Kinagatan niya ito! Hoy! Naman eh! Akin yan. Kumuha ka ng sa'yo. Huwag yung kukuhanin mo lang sa akin. Kayang-kaya mo pa namang kunuha tapos aagawin mo lang sa akin yan? Aba! Aba! Aba! Bawal yan utoy! Baka masuntok lang kita diyan.


"Ano ba? Sa akin 'yan eh. Ubos na tuloy," panghihinayang ko saka naghanap pa ulit kung meron pang mochi.


Hala, Wala ng mochi. Sa kabila. Wala talaga. Sa kanan, Wala din. Sa kaliwa, Wala din. Huhu. Baka ubos na ang mochi dito. Naubos ko pa naman yung nailagay ko sa eco bag ko. Pinagtitingnan ko na din kahit sa sulok.


Pero wala talaga!


Naghanap pa ako ng naghanap. Paborito ko yun eh. Palagi akong ibinibili ni Papa ng ganito kapag nakikita niya akong nanonood ng K-Drama o di kaya eh ng Takbo Bangtan HAHAHA. Ibinibili din niya ako ng banana milk pero pinagbabawalan niya ako sa Soju, Bawala pa daw kasi yun.


Hanggang sa ngayon eh sobrang curious ko pa din kung anong lasa nung soju. Naghanap na din ako sa mga ref kung meron bang banana milk. Kaso, Wala na din. Ano ba naman yan?! Kung kailan naman kasi Wahhh! Kung alam ko lang na last bite ko na yon, Edi sana sinakmal ko na kaagad para hindi na niya maagaw sa akin.


"Hey. Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Klarence habang sinusundan ako.


Ngayon ko lang napansin na sinusundan pala niya ako. Hala! Bahala siya sa buhay niya, Sundan niya ako kung gusto niya. Matapos niyang ubusin ang mochi ko. Kinamalayan ko bang last bite ko na yon. Kainis naman eh.


"Hala, Ubos na talaga," halos pahina ng pahina kong sambit.


"Alin? Alin ang ubos na?" pakinig kong tanong niya mula sa likod ko.


Siyempre! Yung kinain mo! Ubos na. Ubos na yung mochi! Wala na. Ubos na lahat. Kasi kinain ko na. Kinain mo din. Last bite ko pa naman yon. Grabe Huhu. Gusto ko ng maiyak.


"Hoy, Babae. Kinakausap kita," sabi niya.


Hindi ko siya nilingon bagkus ay bumalik ako sa pwesto ko kanina kung saan ko kinakain yung mochi. Kung saan niya inubos yung last mochi ko. Hala, Ubos na si Baby Chim Chim HUHU!


Hinanap ng paningin ko si Zach. Bahala na, Sa kaniya na lang ako magpapasama. Hahanap kami ng mochi. Kingina! Daig ko pa ang naglilihi dito!


"Zach."


"Oh. Bakit?" nakangiti niyang tanong.


Shet! Yung ngiti mga zer! Pati bakla, Magiging babae. Joke HAHA. Ang cute niya ngumiti.

"Ahh," napakamot ako ng ulo "Samahan mo 'ko. Hahanap tayo ng mochi. Ubos na eh." sabi ko.

Nakita ko naman si Klarence na walang emosyong nakatitig sa amin. Kung nakakamatay lang yung titig, Nakaburol na kami ngayon. Nakakailang kaya na titigan. Shit naman ehh.


"Ubos na ba?" tanong niya sa akin.


Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now