03

70 5 7
                                    

"Uy Elowen Congrats!" 


Bati sa akin ng nga nakakasalubong ko papasok ng room namin. Kalat kase sa buong school ang pagkapanalo ko sa quiz bee last friday kaya lahat ay masaya at natutuwang binati ako. 


"Sikat ka na naman sa buong school Elo." rinig kong sabi ni Zheil na ngayon ay kasabay kong naglalakad papasok ng room namin


"Expected naman na 'to, di 'ba last year ganito rin lahat 'nung nanalo ako sa debate. Hindi lang naman ako ang nanalo sa quiz bee, marami pa kami pero ako halos yung kilala ng lahat." pag-aalala kong sabi sa kanya. Ganito talaga sa school namin, kada may lalaban supported silang lahat at kapag nanalo, lahat happy kaya napakasarap mag-aral dito, walang kompitensya ang bawat isa, lahat dito turingan ay pamilya at kaibigan.


"Andyan na si Elowen guys!" Sigaw ng isa kong classmate


"Congrats Elowen!" Sigaw ng mga classmate ko



"Talino mo talaga Elowen! Share mo naman samin! Congrats!" Pagbibiro namang sabi ng iba sa'kin. Napapatawa na lang ako dahil sa mga bati at biro nila, nakakataba ng puso kapag lahat sila ganito sa'kin. Isa ito sa mga rason kung bakit di ako tinatamad na bitbitin ang pangalan ng school namin sa tuwing may quiz bee. May school kasi na parang wala lang sa kanila kung manalo yung studyante nila. 


Pagkarating ko sa may table ko ay kita ko na may mga chocolate at isang boquet ng flower ang nakapatong. Tinry kong hanapin kung may card para malaman ko sana kung kanino galing pero wala.



"Guys may alam ba kung sino nagpatong nito rito?" Tanong ko sa kanila na ngayon ay abala na sa kani-kanilang ginagawa


"Parang dala 'yan ni Lhim kanina papasok kanina pero di ko rin sure. Tanong mo na lang sa kanya pagbumalik na." sabi ni Rimma


"Nasaan ba si Lhim?"


"Nasa office ni Sir Tumal may pinapagawa ata sa kanya." sabi pa niya sa'kin


Ipinatong ko yung flowers at chocolates sa table niya, baka hindi naman para sa akin yon at sa table ko lang niya naipatong. Nagcheck lang ako ng phone ko habang wala pang dumarating na teacher. Puro pagbati ang bumungad sa akin galing sa iba't ibang grade level.



"Uy parating na si ma'am kasama yung principal!" Agad naman kaming umupo ng maayos at tumahimik. Kilala kase ang section namin na isa sa mga mababait at matatalino pero ang totoo talaga mas grabe pa kami kumpara sa other section magbardagulan kapag walang teacher. 


Kasabay ng principal na pumasok si Lhim. Kumunot ang noo niya ng makitang nakapatong sa table niya yung flowers at chocolates. Hinayaan ko lang siyang maupo na sa may tabi ko at nakinig na ako sa kung anong sasabihin ng principal.



"Ayaw mo ba nito?" I look at him with a confuse. He put the flowers and chocolates in my table.

He Was My First Little LoveWhere stories live. Discover now