"Be a good girl Florence. I love you.."

Ito na lamang ang huli niyang sinabi hanggang sa tuluyan na niyang isarado ang napakalaking cabinet laman ang pinakamamahal niyang anak.


--


Florence Almero


"Mommy!" malakas na sigaw ko habang habol ko ang aking paghinga.


"Florence" agad na may dumalo sa akin. Napanaginipan ko na naman ang bangungot na kinatatakutan ko.


"It's just a dream, calm down. I'm here" agad niya akong niyakap sa paarang inaalo ako. Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako.


"Hush Florence, nandito lang ako" kinalas niya ang pagkakayakap namin at mariin niya akong pinakatitigan.


"Do you still remember what happened last night?" umiling na lang ako.

Ang natatandaan ko lang pagkatapos na pagkatapos mamatay ng ilaw, naglaho na silang lahat. Nahirapan na akong huminga..at doon ko na hindi matandaan ang mga pangyayari.

Paano niya ako nadala rito? Hindi ko kayang tumagal sa isang madilim na lugar habang nakakarinig ng pagkakagulo, ikamamatay ko. Ano ba ang nangyari sa party? Bakit bigla na lang nawala ang ilaw? Parte ba iyon ng event? Pero bakit may naririnig akong hindi maganda? Para bang nagkakagulo

Nakatitig lang ako sa kanya. Ni hindi ko nasagot ang tanong niya. Ano nga ba ang tinatanong niya sa akin?


"Oh God! I'm glad I attended that party" hinalikan niya ako sa noo.

Malaki ang pasasalamat ko at may taong nagmamalasakit sa akin ng ganito. Taong naiintindihan kung bakit ako nagkakaganito sa simpleng pagkakapatay ng ilaw. I'm so lucky to have him by my side, he is a blessing.


"Why am I here?" tanong ko sa kanya.


"I brought you here, you're not coming back to those Ferells they are nonsense!"


"Kung wala ako sa party? Edi patay ka na ngayon? Mas binigyan pa ng pansin ng gagong Nero na iyon ang pakikipag basag ulo kaysa intindihin ka"

Ngayon nawala na ang kalmadong pinsan na umaalo sa akin. Isa na siya ngayong lalaki na kapag kinalabit mo lang ng konti ay masasapak ka na.

Ang lalaking kausap ko ngayon ay si Giovanno Javier Villacorta, my cousin who saved me.


"Whatever Gio..I need rest" kung papatulan ko pa ang init ng ulo niya lalo lang sasakit ang ulo ko kaya mabuti pa itulog ko na lang ito. Saka na lang kami mag uusap pag nasa mood na ako.

Kaya nagsimula na lang ulit akong humiga at magpahinga.


"As you wish Florence" hinalikan niya ako sa noo.

See? Kahit gaano kainit ng ulo niya, basta sinabi ko ako ang masusunod. Masyado talaga akong ni iispoil ng mga pinsan ko, maging si kuya Nik ay ganito.

Nagsimula na siyang maglakad palabas at nang sandaling hawak na niya ang door knob.


"Thanks Gio for saving me" nginitian niya na lang ako saka siya lumabas. Nang napag isa na ako. Muli na namang nabuhay ang mga tanong sa isip ko. Who are those bastards!?

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon