Chapter 4

629 61 20
                                    

Louise Averille

Makakasalubong ko ngayon ang dalawang kaibigan ni Cohen, ang anak ni King Arthur. Ito ang dalawang haliparot kahapon. Si Charlotte at Kinsley. Kaklase ko sila sa lahat ng subjects dahil iyon ang nilagay ko kahapon. Yes, I cheated. I manipulated the computer yesterday para lang maging kaklase ko sa lahat ng subjects ang anak ni King Arthur para lang mabantayan ko ito ng mabuti. It's my job kaya ako nandito ngayon kapalit ng pagpapalaya sa sakit at galit na meron ako.

Alam kong papatirin ako ni Kinsley pero bago pa iyon mangyari ay nakaiwas na ako dahilan para madapa ito sa hallway.

She even screamed. How pathetic.

Mabilis itong tinulongan ni Charlotte bago inis na bumaling sa akin saka niya ako dinuro.

"You trip me!"

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa bago ko ibinalik ang tingin sa kanyang mukha. Magaganda sila oo pero walang modo.

"Ako ba talaga o ikaw ang may balak sa akin? Nagsabi sayong tatanga tanga ka?" Deretsang wika ko rito. Ako nga hindi nagalaw sa dinadaanan ko. Siya itong lumipat ng linya.

"Aba't! Hoy!-"

Tinapik ko ang kamay nitong nakaduro pa rin sa akin.

"Don't ever play your games on me. Sinisiguro ko sayong hindi mo magugustohan kapag ako ang naglaro pabalik sayo." I sincerely said.

"Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganyan. Ang lakas rin ng loob mo ano?!"

"You're not worth my time." I said bago naglakad para sana lampasan sila pero natigil ako ng hawakan niya ako sa braso.

"Anong sinabi mo?!" Namumula ang mukha nito sa galit.

"Hindi ka lang tanga. Bingi ka pa."

Nakita kong nanlaki ang mga mata nito pati na rin si Charlotte na napatutop pa sa bibig nito. Hindi makapaniwala sa aking inasta.

My days as a human was over. I'm no longer that nice person once they knew. Mabuti na lang at walang masyadong katao tao sa left wing ng hallway or they will cause a scene. Papunta kasi ito sa garden kung saan palaging tumatambay si Cohen and I'm sure na galing ang dalawang ito doon ng makasalubong ko.

Mabilis ako nitong sinampal sa kaliwang pisngi. I saw that coming pero hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya dahil alam kong hindi naman ako masasaktan.

"Ouch! Shit! Ang tigas ng mukha mo!" Napapaypay pa ang kanang kamay nito sa ere habang si Charlotte ay nakangiwi. Mas mabait ang isang ito pero that doesn't change the fact na may pagkaloka-loka pa rin.

Hindi man lang nabaling ang mukha ko sa sampal niya. Sure malakas pero mas malakas ako. It didn't even hurt. I don't have any feelings after all.

Bored ko itong tinignan.

"Tapos ka na? Kasi kung oo, aalis na ako. Masakit ka sa mata Kinsley. Hindi ka lang bingi at tanga. Sobrang O.A ka pa."

Iniwan ko ang dalawang tigagal doon at dumiretso sa hardin kung nasaan si Cohen. Nagtago ako sa may likuran ng namumulaklak na mga rosas. Pinagmasdan ko ito.

Perpekto.

Iyon ang pumasok sa isipan ko.

Isa talagang tunay na Prinsesa pero bakit ganun? Bakit ang lamig nito at ang lungkot ng mga mata? Gusto ko siyang makitang ngumiti. Siguro mas maganda ito kung ganun. One thing I noticed about her is that mahilig itong magbasa ng libro at maglagi sa mga lugar na tahimik kagaya dito sa hardin.

Hindi ito palaimik. Actually masungit talaga ito at mataray. Kahapon nga lang ng sabihan ako nito ng idiot.

Hindi nagtagal ay dumating sina Charlotte at Kinsley na may dala ng pagkain. Mukhang bumili ang dalawa ng meryenda sa cafeteria.

Maarteng naupo si Charlotte sa tabi ni Cohen habang si Kinsley ay nakatayo sa harapan nito habang sumisipsip ng choco. Pulang pula pa rin ang mukha nito hanggang ngayon.

Isinara ni Cohen ang binabasa nitong libro saka tumingala kay Kinsley.

"What took you guys so long?" Kahit ang simpleng pagtatanong lang nito ay malamig at walang emosyon.

Biglang napapadyak si Kinsley sa lupa at lukot ang mukha nito.

"Paano kasi! Nakasalubong namin ang tatanga tangang babaeng iyon! Hindi naman kagandahan!"

Natawa si Charlotte habang napakunot noo naman si Cohen.

"Baka gusto mong isama natin ang bulag sa description niya sayo Kins?"

Mas lalong namula ang mukha nito.

"Kins here tried to trip Louise but the table turned around. Siya ang nadapa at nasabihan ng tanga, bingi, at o.a." Natawa ito. "Kaya isama na rin ang bulag dahil I know for myself na Louise's not ugly gaya ng sinasabi mo. The girl is undeniably beautiful." Tumawa na naman ito pero natigil ng kutosan ni Kinsley. "Aray ha!"

"Sino ba ang kaibigan mo ha? Ako o ang weird na iyon?!"

Itinuro ko ang sarili ko. I am weird? Namumuro na ito sa akin. And we all know each other dahil tulad ng sinabi ko. Magkakaklase kami sa lahat ng subjects and we introduce ourselves yesterday.

"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Louise?"

"I just don't like her. Hindi ko siya feel. Para siyang alien." Wika nito. Ako alien? Kanina weird. Hindi na maubos ubos ang panlalait nito sa akin.

"Alam mo ang alien. Galit sa kapwa alien."

"Gaga!"

Kinuha ni Cohen ang choco na ibinigay ni Charlotte dito. I made myself invisible bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Hindi naman nila ako makikita. Naglakad ako palapit sa mga ito.

Sinisipsip ni Kinsley ang inumin nito kaya mas lalo pa akong lumapit rito bago ito binulongan.

"Ang pangit mo."

Naibuga nito ang iniinom na choco sa damit ni Charlotte since nakatayo ito sa harapan ng isa.

"Oh my gosh Kins! Ang baboy mo!" Sigaw nito.

Nagkandaubo naman si Kinsley habang binabayo ng mahina ang dibdib nito. Inabutan ito ni Charlotte ng bottled water at mabilis naman nito iyong ininom. Nakatingin lang si Cohen sa dalawa at parang hindi ito makapaniwala sa kapalpakan ng mga ito.

"Ugh! Now what ha? I have to change! Wala pa naman akong pamalit kaya uuwi na lang ako!" Maktol ni Charlotte pero hindi naman ito tumayo para umalis. Pinupunasan kasi nito ang basang braso.

"I heard something." Si Kinsley.

"Next time agahan mong matulog Kins at kung ano anu na ang naririnig mo."

"I swear I fucking heard something! I fucking heard it right!"

"Anong narinig mo aber at bakit ikaw lang?!" Inis na tanong ni Charlotte dito.

"Ang pangit mo." Walang gatol na wika ni Kins. Nanlaki ang mga mata ni Charlotte.

"Mas pangit ka!"

"No! Stupid. I was talking about what I heard."

Bigla ay napatawa si Charlotte. "Right, ang pangit mo talaga."

Sinamaan siya nito ng tingin.

"Nababaliw ka na." Patuloy ni Charlotte.

"I'm not crazy. I know what I heard." Naupo naman ito sa pagitan ni Cohen at Charlotte.

Sumunod ko namang nilapitan si Cohen na sumisipsip din sa choco nito habang nakatingin sa dalawang kaibigan nitong katatapos lang magtalo.

"Ang ganda mo."

Naibuga nito ang iniinom sa mismong mukha ni Kinsley ngayon. Ang lakas lang ng tawa ni Charlotte.

"Damn it Cohen! Damn this day! Damn it! Kasalanan ito ni Louise! Ang malas niya!"

Ako pa rin? Sabagay ako naman talaga. It's payback time Kinsley.

I smirked.








_______

ehem beshie @shakiara17. heto na ang update mo oh . dina ako paasa . lol .

Let me know your thoughts 🤏🏼

The Sold Passion (On Hold)Where stories live. Discover now