CHAPTER ONE: Panyo

Start from the beginning
                                    

Tss! Sana nag clown na lng siya hindi niya rin naman yan magagamit pag college! Patawa rin! Palibhasa may backer!

Hindi ko alam kung ilang takbo, lakad, dapa at dampot ang ginawa ko at sa wakas natapos na rin.

Napaupo ako sa damuhan samantalang kaniya kaniya ng alis ang mga kaklase ko. Isang subject lang kami kapag webes samantalang pag hapon naman ay dalawa  hanggang alas-syete ng gabi yung pang huli.

At ngayon dahil wala akong dalang extrang uniform pawisin na ko kailangan ko munang suotin iyong PE uniform ko, jogger pants at isang plain shirt na may tatak sa likod na P.E.

Tumayo ako at muling nag lakad papasok sa locker area, may kaniya kaniyang locker area ang bawat strand. Kung HUMSS student ka sa HUMSS locker room lang ganon ka sosyal ang school na to. Bawat strand may kaniya kaniyang locker room.

Hindi pa man ako nakakapasok sa hallway ng may humarang na sa aking PESTE.

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit ngumisi lang ito na lalong nag pa init ng ulo ko.

"Tangina mo Lopez! Umalis alis ka diyan sa harapan ko kung ayaw mong mabasag yang bungo mo na lintek ka!" Sigaw ko rito ang akala ko ay tatabi na ang peste pero hindi pala.

"Ang galing mo rin e noh, pagkatapos mong inisin yung teacher natin! Hindi mo man lang naranasan yung punishment na dapat ay ikaw! Lang yung gumawa! Dahil ikaw lang din naman yung nanggalit don." Naiinis kong sabi rito ngunit hindi man lang umimik.

Tiningnan lang ako nito mula ingrown hanggang scalp.

Napaikot ako ng mata.

"Anong tingin yan? Ano? Gusto mo suntukan?! Tara suntukan! Hinahamon mo ata akong peste ka ah!" Nag bend ako ng unti yung posisyon pag mag susuntukan na.

Umiwas ito ng tingin at kita ko ang medyo pamumula ng tenga ng hinayupak! Mukhang pinag tatawanan pa ko!

Inayus ko ang aking tayo, at sinuntok ang dibdib niya himdi naman yun malakas ngunit nabalik ang tingin nito sa akin, at anduon parin yung pag pipigil nito ng tawa.

"Wag kang tumunganga diyan! Gusto mong suntukan diba? Pinagbibigyan na nga ayaw mo pa. Wag puro tawa, teka? Baka naman naduduwag ka saken?" Sinamaan ko ito ng tingin ng tumawa na ito, yung tawang pang kontrabida.

"Shit! You know what Lucy Qwenn Flaire you didn't failed me to laugh. You're so funny.'' napataas ako ng kilay.


Full name talaga?

Hindi ko malaman kung anong trip ng peste na to! Dahil ginawa pa kung joker!

"Ha ha ha, grabe tawa ko mga ganito oh." I raised my right hand and slowly show the 'fuck you' sign in my finger.

Tumawa ako ng pag kalakas lakas dahil sinundan talaga nong peste yung kamay ko. Kumunot ang noo nito saken pero nasundan din ng ngisi.

"Not now....but I think it will be soon" he playfully say directly to my eyes.

Hindi ko alam pero malakas na kumabog yung dibdib ko, napalunok ako.

"G-gago! Di ko napatol sa kauri ko! Lalo na sayong peste ka! Hindi ako bading!" Di ko mapigilang mautal, ngumisi lang ito habang nakatingin parin sa akin.

AWAKEN BY HIM  (ON-GOING)Where stories live. Discover now