CHAPTER 5 : ICE TRAINING

248 29 0
                                    

CHAPTER 5 : ICE TRAINING


Labing isang buwan na ang makalipas mula nung magsimula ang pagsusulit nila ni Ken kay Savannah pero hanggabg ngayon ay hindi parin sila natatapos.



Sira sira na ang halos buong Paradise Valley dahil sa tinamo nitong mga pinsala sa unang pagsusulit nila.



Mula sa kinaroronan ng ibang mga seniors ay merong malaking Tore na may dambuhalang kampana sa itaas.



"11th month na ng test nila master! I didn't expect them na mapapahaba nila ang ganto ang unang pagsusulit nila!"Nakangiting usal ni Raven na isang 3rd Supreme High Commander.Siya ang senior ni Luigi.



"Tama si Master Raven,Master Raiko...Sa kauna-unahang pagkakataon ay wala pang namamatay sa kanila!"Saad ni Crystal na isang Priestess.Senior siya ni Joana.



"Thats why,ititigil na natin to..."Wika ni Raiko at hinarap ang ibang mga kasama



"Vaine! Sound the alarm!"Utos ni Raiko kay Vaine na isang Banshee spirit.Senior siya ni Sara.



"Masusunod Master..."Tugon nito at pumasok sa loob ng Tore.Maya maya ay biglang umalingaw ngaw sa buong kalaparan ng Paradise Valley ang malakas na batingaw ng kampana.Napatigil sa paggalaw ang lahat ng marinig ang tunog ng kampana.Tumigil ang kampana sa ikalimang pagtunog nito.



"TAPOS NA ANG PAGSUSULIT!!! INUUTUSAN ANG LAHAT NA UMUWI SA KANI-KANILANG BAHAY AT MAGPAHINGA,SA KAUTUSAN NG HIGHEST SUPREME COMMANDER!!!"Malakas na sigaw ni Sara na umabot hanggang sa kabilang bahagi ng Paradise Valley.



Nang marinig iyon ay ikinumpas ni Savannah ang kamay at biglang naglaho ang mga yelo na bumabalot sa iba't ibang bahagi ng Paradise Valley.Tumalikod siya kina Ken at bigla siyang naglaho,sa isang iglap lang ay nandoon kaagad siya sa ibaba ng malaking tore sa tabi ni Raiko.

"Great job Savannah!"Papuri ni Raiko habang tinatanaw si Ken sa malayo na papasok sa kanyang bahay.

"Thank you,Master.Magaling silang lahat,nahirapan akong kalabanin sila...Lalo na si Ken,magaling siyang pinuno,Master."Wika ni Savannah.Napangiti lang si Raiko sa tinuran ni Savannah



"Alam ko...Kaya ko nga siya pinili eh dahil alam kong siya ang karapat-dapat."-Raiko

"Hindi mo ba siya pupuntahan sa bahay niya Master?"-Raven

"Hindi na muna siguro...Let them rest for now,ihahanda pa nila ang sarili nila sa ibang training."-Raiko



VIP room (Hernandez Medical Hospital)




"What is this Lazaro? Bakit moko pinatawag?"Tanong ni Dennis dahil pinatawag siya bigla ni Doc.Lazaro sa VIP room ni Ken.Tumabi si Mr.Lazaro at tumambad sa kanila si Ken na sobrang putla.

"Whats happening to him?!"Singhal ni Dennis at nilapitan ang anak tsaka hinawakan ang kamay nito.Napabitiw siya kaagad nang maramdaman ang kasing lamig ng yelong kamay ni Ken.

"Yan din sana ang gusto kong sabihin sayo,Mr.Hernandez.Few minutes ago bumagsak ang body temperature niya to -3°C! Bumaba din ang Melanine na naging dahilan ng pamumutla niya."Ulat ni Doc.Lazaro



"-3°C!!! Thats insane!!! Dapat nasa under the deep state of Hypothermia na siya ngayon!"Garalgal na suwestyon ni Dennis

"I know! I know! But...Look! His Heartbeat is fine and Pulserate is perfectly normal! I don't have any explanation to this but im pretty sure,side-effects lang to ng 5 hours Brain dead niya."Usal ni Doc.Lazaro.Ibinalik ni Dennis ang tingin niya sa anak na sobrang putla parin.

The Forbidden School : Grim ReapersWhere stories live. Discover now