KABANATA 19

38 1 0
                                    


Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang salitang sana ay hindi nalang nangyari. Humugot ako nang hangin dahil pakiramdam ko nauubusan ako. Naramdaman kong pinupunasan niya ang mga luhang patuloy na tumutulo sa mga pisngi ko. Hindi ko na siya halos makita dahil sa luhang hindi ko maawat.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko nang siya na mismo ang nagsabi. Nakagat ko nalang ang mga labi ko. Sobrang sakit dahil kung kailan nagustuhan ko na siya. Ito naman ang naging balik nang pangyayari. Niyakap ko ang mga tuhod ko at ibinaon ang mukha ko. Kung maaari lang ibaon ko narin itong nararamdaman ko ngayon.

This pain lingers in my heart, my mind, and my soul. 

"A-Alam kong matalino ka kaya ginawa ko ang makakaya kong itago sayo pero ikaw na mismo ang nakatuklas" Mahina niyang sabi.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Ang tanga tanga ko sana naging bobo nalang ako at sana hiniling ko nalang na hindi ka maharot Ran.

I'm a genius. I always win, but have never been a winner in love. 

"H-Hindi ko ginusto ang nangyari. Please believe me, I'm a victim here. Please don't cry, seeing you like this. I just want to disappear and never want to appear again" Bulong niya sakin. Nabasag narin ang boses niya nang sabihin iyon sakin. Mas lalo ko lang kinagat ang ibaba kong labi. Oh god! Bakit sobrang hirap naman po?

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero nahihirapan ako. Sobrang hirap pigilan kasi mas lalong lang sumasakit kapag naalala kong hindi ito panaginip.

This cruel world is the evidence of this pain.

Lumipas ang ilang minuto nang walang nagsasalita samin. Hindi ako makatingin sa kanya. All I can think right now is that I have already lost him. Magiging tatay na siya sa ibang babae at hindi iyon kailanman magiging ako.

Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko. Sobrang hirap isipin dahil marami siyang sinanay sakin kaya mahirap bumangon ulit. Kakayanin ko bang bumangon ulit? Kung sa lahat nang mga parte ng lugar dito sa pangasinan ay siya ang lagi kong nakakasama. Mga alaalang ngayon palang ay ayoko nang balikan pa.

Dahan dahan kong inalis ang mukha ko sa mga tuhod ko. Iminulat ko ang mga mata kong hindi halos makakita dahil sa mga luha ko. Pumikit ako at nagpunas ng mga luha gamit ang mga palad ko. Kung kailan magtatapos na kami ay ito ang bungad. Sobrang sakit na bungad naman. Tinulungan ako ni Ran sa pagpupunas.

"Shhh.. Taha na, pinipigilan mo pa paghikbi mo. Please stop crying, nabibiyak ang puso ko habang nakikita kang ganyan" Bulong niya. Tumulo ang luha ko sa kanang mata ko.

He's still nice and he's never changed at all. I was at the top of his list before, but now I would be the second. I wanted to be one, but right now everything has changed.

"S-Sino siya?" Iyan ang unang tanong na gusto kong tanungin sa kanya. Tumitig siya sa mga mata ko at dahan dahang hinaplos ang pisngi ko. He's caressing my right cheek with a certain gentleness. 

"Si May, iyong transferee student. She tricked me and now I have her pregnant." May galit sa boses niya habang sinasabi iyon.

Kapangalan niya pa bestfriend ko.

"What kind of trick? Kailan ka niya nilapitan? Lagi tayong magkasama at hindi tayo naghihiwalay. Kailan ka niya sinet up?" Sunod sunod kong tanong. Namumuo ang galit ko.

"Noong nawala ako nang one week. Hinarot niya ako pero hindi ko pinansin. At noong nagkataong nagkita kami sa isang restaurant. Binigyan niya ako ng juice. She put something in my drink and I got dizzy. Nagising nalang ako nakahubad na kaming dalawa. Naitulak ko nga nang malakas sa kama at nahulog pa" Kwento niya sakin.

"She has a plan and an intention for you. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? B-Bakit parang gusto mo pang i-itago sakin? Bakit kung kailan ako ngayon ang nagtanong sayo saka m-mo lang sinabi sakin?" Nauutal kong sabi at tumulo ang luha ko.  Pinahid niya iyon at inalis.

"Ayokong malaman mo dahil alam kong magkakaganito ka. Ayokong masaktan ka at ayokong umiyak ka nang dahil sa nangyari. Ikaw ang gusto ko at ikaw lang ang gusto kong gawin iyon. Sinira niya lahat at hindi ko alam kung mapapatawad ko siya" Galit ang boses niya habang sinasabi iyon. Puno nang puot. Nang dahil sa babaeng iyon ay sinira niya lahat. Lahat lahat.

"Don't hate her. Natapos na at n-nangyari na. But are you sure that you are the father of her child?" Tanong ko. Nagbabakasakali akong sana ay hindi siya at ibang lalaki nalang ang ama.

Natigilan siya at may parang inaalala.
"I'm not sure, but I think I need DNA. Ayokong maging batang ama at ayokong magkaanak agad lalo na sa taong hindi ko naman gusto. She sucks" Sabi niya sabay iling.

"Huwag kang ganyan. She's still a woman who needs respect, especially from you. She has done something bad to you, but you need to show her that you care lalo na sa baby n-niyo" Sabi ko.

Kahit hindi sure ang lahat alam kong siya parin ang magiging tatay. Our destiny is shattered and no amount of magic can fix it. Mapait akong napangiti sa kanya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko at kinurot iyon. Hindi naman masakit pero hindi na maganda iyon lalo na at mukha ko pinagtitripan niya. Tinapik ko ang kanan niyang braso.

"You're so kind and you always care for others. Don't be like that, mas lalo lang akong napapamahal sayo. I'm sorry for the pain again and again." Mahina niyang sabi sabay halik sa noo ko.

I like you too, Ran, but right now parang hindi ko na masabi ang mga katagang gustong gusto ko nang sabihin sayo. I'll just keep my feelings to myself. I'll just keep the pain and keep on going even if this is our last moment together. I'll treasure this forever. 

"Alam kong kaya mo siyang pakisamahan at sana ay k-kilalanin mo siya. She's the mother of your child, and you keep her secure every time. Treat her properly and respect her. Forget what happened, because it's done." Bilin ko sa kanya.

Minsan napapaisip ako kung siya siguro ang binigay sakin para maging kaibigan lang at hanggang doon nalang kami dahil iyon ang nakatakda samin. Bumigat ang pakiramdam ko. Ang sama ng tadhana sakin at ayaw akong pasayahin. Gustong lagi lang akong naiiwanan at mag-isa.

"I know, kahit meron siya. You're still the one and my forever love. Hindi ka maaalis sa puso at isip ko dahil nakapadlock kana dito" Sabi niya sabay hawak sa bandang puso niya. Natawa ako sa kanya dahil nakukuha niya pang maging ganito pagdating sakin.

"Walang magbabago at ayokong magbago dahil lang dito Reecel. You know me, I have responsibility for her, but you're my priority among all. You're my favorite crime, and I'll be forever a killer." Nakangiti niyang sabi sakin.

I'll be the police woman and lock you forever in my heart without you knowing. I think this is really a sign that I should stop something going on between us, especially my feeling for him.



Reflection Of UsWhere stories live. Discover now