"Alam mo bang nagkita na tayo dati?" tanong niya sa akin.


Kaagad akong napalingon sa kaniya. Nagkita na kami dati? Talaga? Nung wala pang Zombie Apocalypse?


"Talaga?" tanong ko sa kaniya.


Napakarami ko nang nakita pero wala akong natatandaang nakita ko na siya. Yes, Familiar siya pero hindi ko talaga sure kung nagkita na ba kami noon. Wala kasi akong maalala na nakita ko siya noon bago pa man magka- epidemya.


"Yup. Nasa grocery store ka non. Hawak-Hawak mo yung cellphone mo. May ka-chat ka siguro non." panimula niya.


Nakatingin lang ako sa kaniya. Palagi ko namang dala-dala ang cellphone ko kaya siguro hindi ko siya napapansin dahil hindi ko naman siya kilala.


"Tapos?"


"Tapos nabunggo kita. Nahulog na yung mga pinamili mo pero nakatunganga ka pa din sa cellphone mo." dugtong pa niya bago bahagyang tumawa.


"Shemay! Ikaw ba yun?!" tanong ko.


Naalala ko na. That time, Ka-text ko si mama kasi may pinabibili siya sa grocery store Eh nadaanan ko naman kaya why not na ibili ko? Tapos! Siya pala yung nakabungguan ko.


"Yes ako yun. Hindi ka pa nga nag-sorry eh."


Sa sobrang busy ko kasi sa pagta-type. Nakalimutan ko nang mag-sorry at saka, Hindi ko naman alam na ako pala yung nakabunggo sa kaniya. Ang alam ko kasi, Siya yung nakabunggo sa akin.


"Ay. Hehe. Ikaw pala yun. Pasensiya na." sabi ko sabay peace sign.


Lumabas na kaming dalawa dahil mahigit dalawang oras na din kami dito sa loob. Paglabas namin, Nakita ko ang mga kasamahan niya na seryosong nag-uusap.


"Klarence may problema tayo." sabi ni Dan.


Agad naman kaming napatingin sa kaniya. Tumingin muna kami ni Klarence sa isa't isa saka ibaling ang atensyon kay Dan.


"What's the problem?" seryosong tanong ni Klarence.


"Lumabas kasi kanina sina Aiden para kumuha ng stocks pero, Wala silang nakuha."


"Bakit wala silang nakuha?" tanong niya.


Parang hirap na hirap namang magtagalog tong si Klarence dahil sa accent niya sa pagtatagalog ah. Pilipino ka tol! Wag mong lagyan ng accent ang pagtatalog mo!


"Kasi, Halos lahat expired na." sabi niya.


Napayuko si Klarence at animo'y nag-iisip ng hakbang kung paano nila masusulosyunan ang problema nila. Kahit naman siguro mag-isip ako, Walang idea na papasok sa kokote ko.


"May alam ba kayong ibang tindahan na pwede nating pagkunan ng pagkain?" tanong niya.


"Meron naman. Kaso masyadong malayo 'to." sabi ni Aiden.


"Matagal pa ang expiration ng mga pagkain dun." si Caleb.


"Mas matagal kumpara sa mga stocks natin dito." Si Zach.


Lumapit sa akin si Ben.


"Bakit?" tanong ko sa kaniya.


"Naiihi ako." bulong niya.


My ghad! Hindi ka ba makakapag-isa? Joke. Sinamahan ko siya sa CR sa kwarto. Sa pagkakaalam ko ay dito na din naliligo ang dalawa. Dun kasi ako naliligo sa mismong CR dito sa underground garden nila. Matagal na ako dito pero hindi ko pa din maiwasang hindi humanga sa isatraktura at mga gamit dito sa bahay nila. Talaga namang kamangha-mangha.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now