"Anyways, may sasabihin din ako sayo."- sabi naman nito.

Hindi ako umimik at hinayaan ko lang syang magsalita muli.

"Nag chat sa akin si Nick, he's asking me for a date. " - nang marinig ko iyon ay parang nag init ang dugo ko.

"And you said yes? "- kalmado kong sabi sa kabila ng selos na nararamdaman ko ngayon.

"Should I? " - balik na tanong nito sa akin.

"Ewan. "

"Uwi na tayo Ge. May gagawin pa nga pala kami nila Jarred at Darryl e. " - lintanya ko naman at tumayo.

"Sige , magpapa alam muna ako kina Yeng. " - mahina lang nitong sabi.

I just can't take the pain I am feeling right now.

Ilang sandali pa ay naglakad na kami pauwi, hindi ko kasi dinala ang kotse ko. At habang nag lalakad kami ay ni isa sa amin ay walang naglakas loob na nagsalita. Ang awkward lang. Para basagin ang katahimikan ay nag simula akong kumanta.

"I never dreamed
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game"

Noon, hindi ko in-expect na ma inlove especially ang magkaroon ng bestfriend na babae. Ni minsan ay hindi ko hiniling na makaramdam ng ganito, then you came.

'Til I met you
I never knew what love was
'Til I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day"

Ikaw lang ang nagparamdam ng ganito sa akin, you are the only one who can make my heart skip a beat. And yes I believe that meeting you was a fate, becoming your friend was a choice but falling in love with you is beyond my control.

Nag lalakad pa rin kami habang kumakanta, dapit-hapon ma rin kasi at medyo makulimlim ang langit siguro ay uulan.

Malalayo layo na rin ang nalakad namin, siguro mga ilang minuto nalang ay bahay na nila Angge.

"I believe you
I believe in every word that you say
I love you all the way
Now I can swear
Love is not a game that children play
So tell me that you'll stay"

Angeline sing those part at habang kinakanta niya yon ay tumitig ako sa kanya.

"I'll stay ANGELINE. "-sabi ko sa isipan ko.

Then we both sing the last part of the song. Matapos naming kantahin iyon ay bigla namang bumuhos ang napakalakas na ulan. Bad timing naman, maganda naman boses namin e. Di man lang nakisabay. HAHA

"Tara Ge, sumilong muna tato. Umuulan na! "- sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero pinigilan ako nito.

"Gusto kong maligo ng ulan! " -nakangiting sabi nito.

"Sigurado ka ba? Paano kung magkasakit ka? Naku wag na! Hali ka na, sumilong ma muna tayo." - pero hindi rin naman ito nakinig at idinipa pa ang mga kamay at umikot.

"Pls let me savor this moment. I want to feel the rain touches my skin! It's been a long time since hindi ako nakapagtampisaw sa ilalim ng ulan! " - na awa ako sa sabi nito. Pero paano kung magkasakit siya? Umilimg nalang ako at sinabayan siya .

Para itong bata na naka takas sa bahay, kita sa kanyang mga mata ang saya. She's dancing, she's singing under the rain. Habang pinag mamasdan ko sya, naiisip ko that this girl is really different.

Napatigil ako sa pag papantasya ng nawalan ito ng balanse buti nalang at nasalo ko sya. Now she's lying in my arms.

"Angeline. " - mahinang sabi ko habang hawak pa rin sya.

Basang basa ang mukha niya. I hold her angelic face at hindi ko namalayang papalapit na pala ang mukha ko sa kanya.

Then she close her eyes.

I KISS HER. Inasahan ko na itutalak ako nito but no, she responded to my kisses.

I can't believe, we just shared a kiss under the rain!

"Angge... " - pautal na sabi ko. I'm still shocked. Nakita ko rin sya na parang nagulat at bigla syang tumakbo para iwan ako.

"Ge, hintayin mo ako. " - pero walang lingon-likod itong naglakad.

Ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay nila. Hindi pa rin tumitigil ang ulan at hindi niya parin ako kinakausap.

"Angeline, I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa yon. Pls forgive me. " - yumuko ako habang sinasabi ko iyon.

"No it's okay. " - then she sighed heavily.

"Erik, thank you. Thank you for making me happy. Being with you was the best year of my life. Being with you, nararamdaman ko na malaya ako. Handa kang maging clown para pasayahin ako, you are the light of my darkest nights. Salamat sa pagmamahal.  I don't know what i did para bigyan ako ni God ng kaibigang katulad mo. I'm just so blessed for having you in my life Erik. " -maluha luha nitong sabi.

Dapat akong matuwa sa sinabi niya, pero bakit parang may iba akong nararamdam. Strange feelings that I can't explain.

"Hoy, ano ba pinagsasabi mo. Bakit parang iiwanan mo ko niyan. " - kunware ay nakatawa kong sabi.

Ngumiti naman ito , " Sira, hinding- hindi kita iiwan kasi lagi kang andito sa puso ko. " - sabay turo  sa kanang bahagi ng dibdib nito. " Habang buhay! Kahit sa susunod pang buhay ko, ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong maging bestfriend."

Doon ko na naramdaman na parang tutulo na ang mga luha ko kaya lumapit ako sa kanya then i hug her.

----------------
Hi guyssss, so 'yon late na naman ako, something came up kac e. But here it is. Hope you'll enjoy!  ❤️

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now