"Tsk, But promise me, walang ibang makakaalam nito ha?" Seryosong sabi ko. Ayokong maissue na naman ako. "Walang makakaalam na may anak na ako."

"Ayokong magpromise but trust me," Sabi niya. "Good night thanks sa dinner."Nakangiting sabi niya at nagmaneho na paalis. Sana nga mapagkatiwalaan kita. Bakit ba kasi Hindi ako nag-iisip e. Kung Hindi kolang sana siya pinatuloy ay hindi na niya malalaman.

"Ingat!"Sigaw ko at bumalik nasa bahay.
       
   
*

***

Dalawang araw na ang nakalipas ng pumunta dito si Cyrus sa bahay, Tinatanong na ako ni Kai kung kailan pupunta ulit dito si Cyrus. Sinabi ko nalang na busy kaya matatagalan pa ang pagpunta niya. Ayaw kong umasa si kai pero wala na akong magagawa. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Ayoko siyang masaktan dahil nasasaktan din ako. Ngayon araw ang alis ni Nanay at tatay dahil uuwi sila ng probinsya. Namatay kasi si tita Rita kapatid ni Nanay Marita. Isasama daw nila si Kai kaya heto ako sa bahay hindi pa nakaalis. Siguradong late na ako nito pero ihahatid ko mona sila sa terminal at magpapaalam sa kanila. Matagal tagal din sila doon kaya hindi ko maiwasan malungkot kapag naiisip kong mag-isa na naman ako.

" I will miss you mommy."Si kai na hinalikan ako sa magkabilang pisngi saka niyakap.

"Mamimiss kita baby, magpakabait ka doon ha, 'wag pasaway," Aniya ko at bumaling kay Nanay. "Ingatan niyo siya Nay."

"Ako paba, kung gusto mong bumisita doon ay pwede naman, Basta mag-ingat ka, 'wag ka rin maging pasaway." Sabi niya na kinatawa ko.

"Pag-iisipan ko, babalik na ako sa condo ko." Aniya ko, tumango nalang siya. Hindi nila kasama si tatay dahil susunod nalang siya. Magpapaalam pa mona sa boss niya. Napabuntong hininga nalang ako ng malayo nasa kinatatayuan ko ang sinakyan nila.

Tsk! Late na talaga ako sa school.

Nagpunta na ako ng school at pagkarating ko ay wala ng tao sa paligid. Nagtungo nalang ako sa classroom namin at wala din tao.

Tsk, sa gymnasium na naman siguro?

Nagpunta nalang ako sa cafeteria para bumili ng maiinom.

"Hi, your Georgina Santiago right?" Napaangat ako ng tingin ng may umupo sa harapan ko. Isang babaeng nakangiti sa akin. Maganda siya, makinis ang kanyang kutis even she's morena. She's a filipina girl base sa nakikita ko sa mukha niya.

"Yes?" Patanong na Tugon ko.

"Nice to meet you, I'm Denise Pablo, outsider hitter," Pagpapakila niya sa kanyang sarili. "Welcome to the team."

When Ms. Boyish Meet Mr. Popular Where stories live. Discover now