Lahat nang meron si Sander galing kay Illyria pati ang pang board exam nito hanggang sa pumasa at naging licensed engineer. Ang target ni Sander ang mga bigating client at nagagawa lang naman makilala ni Sander dahil sa impluwensya ni Illyria.

Isa sa dahilan kung bakit gusto ng parents ni Illyria na ipakasal kami sa isa't isa hindi lang dahil sa pangako ng grandparents namin noong binata pa sila na sa third generation ang bunsong apo ang ipapakasal. In short, arrange marriage. Isa ding dahilan ang labis na pagtutol nila sa relasyon nila Illyria at Sander dahil alam nila na ang habol ni Sander ang katawan at pera ni Illyria sadyang head over the heels lang ang prinsesa nila kaya nga hindi niya nakikita na ginagamit lang siya ng unggoy na yon.

Umalis na si Illyria hindi ko na siya sinulyapan pa hindi na ako ang dating Hale na sobrnag tanga at martir na kahit alam kong masakit sa mata ay nagagawa ko pa ding tignan.

"Tara na Hale, Gusto ko nang matulog." sabi niya na nagpabalik ng ulirat ko napatango naman ako napansin ko din kasi na medyo namumungay na ang mata niya halatang inaantok na nga talaga ito. Napagod sa pagiging kiti-kiti.

Binuksan ko na ang engine pareho kaming nagulat ni Theo nang biglang may marahas na nagbukas ng pintuan at pumasok sa backseat. Madilim at galit na mukha ni Miss Valerie na parang papatay na sa paraan ng pagtitig niya kay Theo na naalis ang antok sa katawan sobrang namumutla na ito kitang-kita ko ang paglunok niya.

"Uhm, ba-bakit.? May kail--." napaurong ang dila ni Theo nang tinaasan siya ng kilay ng future sugar mommy niya. "Shut up Lefevre. Sa condo mo ako matutulog ngayong gabi." galit na singhal sa kanya parang bata na nabahag ang buntot at napatango nalang.

Top pala huh parang hindi naman!

"Bottom ang gaga." bulong ko kay Theo na inapakan ang paa ko tinignan ko naman siya ng masama bago ako nag drive papunta sa Condominium tanging radio lang ang maririnig mo walang isang nagsasalita sa aming tatlo.

Torn between two lovers, feeling like a fool
Loving both of you is breaking all the rules
Torn between two lovers, fee---

Iniba naman ni Theo ang station ng radio medyo awkward kasi kahit hindi naman dapat. Bakit pakiramdam ko ang haba nitong biyahe kahit hindi naman traffic.

Dear DJ Ben,

I was involved in a threesome once, It was the holiday season. The other woman was around mid- forties or so, slim and gorgeous and wild in bed. She had blonde hair and blue eyes Dj Ben.

Mas lalong naging awkward na parang may dumaang malamig na hangin pinalitan naman ni Theo yon at umayos nang pagkaka-upo.

Napansin ko namang umilaw ang phone ni Theo pero nagpatay-malisya nalang ako maya-maya tinanggal niya ang seatbelt at pumunta sa gitna para umupo sa backseat. Pang bottom talaga at si Miss Valerie ang nasa top.

"So what's been keeping you busy, Theo.?" matalim na tanong ni Miss Valerie na parang may kutsilyong tumatama sayo. Naka crossed arms lang ito ginawa nila akong driver dahil pareho silang nasa backseat.

"Nothing.." tipid na sagot ng kaibigan ko nakatingin lang ako sa harapan habang nagmamneho.

"I try to be a fatalist." mahina pero may diin ang boses ni Theo. Hindi ko ba nasasabi na malakas ang pandinig ko.

"Fuck you." nanggagalaiting sigaw ni Miss Valerie pati yung buhok ko sa balahibo ay tumayo. "Handa kana bang mabilaukan.?" ganting sagot ni Theo akala ata nila sila lang dalawa dito sa sasakyan.

Subukan lang talaga gawing hotel itong sasakyan ko ipapatapon ko siya sa dagat.

Hininto ko na ang sasakyan sa harapan ng building tumikhim muna ako pareho silang namumula ang mukha na hindi makatingin sa akin ng diretso. "Salamat." napipilitang sabi ni Miss Valerie at hinila na si Theo na magsasalita sana halatang pinagseselosan din ata ako na muntikan pang mapasubsob sa kalsada para tuloy siyang bagagge na hila-hila. Naiiling nalang ako dahil ang lakas ng loob na ipagmalaki na siya ang magiging Top mukhang malayo naman sa katotohanan.

Sinimulan ko nang magmaneho paakyat sa itaas ng building nang may nakita akong space ay dahan-dahan akong nag-park. Bigla namang nagchat si Theo at blank lang yon. Medyo madilim ang parte ang napili ko ipark ang sasakyan kinuha ko na ang phone ko at isinuksok sa likuran isinunod ko naman ang bag bago lumabas sa kotse.

Hindi pa ako nakakarating sa elevator nang biglang may humarang sa harapan ko naka-cap na babae at nakasuot ng jacket na kulay grey, ripped jeans at sapatos na puti.

"Are you Hale?" tanong ng babaeng slim ang pangangatawan halatang galing ito sa mayamang pamilya base na din sa tindig at pananamit nito.

"What do you want from me.?" tanong ko na pilit itinatago ang kaba ko lalo na parang pang horror movies na yung ilaw ay ay namamatay-sindi papalit na ata sa Christmas lights.

"Wala akong kailangan sayo pero ang pinsan ko meron at wag ka nang magtanong kung sino dahil hindi ko rin naman sasabihin." malditang sabi niya na parang inip na inip na.

Sino ba ang pinsan na tinutukoy niyang may kailangan sa akin.? Baka naman, Isa sa mga babaeng nadiligan ni Theo at nagseselos sa akin dahil akala nito na may relasyon kami ng babaeng yon.? Napalunok naman ako dahil biglang sumagi sa isip ko na baka may pina-plano silang ipa-salvage ako.

Napalingon naman ako sa paligid sobrang dilim talaga sa kinatatayuan namin at walang guwardiya na nagbabantay. "Well, kung naghihintay ka na may tutulong sayo. Sad to say, hindi dadating yon dahil bago pa ako humarap sayo nakaplano na ang lahat at ang CCTV na mahahagip sa pwesto na ito ay na hacked ko at ngayon ay hindi na gumagana." mahabang paliwanag nito na parang nabasa niya ang iniisip ko. She's smart kaya dapat na kabahan.

"Wag ka nang tumangka na tumakas dahil nagsasayang ka lang ng pagod mo. Boys, ipasok niyo na sa siya sasakyan." utos nito at ganoon nalang ang pagka-bigla ko dahil may lumitaw na mga lalaki na nagtatago lang pala.

Hahawakan sana nila ako pero itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Hindi niyo na kailangan pang kaladkarin ako, Sasama ako." malditang sabi ko napaatras naman sila at hindi na nila tinuloy ang balak nilang gawin akong sako at bitbitin.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGWhere stories live. Discover now