Chapter 15

393 39 3
                                    

Louise Averille

"Louise, stop." Suway ni Cohen sa akin ng maupo ako sa tabi nito at kinuha ang ballpen na hawak nito.

"I want us to talk." I said before I hide her pen.

Napabuntong hininga ito. "Ok but first. Show yourself and second give me back my pen. We can talk while I'm writing."

Agad akong nagpakita rito bago ibalik ang ballpen nito. Napapailing itong inabot iyon bago ipinagpatuloy ang pagsusulat.

"Why do you have to study kung matalino ka naman?"

"Gusto kong madagdagan pa ang mga bagay na nalalaman ko."

"E bakit ang ganda mo?"

Nakita kong natigilan ito sa pagsusulat pero hindi naman nag-angat ng tingin. She think I'm blind para hindi ko makita ang mukha nitong namumula?

"Stop that. You're not funny. The last time I checked. Iniiwasan mo ako Louise."

I shrugged.

Totoong iniiwasan ko ito after realizing she could do such thing to me. I mean, oo nga at makapangyarihan na ako ngayon but she's more powerful. She's a Princess na hindi nito alam at ito lang din ang nakapagparamdam ulit sa akin sa emosyon na hindi naman dapat. Ayoko ng bumalik pa sa dating ako.

Malungkot.

Nagdurusa.

Nasasaktan at mahina.

Hindi ko kayang panghawakan lahat ang mga emosyon na iyon.

"Why?"

Napatingin ako rito at sinalubong ang mga mata nitong nagtatanong. Kunot noo na naman ito at nagsasalubong ang mga kilay. Magandang masungit at mataray.

"Bakit mo ako iniiwasan Louise?" Tanong ulit nito. One thing I notice about her. Nagiging madaldal itong matipid na magsalita sa akin.

"I'm not." Tanggi ko rito.

Alangan namang sabihin kong ayaw ko ang naramdaman ko ng huling halikan ako nito sa pisngi? Na tinamaan ako ng pakiramdam pagkatapos kunin ng Ama nito ang damdamin ko?

Ibinaba nito sa damuhan ang notebook nito kasama ng ballpen at bahagya akong tinitigan bago lumapit.

Tinignan ko itong parang nasisiraan ng ulo. Ok, she's beautiful but she's dangerous to me.

Hanggang sa makalapit na ito ng husto bago nito hatakin ang collar ng shirt ko dahilan para mapalapit ako rito.

Her eyes are really expressive and beautiful. Too beautiful.

"Cohen ang lapit mo." Nginisihan ko ito pero hindi ko inaasahang ngingisihan rin ako nito pabalik. She's such a beautiful angel full of temptation.

"Louise kung hindi mo sa akin sasabihin kung bakit iniiwasan mo ako. Then stay away from me." She let go of my collar at saka ipinagpatuloy ang pagsusulat nito.

Nahiga na lang ako sa damuhan bago pumikit. Nasa tabi ko lang naman ito.

"You're dangerous to me Cohen." Narinig kong natigil ito sa pagsusulat. "You do things to me that I couldn't explain. This isn't in my contract when I agreed to protect you." Nanatili akong nakapikit.

"Do things to you like what?" Clueless na tanong nito.

Napabuntong hininga ako.

"Kahit sabihin ko pa sa iyo. Hindi mo ako maiintindihan dahil ako mismo. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan. I wasn't suppose to feel but I did. I do. That five seconds knocked me off. Alam mo kung bakit?"

Ng hindi ito sumagot ay nagmulat ako ng mga mata. She's staring at me like I'm some kind of a strange specie under a microscope. She looked confuse. Halatang wala itong naiintindihan sa mga pinagsasasabi ko.

"Why?" Pagkaraan ng ilang sandali ay tanong nito but her eyes became cold as usual.

Napakahirap din talaga nitong intindihin minsan. She's nice but most of the times she's not. She's too complicated.

"I trade that with everything I have and yet you're here giving it back without you knowing about it."

Mas lalong naging malamig ang mga tingin nito sa akin.

"I don't know what you're talking about. Give you back what?" Masungit na wika nito.

Napapikit ulit ako. "That's what I meant na hindi mo rin ako maiintindihan dahil ako mismo. Hindi ko maintindihan."

"Stop talking nonsense because you're confusing me idiot."

Natawa ako sa sinabi nito. I find it so funny pero natigilan ulit ako.

I find it funny?

Why would I feel funny?

Agad akong napabangon at napatingin rito na nanlalaki ang aking mga mata.

"Fuck!" I cussed and next thing I knew. Sinampal ako nito but it didn't hurt.

It didn't hurt.

So that means I'm good dahil wala akong maramdaman physically.

"Yes!" Pero hindi pa man ay sinampal ulit ako nito.

"Bakit mo ginawa iyon?" Takang tanong ko rito pero nakangiti ako.

"I need to do that dahil nasisiraan ka na ng bait Louise. Para kang tanga. And I did slap you dahil wala ka na mang maramdaman diba? Ayokong may nagsasalita ng ganun sa harapan ko. Pasmado iyang bibig at dila mo."

Napakurap ako rito. "Cohen, that was the longest words I've ever heard from you."

Napatirik ang mga mga nito pero hindi na muli pang nagsalita at tinapos na lang nito ang kanyang ginagawa. I remained silent and think about things.

I can't feel anything physically but I do feel certain things emotionally. Bakit ganun? I shouldn't be thinking about it pero hindi ko maiwasan.

King Arthur took my feelings. Every feelings I have kaya bakit nagsisilitawan ang ilan sa mga iyon ngayon na si Cohen ang nakakasama ko? Was it only her that she's capable of giving me back those feelings I had lost? O may iba pa?

Napaupo ako at napatingin ulit kay Cohen na nagtatakang nakatingin na rin ngayon sa akin. Bahagyang nakaawang ang mga labi nitong nakakaakit habang nakahawak ng notebook at ballpen. She's just breathtaking and without a further ado. I leaned in and kiss her cheek kahit magalit pa sa akin si King Arthur. Gusto ko lang mapatunayan ang isang bagay at hindi ako nagkamali.

Ng lumapat ang mga labi ko sa pisngi nito ay para akong tinamaan ng kidlat. Agad akong napalayo rito at naramdamang tumibok ulit ang puso ko. Not just for five but for eight seconds.

Nanlaki ang mga mata ko ng mahawakan ang dibdib kong dumadagundong bago ulit namatay ang tibok nito or rather ang pakiramdam ko dahil hindi ko na ulit naramdaman pa but I know it's thumping inside my chest.

Sinampal ulit ako ni Cohen.

"You're really an idiot."

Saka na ako nito iniwan.




Shit!

The Sold Passion (On Hold)Where stories live. Discover now