"Hey, don't worry about Vlad. He's just agitated a bit pero ok lang bang iwan nyo muna kami? May importanteng pag uusapan lang." Tipid na ngiting sabi nya rito. "And you need to rest dahil wala ka pa atang pahinga galing sa trabaho at for sure hinahanap kana ng dalawang bata." Dugtong ni Chase at alanganing tumingin sakin si Angel.

I nodded to her and saw a glint of disappointment in her eyes na agad nyang binura at ngumiti sakin.

"Ok.. I'll be back quick when I can.. I'll just rest and check the kids." Sabi nya at tumango muli ako at hindi ko sya magawang titigan sa mga mata.

Naunang umalis ang mga doctor at naiwan kaming tatlo sa loob ng pumunta sa harapan ko si Angel.

"Hon.. kung may kailangan ka, sabihin mo lang sakin. If you need me, you can just ca---"

I shook my head na kinatigil nya.

"I don't need....." I sighed. "I don't need anything... I just need rest.." I continued then she smiled halfway at nilingon nya si Chase.

"Iwan ko na muna kayo.." sabi nya at buntong hininga naman ginawa ni Chase bago tumango.

Muling binalik ni Angel tingin sakin na para bang nangungusap ngunit agad din napalitan ng halo-halong emosyon dahil alam kong dama nya na wala akong balak pigilan sya.

"S-sige..Alis nako, pahinga ka ah?"

"Hmm..Sige... ingat ka." Sabi ko at umalis narin sya kalaunan.

I just watched her leave habang kuyom ang kamao. I should have stop her but I didn't.. Hindi ko magawa.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at agad akong kwinelyuhan ni Chase Won ng tuluyan ng nawala presensya ni Angel.

"How long are you gonna treat your wife like that Vladimir?! Ni hindi mo lang hinagkan o maski man lang pinasalamatan?!" Nag iigting pangang tanong nya.

Malamlam na mata ko syang tinitigan.

"Kinontak kana ba ni Aristia? Alam mo ba kung nasaan sya? How is she?" I asked, hoping that he got the answer maski isa ng agad nyang binitawan pagkakahawak nya sa kwelyo ko.

Tinalikuran nya ko at napahilamos sa kanyang mukha bago ako hinarap na salubong na salubong ang kilay.

"If you gonna ask her in a way na sya parin yang nasa puso mo, hindi ko yan sasagutin dahil kung naaawa akong nasasaktan mo si Angel dahil sa kagaganyan mo twing naaalala mo si Aristia, mas lalong ayokong masaktan si Aristia sa magagawa mo ngayon dahil dalawang tao na yan Vladimir! Dalawang tao yang masasaktan mo at madadamay pa mga bata!" Galit nyang sabi at napakuyom ako't napaiwas ng tingin.

"So tell me... are you asking me where she is right now as Mafia leader or are you asking me as a man na umaasang mapapasayo pa ulit si Aristia lalo na't nag balik na sya?" He asked in gritted teeth na kinabalik ko ng tingin sa kanya.

I don't know what to say or better to say that I don't have any guts to answer dahil alam na alam ko ang sagot.

Alam na alam ng puso ko ang sagot.

Just the thought of seeing her again, na nasa ok at maayos na lagay sya sobrang saya ko na. For seven years straight... sa pitong taon na yon araw-araw kong hinihiling na makita man lang at makausap sya muli and now nakita ko na nga sya muli, narinig ko na rin boses nya.

I finally heard her voice... Nagbalik na si Aristia.. she's finally back.

Napatungo ako kasabay ng sunod-sunod na patak ng luha ko.

"I... I just wanna talk to her... so please.." I said almost like pleading at tumingin kay Chase na nakatayo lang sa harapan ko.

"Si Aristia... g-gusto ko syang makita."

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Where stories live. Discover now