Alam nyang may fiancee sya naisipan nya pang maghanap ng iba .
Napa iling nalang ako dahil sa inisip ko
Ewan ko bang sa kapatid ko yun bakit sobrang nag papakatanga sa babaeng yon
Hays..
"Fine sumama kayo kung gusto nyo. "Saad ko at kibit balikat na umalis
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin sila tanging 'salamat' nalang ang narinig ko bago ako tuluyan makaalis sa roon
Ang importante Ngayon alam na Namin kung nasan si Malori..
____________________
Malori POV
Hindi ko maiwasan na mapangiti ng dumapo ang tingin ko sa kamay naming magkahawak ni Athena
Magkahawak kamay kami ni Athena!
Tila baliw na saad ko sa isip ko
nag lalakad kami pa papunta sa Palengke malapit lapit lang Naman mula sa tinitirahan Namin ang papuntang palengke so Bali okay lang lakarin
Pati pabor Naman sa akin to hehe
bibili kami Ngayon ng mga ingredients para sa lulutuin ni boss
Birthday kasi ni Zyra at nag pahanda ito kaya madaming gawain ngayon sa bahay at pati si clint na patamad tamad lang sa kwarto ay napa tayo ng utusan ito ni ashley bumili ng cake at lechon
At dahil kulang ang mga ingredients na na nabili ay nag volunteer si athena na sya na bibili and then sumama nako
Mahirap na baka may mangyare nanaman na masama sa kanya katulad nung nangyare sa kanya dati kung hindi pa ako umuwi pala ng ganung oras ay napahamak na pala ito
Mabuti nalang talaga..
Pati Hindi ko na naman na hahayaan na may mangyareng masama sa 'Girlfriend' ko ano??
Subukan lang talaga nila at Hindi Ako mag dadalawang isip na iharap Sila Kay satanas
Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti
Girlfriend...
Yes!! Girlfriend kona si athena!!
"Bakit ka naman ngumingiti jan mag isa? Ano iniisip mo..? babae?" Usal ni athena na ikinalingon ko dito
Masasamng tingin ang binibigay nito sakin
"Hey.. mali ang iniisip mo" saad ko dito pinaningkitan ako nito ng mata
"Siguraduhin mo lang malori baka matadyakan kita jan" sagot nito sabay irap sakin
Sungit talaga..
Pero ang ganda parin!
"Oo naman ikaw lang naman lagi nasa isip ko.."saad ko dito ngumiti pa ako dito bago ito bigyan ng kindat
Namula naman ang mukha nito at bago umiwas ng tingin sakin pero bago yun nakita ko pa ang ngiting sumipilpil sa kanyang labi
At kahit hindi ako nag lalaro ng basketball piling ko naka 3points ako
Nang makarating kami sa palengke ay napa buntong hininga nalang ako
Ang daming tao...
Tahimik na nag lakad nalang kami papasok sa loob at tahimik na pinagmasdan ang girlfriend ko na makipag tawadan sa mga tindera na ikinangiti at ikinailing ko nalang
Expert ah?
Sunod sunuran lang ako rito at pansin ko buong loob yata ng palengke nalibot na namin dahil sa daming binili nitong kasama ko
At Ako Naman na Ngayon ngalay na kamay ko dahil sobrang dami ko nang dala at pagod narin Paa ko kakalakad.. sa tingin ko mga higit isang oras na kami palipat lipat ng pwesto rito Hindi rin naka tulong ang init at Dami ng taong iniiwasan para maiwasan na makabangga
"Okay sa tingin ko okay naman na ito" saad ni athena habang tinitignan ang listahan
Bagsak balikat na napabuntong hininga ako
"Okay kalang?" Nag aalalang tanong nito sa akin hinawakan nito mukha ko
Tumingin ako dito at napa pout
"Honestly? Hindi pagod at ngalay yung paa at kamay ko " reklamo ko
Nangingiting kinuha nito ang panyo mula sa bulsa nya. pinunasan nito mukha ko tagaktak ng pawis at pati leeg ko
"Kung ganon tara na at umuwi na tayo ng makapag pahinga at makaligo kana" ngiting saad nito tumango tango naman ako hinalikan ako nito ng pisngi na ikinangiti ko naman
"Yes uwi na tayo" usal ko at hinalikan rin sya sa pisngi nya
Nakangiting itinahak naman namin ang daan pauwi sa tinitirahan namin
Pero sa pagkakataon na ito ay naka tricycle na kami
Sa Dami ba naming Dala at sa init na din
Napangiti Ako ng maramdaman ko na hinilig nito ang ulo nya sa balikat ko
Sana laging ganto.. na Laging masaya.
Dahil bukod sa pamilya at kaibigan.. nakita ko sa kanya ang ibang pang kahulugan ng totoong kasayahan
Tanging kay athena lang
Hinalikan ko ang noo nito
Tanging sa kanya lang...
YOU ARE READING
Loving Beatrice Salvatore
RomanceHappy go lucky si Malori Satori ang half japanese na badass nang Salvatore University Kilalang kilala sya sa loob ng paaralan nila.. di dahil sa Maganda at mayaman sya.. Kundi yun yung sa araw araw na pag papahiya at pag rereject sa kanya nang taon...
Chapter 19
Start from the beginning