Part 4

128 6 1
                                    

Erik's POV :

"Angge, andito na tayo. "- pukaw ko kay Angge na natutulog dito sa kotse ko.

Bigla din kasi itong nag aya na puntahan raw namin ang tatay niya. Summer na din naman kasi. Ang bilis lang ng panahon, parang kailan lang ay binulabog ko pa ang buhay niya, parang kahapon lang ay di pa niya ako pinapansin pero ngayon naging matalik na mag kaibigan na kami.

"Angeline na panget gumising ka diyan. " - gising ko sa kanya tsaka kinurot ang ilong niya. Natawa ako sa naging reaksyon nito.

"Hmmm. " - unat naman nito at iminulat niya ang kaniyang mga mata.

"Ano ba Erik! To naman e. Manggigising na nga lang , kurutin pa ilong ko. " - reklamo naman nito.

Ang kyut talga nito pag napipikon  e.

"Ayaw mong magising e. Sige na baba ka na diyan. Hinihintay ka na ni Tito Alvin. " - sabi ko at tinanggal ko naman ang seat belt.

"Sira ka, hindi naman aalis si Papa. "- patawa pa nitong sabi. Tsaka tinanggal ang seatbelt at bumaba na sa kotse ko.

Naka akbay ako sa kanya habang nag lalakad patungo sa pupuntahan namin. Nakahawak naman siya sa bulaklak na binili niya kanina.
Ilang sandali pa ay naka rating na rin kami sa pupuntahan namin. At umupo kami sa mga berdeng damo, hindi naman makati at hindi rin marumi. Tama lang din ang sikat ng araw, pasado alas 4 na din kasi ng hapon e at tsaka mahangin dito.

"Hi Pa! " - Angeline said those words to her father's grave at ramdam ko sa boses niya ang pananabik.

"Hi Tito, miss ka na daw ni Angge. Dalawin mo daw sya. " - sabi ko naman . Tumawa naman si Angge.

"Miss na talga kita Pa, pero huwag mo kong dalawin, takot ako e. " -ngumiti naman ako sa tugon niyang iyon.

Matagal ng patay ang tatay ni Angge, sabi niya namatay raw ita sa isang plane crash. Iyon lang ang kwento niya e, naiiyak kasi siya everytime na napag-uusapan ang bagay tungkol doon.

"Alam mo pa malapit na ako mag college. " - out of the blue nitong sabi tsaka ihinilig ang ulo niya sa balikat ko.

"May 1 year pa tayong tatapusin uy. Excited ka naman masyado. "

"Kahit na, malapit na rin iyon. " - depensa pa nito..

"Sige ikaw may sabi e." - sabi ko naman. Tumahimik naman ito bigla at naka pikit pa ang mata nito. Nasa balikat ko pa rin ang ulo nito.

I stared at here face, ang ganda niya. She has that long eyelashes, pointed nose and kissable lips - i could kiss that lips for- 'no scratch that' kailan mo pa pinagnasaan ang bestfriend mo Erik?? Anang isipan ko. Para makaiwas sa temtasyong bumabalot sa katawan ko ay tumingala ako sa langit.

"105 is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you "

As I started to sing the first part of the song naramdaman kung nagising si Angeline kaya tumingin ako sa kanya napatulala naman ito at tumitig din sa akin.

"Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do
And you know one of these days, when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
Will forever be enough, so there ain't no need to rush"

Ewan pero ramdan na ramdam ko lang ang bawat lyrics ng kanta, siguro kasi iyon din talga ang gusto kong gawin kasama ang babaeng mahal ko, kasama si Angge.

As i sing the chorus ay sinasabayan na din ako ni Angge. Kami lang din kasi ang tao dito sa sementeryo siguro nag papalakpakan na ang mga patay dito. HAHAHAHHA

"But one day, I won't be able to ask you loud enough
I'll say, "Will you marry me?"

Tumingin ako sa kanyang mga mata, I can see myself marrying her. I can see my future being with her. No, damn Erik she's your bestfriend! Ka agad ko namang iwinaksi ang mga eksenang nasa isipan ko.

"I swear that I will mean it
I'll say, "Will you marry me?"

At natapos ang pagkanta namin na may mga ngiti sa aming labi.

"You know what Erik, ang swerte nang babaeng papakasalan mo. " -she's smiling as she said those words to me.

"Ang swerte mo kamo. Kasi ikaw naman ang papakasalan ko" gustong gusto kong sabihin ang mga salitang iyan pero parang may kung anong pumipigil sa akin. Kaya ngumiti nalang din ako at napa iling.

"Kasi, you have the looks, the talent the attitude. Kung hindi lang kita bestfriend, i can say that you checked all the standards I am looking for a man. " - bigla namang tumibok ng napakalas ang puso ko. Argh. Nakaka bakla naman.

Kaso, hindi ako ang lalakeng nakikita mong papakasalan balang araw. Bigla namang nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Kasi alam kong imposibleng gustuhin niya ako, eh sa una palang ay isang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. I don't have the guts to confess kasi takot ako na baka balang araw we might lose our friendships.

"Natahamik ka diyan? "- nagising naman ako mula sa pag iisip .

"Wala, may iniisip lang. " - tipid na tugon ko.

"Sino? Si Trisha no? Ayiehhh. Sabi na nga ba may gusto ka rin doon e. " -pantutukso pa nito.

"Luh. Pa issue naman to. Wala. " -kasi ikaw gusto ko.

"Sus pakipot ka pa, eh first day of school nag papansin na iyon sayo. " - pagpupumilit pa nito.

Si Trisha kasi yong babaeng nag tanong kung may jowa na raw ako. Simula noon ay hindi na din ako tinigilan nito. Maganda sana kaso nalalandian din talga ako.

"Alam mo, uwi na tayo. Tara na nga. Tito Alvin uwi na po kami, bibisita po ukit kami rito. Tsaka wag ka po mag alala ako bahala sa makulit mong anak Tito. " - mabilis na sabi ko at tumayo.

"Kapal naman ng mukha ng unggoy na to, ikaw ang anak? " - naiinis naman na sabi nito at tumayo na rin. Hindi na ako nagsalita pa kaya nag pa alam na rin ito kay Tito Alvin.

------
Yan lang po munaaaa. Part 5 and 6 will be posted tomorrow (kung hindi ako ma busy). Hihi.

Love lots, have a great life! ❤️✨

A PROMISE TO KEEP [Completed]Where stories live. Discover now