KABANATA 72

73 4 0
                                    

KABANATA 72: THE THIEF IN THE DORM

***
(CHASTITY PRESTON POINT OF VIEW)

Nagwawalis ako rito sa aming dorm ni Lorence. Natutulog lamang si Lorence habang ako naman ay nagwawalis lang. Kagagaling ko lang sa pagbili ko ng tinapay at palaman. Itatanong ko sa kanya ang bagay na 'yon lalo na kailangan ko na ito para sa kaligtasan ko.

"HINDI AKO MAKAPANIWALA! SINO BA NAMANG ITONG MAGNANAKAW NA ITO!"

"NAWALA ANG PERA NA BINIGAY SA AKIN NG MAGULANG KO!"

"GANUN DIN AKO!"

Naisipan ko na lumabas dahil sa sobrang ingay na naririnig ko. "Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong pagkalabas ko sa dorm ko.

Nasa harapan ko sina Zanlin, Blake, Aiken at si Warren. Nandoon din ang iba naming kaklase na mukhang nagrereklamo. Ano na naman kaya ang kinapuputok ng butsi nila?

"Anong nangyayari sa inyo?" tanong ko ulit sa kanila.

Nilingon ako ni Aiken at Zanlin. "Nawawalaan ako ng pera," sambit ni Zanlin.

"Ganun din ako," segunda ni Aiken.

Come to think of it, nawawalan din ako ng pera. 300 pesos ang nawawala sa akin. "Ilang ang nawala sa inyo?" tanong ko ulit sa kanila.

"5,000 sa akin pero 'yon na ang gastusin ko pero ninakaw pa," sagot ni Zanlin na mukhang naiinis pa.

Ang laki ng ninakaw pala sa kanila. Sino naman itong magnanakaw na ito na walang takot o awa na nagnakaw sa mga kaklase ko. "Feeling ko, kaklase lang natin ang nagnakaw ng mga pera natin. Alam naman natin kung gaano kahigpit ang bantay rito sa dorm. Hindi basta-basta nakakapasok ang hindi student dito sa MMA," mahabang paliwanag ni Aiken na sinang-ayunan ng iba.

Sumangayon din ako sa pahayag niya dahil mukhang tama ito. "Mag-inspection na lang tayo sa bawat dorm dito, malalaman naman natin kung sino ang nagnakaw ng mga pera natin," suhestyon ni Warren na sinang-ayunan ng iba.

Parang may mali sa nangyayari. Talaga bang hindi sinadya ang pagnanakaw. Feeling ko plano ito dahil may sinusubukan na i-frame up ang magnanakaw na isang tao. Pinasok na pala nila ang dorm namin ni Lorence at naghalungkat sila.

"Mukhang wala rito," tanging sabi ng isa at lumabas na sila sa dorm namin ni Lorence.

Pumasok sila sa kabilang dorm kung nasaan doon ang kwarto ni Zanlin at Seth. Naghalungkat sila roon kaya sumunod ako sa kanila. May nakita sila sa ilalim ng foam ni Seth na maraming pera. Maraming nagsimulang magbulungan ang iba.

"Seth, paano ka nagkaroon ng ganitong karami na pera?" tanong ni Zanlin pero nanahimik lang si Seth.

Nagtaka ako sa inasta niya dahil parang may problema siya na ayaw niyang malaman namin. "Baka siya ang nagnakaw sa pera natin kaya ganyan karami ang pera niya. Alam naman natin lahat na kung gaano kahirap si Seth tapos ganito na lang karami ang pera niya, mukhang galing sa nakaw," mahabang paliwanag ni Warren na ngumisi kay Seth.

Tinapunan ko ng tingin si Seth at saka sinamaan ng tingin si Warren. "Baka may ibang rason kung bakit marami siyang pera, hindi lahat ng mahihirap na maraming pera ay galing sa nakaw," sagot ko kay Warren na sinamaan pa siya ng tingin.

"Seth, kung ayaw mo magsalita baka ikaw ang sisihin namin na magnanakaw," sabi sa kanya ni Zanlin at tinapik ang balikat ni Seth.

"SETH! IBALIK MO ANG PERA NAMIN!"

"MAGNANAKAW KA PALANG HAYOP KA!"

Natigil ang sigawan sa dorm ni Seth dahil may biglang pumasok na sinuntok pa ang pinto. Mukhang kagigising lang nito ng sanhi ng ingay na likha ng mga kaklase ko. "Ano bang kaguluhan dito?" tanong niya habang naiinis.

Tumigil siya sa gilid ko at tiningnan isa-isa ang mga kaklase ko. "Magnanakaw 'yang si Seth, ang dami niyang pera kahit alam natin na mahirap lamang siya," mahabang paliwanag ng kaibigan ni Warren na nanakawan pala.

"Porket mahirap ay magnanakaw na agad, hindi niyo kasi inalam ang katotohanan bago kayo humusga. Pinahiram ko ng pera si Seth dahil may problema siya," mahabang litanya ni Lorence.

Tumaas naman ang arko ng kilay ni Warren. "Huwag mong protektahan 'yang kaibigan mo dahil nagnakaw talaga 'yan," sabi pa ni Warren na tinuro si Seth na nakayuko.

"Ipagtatanggol ko talaga siya dahil tama ang sinasabi ko. Nahalungkat niyo na ba lahat ng iba bago niyo sisihin si Seth? Problema kasi sa inyo nakita niyo lang na may pera ang mahirap na tao ay galing agad sa nakaw. Malay natin na sinadya ito ng isang tao para may masisi na inosente naman," paliwanag ni Lorence na may pinapahiwatig.

Natigilan naman sila sa naging pahayag ni Lorence. May ilan na sumang-ayon sa sinabi ni Lorence at nagsilabasan sa kwarto ni Zanlin at Seth. "Pasensya na Seth if ganun ang tanong namin," sabi ni Aiken.

"Alam ko naman na hindi mo magawang magnakaw, Seth," sabi rin ni Zanlin na sinangayunan ni Aiken.

"Salamat sa inyo, kakausapin ko lang si Seth," sagot ko kina Zanlin na kinatango nilang dalawa.

"Kapag may problema ka, Seth. Asahan mong tutulungan ka namin kaya sabihin mo lang sa amin," sagot ni Aiken at nagpaalam na sila ni Zanlin paalis.

Pagkaalis nila ay tiningnan ko si Seth na nakayuko lang. "Talaga bang galing kay Lorence ang pera?" nagtataka kong tanong kay Seth.

Hindi sumagot si Seth bagkus si Lorence ang sumagot. "Oo naman, pinahiram ko siya ng pera. Umalis ka muna rito, may pag-usapan kami ni Seth na kami lang ang dapat makaalam," sabi ni Lorence na mukhang sa kanila lang talaga ang usapan.

Inirapan ko ito at nagsimula na ako maglakad paalis. Ano kaya ang pag-uusapan nilang dalawa?

***
(LORENCE ZACHARY POINT OF VIEW)

Gabi na at nandito pa rin kami ni Seth sa may fountain malapit sa dorm namin. Hindi ko akalain na napahaba ang usapan namin. "Alam mo 'yong pakiramdam na may natitipuhan na akong tao pero ramdam ko na nasasaktan pa siya hanggang ngayon," sabi pa ni Seth habang malungkot ang tingin niya.

"Sino naman 'yan?" tanong ko sa kanya.

Bigla na lang ako napangiti dahil finally mahal na namin ang isa't-isa ni Charity. "Secret na lang natin ang pangalan niya pero may mahal siyang iba at hindi ako 'yon,"

Nasasaktan ako para kay Seth dahil sa lovelife problem niya. "Malay mo makanap ka rin ng babaeng magmamahal sa'yo," advice ko sa kanya at tinapik siya sa balikat.

Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Lorence, alagaan mo si Preston para sa akin. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan dito sa MMA at gusto ko na hindi siya mapahamak. Mangako ka sa akin Lorence na poprotektahan mo si Preston kahit anong mangyari," mahabang pahayag ni Seth.

Bakit ganito ang sinasabi niya? "Oo naman, gagawin ko 'yan," tanging sabi ko na kinatango niya.

FORBIDDEN CHOICES (COMPLETED) Where stories live. Discover now