KABANATA 5

26 6 0
                                    


Weekends ngayon kaya buong pahinga sana ang gusto ko. Tumawag sila mama sa akin at sinabing uuwi daw sila mamaya. Sa ganitong set up ay nakasanayan ko na dahil nagsimula lang naman ito ngayong senior high na ako. Si mama kasi ay may nadiskubreng product kasama ang mga partner nila kaya pumatok iyon sa masa. Si papa naman ay nagaadvertise ng mga products at the same time nagbibenta ng mga mahahaling watch at nagpaparent din ng mga sasakyan namin.

Nagopen ako ng messenger para makita ko kung may update sa gc namin at baka nagchat sa akin si ma'am namin pero wala naman. Matutulog na sana ako pero biglang tumawag si Ran sa messenger.

"Hey, you want to come with me?" Tanong niya agad sa akin. At dahil videocall iyon ay nakita ko siyang nakasalamin na color black at black din ang t-shirt niya. Saan kaya balang niyang pumunta.

"Nagpapahinga ako ngayon. Saan kaba pupunta? Diba dapat nagpapahinga ka rin dahil may laro pa kayo sa monday?" Sabi ko habang naalala iyong final game nila. Sana lang talaga ay manalo sila para naman hindi sayang ang pagod nila.

"Nasa harap na ako ng bahay niyo Reecel at pupunta tayong beach ngayon dahil mas kailangan natin iyon lalo na ikaw. Gusto mo bang sumama sa akin?"

"Halatang nagplano ka rito at talagang excited ka" Sabi ko sabay lapit sa bintana ko at nakita ko nga siya. Dala niya ang kotse nila buti at pinayagan siya ni tita.

"Kung para sayo kailangang handa lagi at kailangang may baon lagi. Ayoko namang hindi ka masiyahan sa pupuntahan natin. I'll wait for you here and please make it fast, Reecel, because you won't see the beauty of the sunset." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Mainit pero nakikita ko kung paano siya tumingin sa akin kahit na nakashade siya.

Tumango ako sa kanya sabay sign na magbibihis na ako. Ngumiti siya sa akin. Nagbihis ako ng dress na kulay light pink at kumuha ng shade na color black. Nagsandals lang ako sabay kuha ng camera ko. Nagpaalam ako kila manang at manong para malaman nila.

Lumabas na ako at nakita kong nakatayo doon si Ran. Napatingin agad siya sa akin.

"Sobrang init na nga ng panahon, mas lalo mo pang pinapainit. Hindi kita nasabihan sa isusuot mo" Sabi niya sabay tingin sa damit ko. Napatingin naman ako doon. Iyong dress kasi ay medyo maiksi pero perfect naman siya for summer and for the beach time.

"What's wrong? Fit siya sa pupuntahan natin Ran. Mabuti na ito kasi hindi ako nahirapan sa pagbibihis lalo na at medyo natutuyo na ang sugat ko" Sabi ko sa kanya sabay harap ng camera ko. Iyong sugat ko kasi ay meron paring bandage pero hindi na tela. Madali din siyang matuyo dahil may inirecommend si mama sa akin na ointment noong nalaman niya kila manang ang nangyari sa akin.

"Lahat bagay sayo pero masyadong maikli at alam mo namang maraming tao doon. Buti nalang dala ko ang jacket ko. Halika na anong oras na baka mamaya hindi na natin maabutan iyong gusto kong makita mo" Sabi niya sa akin sabay lapit at iginaya ako sa kabilang bahagi ng sasakyan. Inalalayan niya ako papasok at may kinuha siya sa likod ng sasakyan.

"Takpan mo ng jacket ang lap mo. Baka hindi ako makapagconcentrate"

"Alam mo ikaw lang talaga may problema Ran hindi iyong suot ko. Masyadong maharot katawan mo"

"Well, that is not a problem anymore. I think it is a habit, and I always like it whenever you are near" Sabi niya sa akin sabay hawak ng necklace ko. Lumapit pa siya sa akin at naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng lamig sa ginawa niya kahit naka-on naman ang aircon niya dito.

"I like it when you wear that necklace of mine. Mas lalo akong nawawala kapag nakikita ko iyan na suot mo. Always wear it Reecel" Bulong niya sabay dahan dahang lumayo sa akin at sinarado ang pinto. Napahinga ako ng malalim ng dahil sa kanya.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now