanaman ang sasabihin. Nakadikit pa rin sa tenga ko ang cellphone na hawak ko.


"Ewan. Yun ang hindi ko alam" sabi nya. "Pero ang alam ko lang, hindi nga malabong may ginagawa yun kasi sila lang ang tao sa bahay nila. Madalas daw busy sila daddy nya at hindi raw nakakauwi. Kaya---"


"WAIT WHAT?!" bigla kong naalis ang cellphone sa tenga ko. "A-Anong sabi mo?"


"Alin dun? Marami yu—"


"Yung sinabi mo ngayon lang!!" sabi ko at nahawakan ko pa siya sa balikat nya. "H-Hindi nakakauwi? Sila tito Greg?"


"Ah. Y-Yun ba? Oo hindi daw. Yun ang sabi ni Nik-Niks" sabi nya at napatingin pa sakin ng nakakunot ang noo. "Wala ka ba nun nung minsang sinabi nya yun?"


"Wala. Wala ako nun kaya –"


Bigla akong natigilan


T-Teka..


Kung wala si Tito Greg..


..ibig sabihin..


.."MAG-ISA LANG SI NIKKI KASAMA ANG LALAKING YUN?!!!"


"Oo. Parang ganun na nga sigu---"


"F*ck! F*ck! F*ck!"


Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kristoff. Nagmadali na akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na tumakbo sa gilid ng sofa para kunin ang gamit ko.

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now