Siguro sobrang saya na nila dahil wala na ang malas sa buhay nila.

Mabigat ang pakiramdam na pumasok sa banyo para maghilamos at magsipilyo na bago pa at hindi pa yon nabubuksan. Pagkatapos maghilamos sa basin, hindi ko na nga alam kung ilang minuto akong napatitig sa salamin habang tumatakbo sa isip ko ang pagkidnap sa akin ni Illyria dahil hindi niya ako pag-aaksayahan ng panahon para lang puntahan dito.

Napabaling ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok. "Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Señorita Illyria para sumabay sa kanila mag-umagahan. Nandito na din po ang damit na pinapabigay ni Señorita."

Bumuga ako ng marahas na hininga at tinatamad na lumabas sa banyo para lang pagbuksan ng pintuan ang kasambahay. Napansin ko din kagabi pa na lahat ng tauhan nito ay mga filipino siguro ay pinadala nila Illyria dito sa canada ang mga ito dahil may tiwala sila.

Nagulat ito nang marahas kong binuksan ang pintuan agad kong kinuha ang hawak nitong damit. "Thanks, pakisabi sa kanila na bababa na ako." nakangiting sabi ko nakatulala lang ito sa mukha ko at napakunot ang noo. "Hindi ba ikaw yung co-founder ng Andromeda Adve--." napahinto sa pagsasalita ang babae ng biglang pigilan siya ng dalawang bantay.

"Mahigpit na pinagbabawal ni Señorita Illyria n makipag kwentuhan sa guest nito." seryoso at striktong suway sa kanya ng guwardiya nahihiyang tumango ang babae at nagpaalam ng umalis para maglinis ng swimming pool.

Naiiling na pumasok nalang ako sa loob ng kwarto at inilapag sa kama ang mga damit mamaya nalang ako maliligo pagkatapos ng breakfast.

Nagsuklay at nagpulbo muna ako tumingin din uli ako sa salamin baka may muta pa ako bago bumaba. Maingat akong lumabas ng kuwarto saka dahan-dahan iyong isinara paglingon ko sa paligid doon ako nakahinga ng maluwang ng makitang wala doon ang dalawang bantay na sobrang laki ng mga muscle sa katawan inutusan kasi sila ni Illyria na magbantay sa labas ng kuwarto baka daw tumakas ako.

Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Good morning, Hale. Halika umupo ka sa hita ni pinsan ay este sa upuan at saluhan mo kami sa hapag." nakangiting bati ni mais na tila maganda ang gising niya samantalang ang pinsan nito ay naka focus lang sa pagbabasa ng newspaper.

"I forgot to introduce myself, I'm Dylan Jasmine Windsor by the way." sabi ni babaeng mais na halatang hyper talaga kabaligtaran ni Illyria na seryoso lang. "Anyways, sino yung kasama mo kagabi? Medyo familiar siya sa akin." curious nitong tanong nag akto pa na nag-iisip ito.

"Theo Lefevre." banggit ko ng pangalan ng kaibigan ko nanlaki ang mata nito sa gulat. "Wow, isang lefevre pala ang karibal ng pinsan ko." waring natutuwa ito at sumilay ang nakakalokong ngiti niya. Karibal? Ano bang pinagsasabi niya.

Sakto namang nilapag na ang mga pagkain sa lamesa kumurap-kurap ako dahi lahat ng ito paborito ko. Sinigang na hipon, crabs, Rib-eye steak at lasagna at ang panghuli na nilagay ang buttered mussels na hindi ko naman kinakain halatang yun ang gusto ni babaeng mais nagningning ang mata niya.

Inalok sa akin ni dylan ang buttered mussels tinitigan ko lang yon. "Specialty ni pinsan yan." nakangiting sabi niya ibig sabihin luto ito ni Illyria.

Napabuntong-hininga ako saka nakagat ko ang pang-ibabang labi. Marahan akong umiling sa kanya "May allergy ako diyan." sagot ko isang beses nakakakain ako nong grade school na muntikan ko ng ikamatay sobrang putlang-putla ko na naging violet na at ang dibdib ko ay sobrang sumikip mabuti nalang naagapan agad ng nurse tinurukan agad ako ng gamot pero inilipat din sa private hospital para doon magpagaling.

"Bawal ka pala kumain nito." turo niya sa buttered mussles umiling naman ito at biglang tumawa na para bang may kalokohang tumatakbo sa isip niya . Ano kayang nakakatawa doon? Baka isang baliw itong pinsan ni Illyria.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGWhere stories live. Discover now