"Sorry ulit ha? Masyado ata akong namersonal." sabi niya sa akin.


"Ayos lang. Prank lang naman 'yun di'ba? Tsaka nakapagpaliwanag ka na. Ayos na yun." sabi ko nang hindi man lang siya nililingon. Busy ako sa lightstick ko eh.


Pumasok naman si Ben na may dala-dalang chocolate cake at syempre yung robot niya. Sinara niya yung pinto kahit na mas mataas pa to sa kaniya saka pumunta sa kinauupuan namin ni Klarence.


"Tingnan mo Ben, May Lightstick na ako." pang-iinggit ko sa kaniya.


Maiinggit siya. Robot yung kaniya tapos yung akin Lightstick panis! Tumingin siya sa akin at saka ibinaling ang atensyon niya sa lightstick na hawak-hawak ko. Oh, Inggit ka'no? Sakin umiilaw. Sa'yo hindi.


"Flashlight lang naman yan." sabi niya.


Hoy! Hindi to basta-bastang lightstick lang. Kung maka-flashlight ka naman wagas. Ang mahal mahal kaya nito kahit hindi ito yung official. Hindi lahat ng fans ng bangtan eh may ganitong lightstick 'no! Kasi hindi afford ng budget namin.


"Hoy bata! Hindi to basta-bastang lightstick lang 'no." sabi ko sa kaniya with matching pagpitik ng hair.


Minggit ka please.


"Alam ko."


Alam mo naman palang bata ka tapos kung maka-flashlight ka wagas na wagas ah. Baltakin ko 'yang robot mo diyan eh.


"Oh, Alam mo naman pala eh. Edi maiinggit ka." sabi ko sa kaniya.


May halong pang-iinggit pa din ang boses ko. Hindi to laruan kagaya ng hawak niya. May sentimental value yung kaniya at may sentimental value din 'yung sa akin kaya fair lang kami. Parehas mahalaga sa amin yung gamit namin aber.


"Bakit ako maiinggit? Eh pwede naman akong ihanap o ikuha ni Kuya Ng ganiyan anytime. Walang bayad yan noh! At saka itong sa akin, Binayaran. 'Yang sa'yo, Kinuha." sabi niya bago punasan ang bibig niyang may chocolate.


Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Klarence. Mukhang may balak ata 'tong dalawa na asarin ako ngayon. Totoo naman talagang mas maganda yung sa'kin kesa sa kaniya eh. Bakit hindi siya naiinggit? Siguro blink siya? O baka Maka-EXO? ITZY? TXT? GOT7? Baka SB19? RED VELVET? MAMAMOO? ENHYPEN? Baka girls Generation yung gusto niya. Mahilig siguro 'tong man-chicks eh.


"At saka isa pa, Hindi ako Army ate Bella." sabi niya.


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Kung hindi ka Army, Ano ka?" tanong ko sa kaniya.


"Edi Blink! Ang cute kaya nila lalo na si Lisa. Alam mo Ate Bella, Girlfriend ko na yun. Tapos ang galing niyang mag-rap tapos ang galing galing din niyang sumayaw. Nakita ko na nga siya sa picture, Cellphone, Tarpaulin, TV at kung saan-saan pa..." kumain ulit siya ng cake.


"...Tapos ang gagaling nilang lahat kumanta. At iconic 'yung Blackpink in your area!" halos magningning ang mga mata niya sa pagkukwento.


Nakita ko naman si Klarence na nanlalaki ang matang nakatingin sa kapatid niya. Jusko! Blink si Ben! Girlfriend pa daw niya si Lisa. OMG! Muntik na akong kabahan sa kaniya kung hindi niya lang sinabi yung Girlfriend niya si Lisa.


Halatang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kapatid niya 'tong si Klarence dahil sa reaksyon niya. Ganun din sana ang ibibigay kong look dito kay Ben kung hindi niya lang talaga binanggit yung salitang 'Girlfriend' eh.


Naubos na ni Ben ang cake niya kaya naiwan na ulit kami dito ni Klarence na magkasama. Medyo boring din pala kapag walang nagsasalita. Pero sinira at binasag din niya ang katahimikan.

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now