"Ate Bella." pagtawag sa akin ni Ben.


Nilingon ko naman siya na may awrang nagtatanong.


"Bakit?" tanong ko habang tinitingnan ang expiration date ng de latang hawak ko.


"Gusto ko nun" sabay turo niya sa marshmallow na nasa itaas.


Masyado itong mataas at hindi ko kayang abutin. Lumingon ako sa paligid at nakita ko naman si Klarence na kumukuha din ng mga pagkain kasabay ng paglinga-linga niya sa paligid. Walang tungtungan akong makita kaya pipilitin ko na lamang sigurong abutin ang marshmallow na gusto ni Ben.


Tumiad ako para subukang abutin iyon. Bakit ba kasi nasa itaas ang marshmallow. As in, Nasa pinaka-itaas siya. Konti na lang at maaabot ko na ang marshmallow pero hindi ko pa din maabot. Tiningnan ko si Ben at mukhang naghihintay pa din na makuha ko ang gusto niya.


Huminga ako ng malalim saka sinubukan muling abutin ang marshmallow pero isang tao ang umabot dito. Si Klarence. Kinuha niya ang marshmallow saka walang emosyon na ibinigay sa akin.


"Huwag pilitin kung hindi abot. Kung may kailangan ka, Sabihin mo sa'kin. Pandak ka tapos aabutin mo yun. Tss.." hindi nakawala sa paningin ko ang pagngiti niya.


Wait. Ngumiti siya? Si Klarence ,Ngumiti? Nakadagdag sa kagwapuhan niya ang pagngiti niya. Kung normal lang siguro ang mga tao dito, Baka kinababaliwan na siya ng mga babae. Yung tipong kahit ngisi lang niya, Mahihimatay ka na.


Iniabot ko na kay Ben ang marshmallow na pinakukuha niya sa akin. Masyado akong pinahirapan ng batang to. Dagdag ko pa na dapat tahimik lang dahil baka may zombie pala dito tapos hindi namin alam.


"Bakit?" tanong ko kay Ben nang hilahin niya ang ibabang parte ng damit ko.


"Alam mo ate Bella, Ngayon ko na lang ulit nakitang ngumiti si Kuya Klarence ko." bulong niya sa akin.


Bigla akong napatingin sa kaniya na busy ngayon sa pagbabantay ng lalabasan namin. May hawak na batuta at napaka-simple pero elegante kung tingnan. Lumingon din ako kay Ben, Para siyang ahhmm, Child version ni Klarence. Magkahawig talaga sila. Hindi na kailangan ng DNA test para patunayang magkapatid sila. Mukha nga silang magkambal eh.


"Fvck! Hurry!" pabulong na sigaw ni Klarence sa amin. Lumingon naman ako sa may labasan at nakita ang paparating na mga zombie.


Mga nasa sampung zombie ang paparating. Agad kaming nagtago sa CR ng convenient store saka ito ini-lock. Kaagad niya ring tinakpan ang bibig ko at at saka sinenyasan ng silent. Tiningnan ko naman si Ben na nasa loob ng t-shirt ng kuya niya ang ulo. Gusto kong tumawa sa inasta niya pero mas mautak pa talaga sa akin ang batang ito.


"They're gone." sabi ni Klarence sa amin saka tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.


Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon. Binuhat niya si Ben at saka kami nagsimulang umalis sa convenient store. Bawat hakbang namin ay tahimik at para rin kaming sidekick kung gumalaw.

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon