KABANATA 9

27 3 0
                                    


"Zyy, dali baka mahirapan pa tayong sumingit sa gitna. Excuse me po" Sabi ni Mei sa mga taong nasa harapan namin. Sumisiksik kasi kaming dalawa samantalang hindi na nakisama sa samin si Ran dahil titignan nalang daw kami sa second floor. Nasa pinakababa kasi kami ng mall kung nasaan iyong event.

"Wait up Mei, nahihirapan ako. Hold my hand tight." Sabi ko. May mga matatangkad at malulusog na mga taong nakakasalamuha ko sa pakikipagsiksikan namin.

Huminto si Mei at para siyang nanggigigil dahil tinutulak niya iyong mga tao hanggang sa makalapit siya sa akin.

"Ayaw niyong makuha sa salita ah, itutulak ko kayo nang itutulak kung iyon lang ang paraan para makapag-give way kayo haha" Sabi ni Mei sabay tingin sa mga tao.

Hindi na kasi kami masyadong napapansin dahil malakas ang sound at nagkakasiyahan na ang mga tao habang hinihintay ang mga artista. Hinigpitan pa lalo ni Mei ang kapit sa kamay ko sabay hila ulit sa akin. Tulak siya ng tulak sa mga humaharang at sumisiksik samin. Hindi naman sila nagrereklamo dahil sumasabay sila sa beat ng music. Ang ilan ay talon ng talon.

"Mei, don't be like that. Kahit di ka nila masyadong napapansin sa katutulak mo ay nasasaktan parin sila" Sabi ko sa kanya.

"Bakit kasi ganito ang mga pilipino, ayaw pakinggan ang paki-usap ng iba"

"Hayaan muna sila. They are enjoying their rights and freedom. Huwag kana lang magtulak diyan" Sabi ko sabay hila ng kamay niya at sumiksik.

Nakarating kami sa pinakaharap ng stage. The music is beating out loud. Sumasabay na kami ni Mei sa mga taong nagkakasiyahan.

"Goodevening, kababayan! We are expecting many people to be here and I'm right. Welcome to our event and thank you for coming. Excited na ba kayong makita ang mga artist na i-ninvite namin?" Sigaw na tanong ng host. Pinahina nila iyong music kaya medyo naglie low ang mga tao at kumalma.

Sumigaw silang lahat at kasama na kami doon. Sa mga ganitong event ay nakakaranas ng saya ang mga tao at nakikita nila ang mga taong gusto nilang makita dahil sa mga ganito. Parang free party with celeb ang nangyari.

"Makakasama at makikita niyo ang mga artistang nagpakilig at nagpaluha sa inyo sa mga teleserye nila. Kagaya nalang ni Donny Pangilinan, David Licauco, Sofia Andres at Si Andrea Brilliantes" Sigaw na sabi ng host kaya mas lalong nagsigawan ang mga tao. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang dalawa kong tenga.

"Beshyy, makikita ko si Donny. Hala, di tayo nakapagre-touch man lang. Haggard na ba ako?" Sunod sunod niyang sabi sa akin. Tinignan ko siya mabuti at okay naman ang itsura niya. Hindi naman siya stress o haggard.

"Huwag ka ngang magpanic. Fresh ka kaya be confident baka lapitan kapa niyan ni Donny mamaya" Sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya. Natawa naman siya sabay palo sa braso ko ng mahina.

"Sabi mo iyan ah, I trust you and you will be my mirror for today. Sana nga mapansin niya akoo, kinikilig ako kahit na hindi ko pa nga siya nakikita" Kinikilig niyang sabi sa akin. Natawa nalang ako.

May paghanga ako kay Donny kasi nadiscover siya sa magandang buhay pero una ko siyang nakita bago pa man siya nadiscover sa magandang buhay. Bukod kasi sa pogi siya ay iba yung dating niya. Samantalang si David naman ay isa sa mga crush ko bukod kay Donny dahil sa pogi siya. Ang singkit ng mga mata niya lalo na kapag ngumingiti.

"Alam kong gustong gusto niyo nang makita ang ating mga pogi at magagandang artista. Please Welcome and give them a round of applause. Donny Pangilinan, Sofia Andres, David Licauco at Andrea brilliantes" Sigaw na sabi ng host.

Kumalabog ang dibdib ko. Siguro sa sobrang saya at sa sobrang excited. Napasabay narin ako ng sigaw kay Mei at sa mga kasama naming mga fans. Unang pumasok si Sofia Andres at maraming nagsigawan at isa na kami doon. She's beautiful and she has morena skin color. Ang ganda ganda niya, talagang filipina beauty. Kumanta siya na may halong sayaw.

Reflection Of UsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt