Aayaw umusad ng trapiko dahil sa napakaraming sasakyan ang nag-uunahan papunta sa Safe Area.


Ilang saglit lamang ay umusad na ang mga sasakyan kaya't umandar na din ang sasakyan namin. Medyo mabagal ang usad dahil halos wala ng espasyo sa mga sasakyan sapagkat napakarami nito. Akala ko ay sa palabas ko lamang ito makikita ngunit ngayon ay aktwal na. Hindi ako makapaniwala.


"Magdasal tayo. Alam kong ang Diyos lamang ang makakapagligtas sa atin sa sitwasyon natin ngayon." naiiyak na sabi ni Mama.


Kumuha siya ng rosaryo mula sa bag na bitbit-bitbit niya kanina. Binigyan niya kami ng maliliit na imahe ng santo at sinabing hawakan iyon at itapat sa aming dibdib na siya naman naming ginawa.


"Diyos ko, Tulungan niyo po kami sa sitwasyon namin ngayon. Patnubayan niyo po ang mga awtoridad at militar ng gobyerno upang sa gayon ay mailigtas at maproteksyunan kami sa epidemyang unti-unting nagpapaguho ng mundo..." lumandas ang luha ni Mama na kanina pa niyang pinipigilan. Hindi na din namin mapigilan ang pag-iyak. Halos hagulhol at iyakan ang naririnig sa sasakyan.


Nakita ko naman si Papa na pinupunasan ang mga luha niya. Alam kong sa sitwasyon namin ngayon ay aayaw niyang ipakitang nasasaktan siya. Siya dapat ang nagpapakita ng kalakasan kahit alam kong hindi na din niya alam ang gagawin niya.


"....Nawa po ay pagbayarin niyo ang taong may kagagawan nito. Sa ngalan ni Hesus at ng butihing Diyos.... Amen."


Nagsign of the cross kami saka niyakap ang isa't isa.Pinapalakas ang kalooban ng isa't isa para malabanan ang problemang ito. Ngayon, Hindi lang ako o ang pamilya ko ang namomroblema kundi pati na din ang buong mundo.


"Kung sakali mang ito na ang huli nating pagkikita-" Pinutol ni Mama ang sinasabi ni Papa.


Pati ako ay nagulat sa mga katagang sinabi ni Papa. Hindi dapat siya mawalan ng pag-asa ngayon!


"Hindi matatapos ang buhay natin ngayon Eduardo!" matigas na saad ni Mama.


Kitang-kita ko kung paano lumandas ang mga luha sa mata niya. Parang sasabog ang puso ko sa nakikita ko. Hindi ko magawang tingnan ang mga kapatid ko na nahihirapan na din sa sitwasyon namin ngayon.


"Pero hindi sigurado ang bu-"


"Eduardo!"


"Papa!" halos sabay-sabay naming sambit.


"Ngayon ka pa ba mawawalan ng pag-asa mahal ko? Hindi dito magtatapos ang lahat Eduardo! Hindi tayo magiging Zombie, Tandaan mo iyan!" umiiyak na saad ni Mama habang hawak-hawak ang pisngi nito.


"Tandaan niyo," hinarap kami ni Papa "Kung sakali mang hindi tayo makaligtas sa nangyayaring ito, Patawarin ninyo si Papa ha? Gagawing lahat ni Papa para makaligtas kayo dito. Kahit hindi na ako basta... Basta ligtas kayong pamilya ko. Mahal na mahal kayo ni Papa, Tandaan ninyo iyan."


Hindi ko matingnan si Papa sa kaniyang mga mata. Nang lingunin niya ako ay nagpilit siya ng ngiti. Yung ngiting nagsasabi na mahal na mahal niya kami. Ngunit sa likod non ay ang takot at pangambang dinadala niya sa kaniyang kalooban. Ang lungkot na posibleng nararamdaman naming lahat ngayon.


"Papa-"


"Bella, Anak," hinawakan niya ang kamay ko "Ikaw ang unang prinsesa namin ng mama mo. Kung hindi man kami makaligtas dalawa ng mama mo, Siguraduhin mong magiging mabait kang ate sa mga kapatid mo o kung tayo mang lahat ang mapanganib, Siguraduhin mong lalaban ka at papanatilihin mong makakaligtas ka."


Napayuko ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ewan ko pero parang unti-unting dinudurog non ang puso ko. Parang sinasabi na ito na ang huli naming pagkikita at pagsasama. Na ito na ang pamamaalam namin sa isa't isa.


"Papa. Lahat tayo makakaligtas. S-Sabihin mo iyan please?"


Naramdaman kong mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa mga kamay ko. Ayoko nang bumitaw pa sa mga kamay na ito. Pakiramdam ko, Ligtas at protektado ako sa mga kamay na ito. Yung araw-araw na may gigising sa'yo at sasalubungin ka ng maiinit na yakap at matatamis na halik.


"Bella, Gusto ko mang palakasin ang loob mo pero, Hindi din kaya ni Papa. Hindi din niya alam ang gagawin niya. Patay na patay na siya sa loob at sinusubukan niyang lumaban para sa inyo." saad niya bago tingnan ang mga kapatid ko na ngayon ay yakap-yakap ni Mama at pinatatahan.


"Papa..."


"Mahal na mahal kita, Bella. Prinsesa ko."


"Mahal na ma-"


Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may sumalpok na sasakyan mula sa likuran ng sasakyan namin. Dahil sa napakalakas na impact ay napahiwalay at napatalsik ako papunta sa isang convinient store. Nabitawan ko ang mga kamay ni Papa.


"Papa....Mama..." saad ko bago tuluyang ipikit ang aking mga mata. 

••

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now