Chapter Forty-Two

Start from the beginning
                                    

            Johann stayed calm. "Kung galing lang sa pagtuturo ang pera ko, oo, hindi magkakasya sa'min. Pero hindi lang naman doon nanggaling ang pera ko, Rafael. Isa pa, high-maintenance nga 'tong si Misis." Sabay akbay sa kanya ni Johann. "High maintenance sa pagmamahal! So far, name-maintain ko naman. Punung-puno ang pagmamahal ko rito. Di mo mari-reach."

            Sapphire chuckled and jokingly poked Johann's belly. Natawa rin ito at mas kinabig siya upang mahalikan sa noo.

            "Isa pa, hindi naman nabibili ng pera ang lahat ng mamahaling bagay sa mundo," ani Sapphire. "I'm a high maintenance, yes. I still love buying branded things. But then, I realized it won't make me purely happy. True joy comes from the heart that's full of love. My husband refuels it everyday kahit pa punung-puno na iyon." Hinawakan niya ang kamay ng asawa. "Isa si Johann na puwedeng ikumpara sa pinakamamahaling bagay. Because he's too precious. Sayang Sylvia, you won't experience how my husband loves truly. Kakaiba siya. Wait, let's scratch that he's like the most expensive thing in the world bacause he's really priceless."

            Naramdaman niya ang bahagyang pagnginig ni Johann sa tabi niya. Ugh! Kinilig ang mister!

            "How romantic," komento ni Sylvia na nakangiti pero nakataas naman ang kilay. Inabot nito ang wine nito at uminom roon. She doesn't look pleased.

            "I bet, Sylvia, ganoon din sa'yo si Rafael?" panunubok niya pa.

            Parang natigilan si Sylvia sandali. Ngumiti ito kapagkuwan. "Of course," she confidently said. "Rafael can be romantic, too. He's not just really showy."

            "O baka walang iso-show," bulong ni Johann malapit sa kanya.

            Napatingin siya kay Johann at nang magtama ang mga tingin nila ay sabay pa silang tahimik na nagkangitian. Kanina pa nila napapansin ni Johann mula nang kumain sila na masyadong formal sina Sylvia at Rafael. May endearment ng ang dalawa ngunit parang kulang naman sa lambing. Parang obligado lang magtawagan na ganoon.

            In short, wala silang maramdaman "love" ni Johann sa pagitan ng dalawa. Walang 'love vibes' bulong sa kanya ng asawa kanina. Dahil kahit hindi pa showy ang isang tao, nakikita naman iyon sa mga mata. Pero si Rafael kanina pa puro madilim ang tingin.

            Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. She typed something and showed it to Johann.

            Ano ba iyang pinsan mo? Ang sama ng tingin sa'yo kanina pa. I'm gonna punch his face, really.

            Nang mabasa iyon ni Johann ay pasimpleng kinuha nito ang cellphone niya at nag-type rin.

            Hayaan mo na. Di lang niya matanggap talaga na hanggang ngayon mas pogi ako sa kanya. HAHAHAHA! Boom!

            "Bakit mo naman palang piniling mag-teacher, Johann?" tanong na naman ni Sylvia sa asawa niya.

            "Because I believe the children are our future. Teach them well and let them lead the way."

             Nagkatawanan sila maliban kay Rafael. Tsk. Wala pa yatang sense of humor ang huli.

            "Seryoso, nakakaramdam ako ng fulfillment kapag nagtuturo. Mahirap at nakakapagod ng sobra. Lalo na kahit sa bahay, dala-dala mo trabaho mo kapag teacher ka. But teaching is a passion also. My passion," seryosong sabi ni Johann. "Hindi ko alam pero gusto kong makatulong sa mga bata. Gusto kong maturuan sila ng kailangang matutunan nila ng maayos. Lahat naman kasi puwedeng magturo. Pero iilan lang talaga iyong tunay na 'nakakapagturo'. At kapag isa kang teacher, malaki ang impluwensiya mo sa utak ng isang bata. Kaya pinili kong maging teacher. Sa totoo lang, kapag nagtuturo ako, hindi ko pino-focus masyado ng sobra sa lecture. Gusto kong hinahaluan ng lesson sa buhay iyong mga tinuturuan 'ko. Ayokong matapos ang pagiging guro ko sa apat na sulok lang ng classroom. Nagbabakasakali ako na iyong mga estudyante ko, maging mabuti silang mamamayan ng bansang ito balang araw...That would be all. Thank you!"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now