KABANATA 2

56 5 0
                                    



Kinaumagahan ay late akong nagising dahil marami kaming assignment na ipinagawa at ngayon ang deadline noon. Nagpaturo din sa akin si Ran kaya mas lalong natagalan dahil hinahaluan pa niya ng kaharutan niya. Naligo na ako at kumain sa baba buti nalang masarap ang ulam namin.

Papasok palang ako sa gate ay para na akong lantang gulay kung maglakad. Dahil late nga ako nakapila na ang lahat at marami ng estudyante ang nakapila kaya doon na ako sa dulong pila. May nakita pa akong mga kaklase kong gusto akong sumingit pero umiling nalang ako at nagokay sign.

"Ako siguro ang iniisip mo kagabi kaya ka late ngayon dahil ba sa kagwapuhan ko?" Sabi ni Ran habang nagsusuklay pa ng buhok. Ngumiwi lang ako sa kanya at humarap sa harap sabay higab.

"Dapat ganyan lagi sabihin mo ng lumamig naman. Ang init kasi at halos walang hangin, ayan tuloy mahangin. Ang sarap lumanghap ng hangin na may kasamang polusyon nga lang haha" Sabi ko sabay taas ng mga kamay ko. Ang dami kasing dumadaang sasakyan at minsan pa may mga sasakyan na mausok sobrang itim ng usok.

"Kapag tumabi ka sakin lalamigin ka at kapag hinawakan moko mag-iinit ka lalo na kapag buong katawan ko" Bulong na sabi niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Dahan dahan akong humarap at halos mahigit ko ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Hindi kaba kinikilabutan sa sinasabi mo o sadyang antaas ng confident mo kapag ako ang kasama mo"

"I'm saying the truth. Ayoko ko namang maging plastic sayo"

"Ayaw mo ngang maging plastic sakin pero walang tigil naman iyang bunganga mong magsalita nang magsalita buti sana kung magaganda. Ayan pang mga kinikilos mo ang manyak masyado. Red flags kana" Sabi ko sabay tulak sa dibdib niya gamit ang hintuturo ko.

"Kapag manyak dapat nabuntis na kita, kapag red flags dapat nakaanim na tayong anak. Hindi pa naman purple flags haha"

Magsasalita na sana ako kaso may biglang nagsalita at pagtingin ko sa harapan ko ay malayo na iyong mga nakapila sa unahan. Naiinis akong naglakad doon at pumila ulit dahil malapit na kami sa gate. Nasa likuran ko pa din si Ran na hinahawakan pa ang bag ko.

"Ran, stop messing with me. Inaantok na ako at kapag andiyan ka kumukulo dugo ko" Sabi ko sabay hilot ng noo ko. Kagabi kasi mga 4AM na ako nakatulog para lang matapos yung assignment namin. Masyadong maaga pa naman ang pasukan namin. Dapat 6AM nasa school na para sa prayer time.

Hinila niya naman ako paharap sa kanya. Nakapikit pa ako dahil inaantok na talaga ako. Naramdaman ko namang hinihilot niya iyong sintido ko ng dahan dahan kaya mas lalo akong inaantok sa ginagawa niya. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatitig sa akin. Nagaalala ang mga mata niya at ako naman ay nagsad face sa kanya. Lumapit ako sa kanya sabay hilig ng noo ko sa dibdib niya. Hindi naman siya tumigil sa kakahilot.

"Gusto mo kargahin kita? Antok na antok ka pa yata" Sabi niya. Umiling naman ako sa kanya. Sinabihan niya akong umurong sa linya namin kasi maluwag na sa harap. Umurong ako patalikod habang ganoon pa din ang posisyon ko sa kanya.

"Mas lalo lang akong nahihilo. Ano ba yan, ito ang pinaka ayoko. Wala akong halos tulog huhu"

"Gusto mo gisingin kita sa paraan ko?" Sabat na naman niya.

"Huwag ako Ran, umagang umaga humaharot ka na naman"

"Sanay kana sakin diba? Susulitin ko na. Sasanayin pa kita lalo para naman wala nang dakdak"

Dahan dahan akong umayos sa harap niya at ang isang mata ay nakapikit pa. May hinawakan siya sa ID ko kanina ewan ko kung bakit niya hinawakan iyon. Ngumiti siya sa akin at inayos ang buhok ko. Akala ko ay aayusin niya lang. Hindi na ako nagulat ng hinalikan niya pa ang buhok ko.

Reflection Of UsWhere stories live. Discover now