Chapter 6

684 55 23
                                    

Louise Averille

Kitang kita ko kung paano luminga-linga si Cohen sa paligid habang nasa field ito kasama si Kinsley at Charlotte. Sinundan ko lang sila ngayon.

"Sinong hinahanap mo?" Takang tanong rito ni Charlotte pero hindi sumagot si Cohen at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa nito.

Panaka-naka ay nakikita kong nakatutok nga ang paningin nito sa libro pero naglalakbay naman ang mga mata nito sa paligid.

Hinahanap ba ako nito?

Napangisi ako rito bago tuloyang lumapit sa dalawang loka-lokang kaibigan nito.

"Yes, oh he's such a gentleman. Alam mo hinatid niya ako kagabi and-"

"Hindi ka naman kagandahan." Bulong ko kay Charlotte kaya ito natigil sa pagsasalita.

Well, I'm just kidding her. Of course she's beautiful kagaya ng sinabi ko noon. Nagkataon lang talagang brat ang dalawang ito.

"Who the fuck said that?!" Galit agad na sigaw nito.

"Who the fuck what?" Litong tanong ni Kinsley rito habang si Cohen ay tuloyan ng isinara ang librong binabasa nito at alam kong nakikiramdam na sa ngayon.

Inaasahan ba ako nito? How sweet. The ice cold, mataray, at masungit ay hinahanap ako. Pero matutuwa kaya ito kung malaman nitong ako ang tagabantay at tagapagligtas nito?

Hindi ko alam. Ipinilig ni Charlotte ang kanyang ulo bago umiling ng marahan.

"Wala." She cleared her throat bago ulit nagsalita. "So as I was saying. Hindi ko aakalain na-"

"Na kabit ka lang?"

"Fuck!" Sigaw nito bago sinabunotan ang sarili.

"Charlotte ano ba?!" Si Kinsley na mukhang iritado na.

"Ano?!" Singhal naman nito pabalik. "Kinsley kapag nalaman kong ikaw ang nanloloko sa akin ngayon malalagot ka na talaga sa akin! Hindi pa ako nakakabawi sa pambubuga mo sa akin last time ha!"

Itinuro ni Kinsley ang sarili nito. "Ako?"

"E alangan namang si Cohen?!"

"Bakit ka ba nakasigaw? Ano bang problema mo?!"

Napahilamos ito sa mukha. "Wala!" Frustrated na sagot nito.

Hinila ko ang buhok ni Kinsley at hindi ito makapaniwalang tumingin kay Charlotte na busy sa pagkakalikot ng phone habang salubong ang mga kilay. Halatang bad trip.

"Charlotte!"

Nag-angat ng tingin si Charlotte at sakto namang hinila ni Kinsley ang buhok nito.

"H-Hey! What was that for?!"

"Hinila mo ang buhok ko."

"I didn't do anything ok?!" Namumula na ang mukha ng mga ito.

Kung normal lang siguro akong tao. Malamang kanina pa ako nasisiyahan but right now? I can't feel anything although I find it funny in my head kung paano sila magturuan.

Huminga ako ng malalim.

"Mukha kayong mga hipon." Wika ko, sabay na napatingin ang mga ito kay Cohen. Masama ang tingin ng mga ito. Tinaasan naman ni Cohen ng kilay ang dalawa.

"What?"

"Did you hear that?" Sabay na tanong ng dalawa rito.

Cohen just shrugged her shoulders pero alam kong narinig nito. I let them hear me out.

"Parang boses ni Louise." Puna ni Kinsley. Malakas talaga ang pang-amoy nito kahit kailan. Halata namang mainit talaga ang dugo nito sa akin.

"Si Louise?" Baling rito ni Charlotte. "You don't accuse someone dahil lang sa ayaw mo sa kanila Kinsley. You can't see any Louise around here."

"Iyon nga ang creepy kasi palagi siyang wala sa paligid."

Tinaasan ito ni Charlotte ng kilay. "Are you stalking her?"

"Of course not! Naiirita lang ako sa mukha niya."

Napairap dito si Charlotte. "It's a serious offense Kinsley. Tara na nga sa classroom baka minumulto tayo rito. Dapat sa hardin na lang tayo nagpunta eh."

"May multo din doon." Wika ni Kinsley rito habang inaalala ang nangyari sa araw na iyon.

"Ha?" Si Charlotte.

"Leeeeeeeeeave!" Pinalaki ko ang boses ko at pinalitan din iyon. Para tuloy boses ng isang halimaw kaya't nagtatakbo ang dalawa habang nagsisigaw. Nagkanda tapon tapon rin ang ilang make up sa shoulder bag ni Kinsley dahil hindi ito nakasara. Pati si Cohen ay nagulat pero hindi naman umalis.

"Cohen run!" Sigaw ng dalawa habang may mga kapwa estudyanteng nakatingin sa mga ito. Para na tuloy silang mga baliw. Ng makabawi sa gulat ay natawa na lang si Cohen habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigang tuloyan ng lumayo.

"Ok, stop that." Wika nito at hindi ko mapigilang pagmasdan ang maganda't maamo nitong mukha. At last, I see her perfect white set of teeth and she's beaming. Sana palagi ko itong nakikitang masaya. In that way, alam kong nagagawa ko ng mabuti ang trabaho ko.

Umupo ako sa tabi nito at malayang pinagmasdan ang mukha nito. Hey eyes were the same. They scream sadness.

"Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa pagliligtas mo sa akin last time sa step brother ko at kahit hindi mo sabihin sa akin ang totoo. I know, may kinalaman ka sa tuloyang pag-alis nila sa mansyon kaya salamat."

Napangiti lang ako rito kahit hindi naman ako nito nakikita. I'm still a human, I just don't have the feelings.

Pagkurap nito ay meron nang puting rosas na nakapatong sa hawak nitong libro. I can't talk right now pero sapat na para malaman nitong welcome ito sa mga nagawa kong ilang mga bagay para dito sa pamamagitan ng bulaklak. Maliit lang naman iyon para sa akin at kagaya ng sinabi ko. Trabaho kong protektahan si Cohen.

Tumunog ang bell kaya nag-teleport ako sa likuran ng building namin. I made myself visible saka ako naglakad sa hallway. May mga nakakasalubong akong kapwa ko estudyante na tumatakbo para sa klase ng mga ito. Meron naman iyong mga kakalabas pa lang. May mga nakatambay sa hallway at nagku-kwentuhan habang ang mga iba ay wala lang.

Natigil ako ng makita ko si Cohen na naglalakad na rin ngayon sa kabilang hallway habang hinihintay ito ni Charlotte at Kinsley malapit sa pintuan ng classroom namin. Yep, magkakaklase kami sa lahat ng subjects.

Nagpatuloy akong maglakad at ng mabaling ang pansin sa akin ni Kinsley ay sumama ang timpla ng mukha nito.

Seriously? Hindi pa ba ito nakaka-move on?

"Tinitingin tingin mo ha Louise?!" Mataray na wika nito. Aba't matalas talaga ang dila ng babaeng ito.

I smirked at her. "Assuming. Hindi ka naman kagandahan."

She gasped at napahawak pa ito sa dibdib nito. Heto na naman po sa pagiging o.a.

"Parang narinig ko na iyan kanina. Ang kaibahan lang ay sa akin sinabi." Sabat naman ni Charlotte. Oh yes I know, I told her awhile ago na hindi naman ito kagandahan kaya nga nahigh-blood.

"Hindi ka rin naman talaga kagandahan, Char." Asar ko naman dito.

Namula ang mukha nito sa inis. Ang epic lang ng mukha ng mga ito. Ang gandang pagtripan.

"At bakit ikaw ha?! Maganda ka ba ha Louise?! Kasi ako oo. I'm sure maganda kami ni Charlotte!" Sabat ni Kinsley. Paparating na si Cohen at nasa likuran nito ang magiging Professor sa subject namin ngayon.

"Ganda ng pagbubuhat natin ng bangko ha pareng Ley. At oo maganda ako. Hindi ka lang tanga, bingi, at oa. Bulag ka rin talaga."

Iniwan ko silang dalawa doon na nakatanga. Ok I am mean but I don't like mean girls too.

I smirked.

Two points for me.

The Sold Passion (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon