"Hello ladies and gentlemen! Good evening…" bati niya sa lahat. "Well everyone must be shocked about this, totoo ang lahat ng kumalat na balita, naipasa na po sa kaisa-isang anak ng mag asawang Acosta ang pinakasikat at malaking kumpanya hindi lang dito sa Pilipinas kun'di pati na 'din sa ibat ibang panig ng mundo…"

What the hell? Kumakalat na balita? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nakita?

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sa sobrang pagkabigla. Napatingin ako sa gawi ng mga magulang ko, ganoon 'din kay Tita Adele na ngayon ay tila proud na proud sa anak niya. Well dapat lang.

Napabuntong hininga nalang ako at uminom nalang ng wine. God! I need to process everything! That was so shocking! It shocked my whole fucking nerves!

Sana lang ay matapos na ang party na ito! So much revelation!

WALANG IMIK akong pumasok sa sasakyan ni Jaedan. Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang party dahil hindi ko naman alam ang sasabihin sa lahat-lahat lalo na sa mga nalaman ko. Need pa ng utak ko na i-absorb ang lahat.

Kaya ba masaya siya? Kaya bigla bigla nalang nag iba ang mood niya? Kaya biglang nagiging mabait ito? Wow. That's… unbelievable.

"Wala 'man lang bang Congratulations para sa asawa mo?"

Napapitlag ako sa upuan ko ng biglang mag salita si Jaedan habang nag ddrive. I gave him a glance bago ako muling bumaling sa harapan at tinignan ang bawat sasakayang nakakasabay namin.

"Congratulations. You deserve that position, kahit na may pagkamasungit at may kasamaan ang ugali mo, alam ko naman na desente at mas mapapalago mo pa ang Kumpanya na sinumulan mg magulang mo." Pagbati ko sa kanya ng hindi tinitignan ang gawi niya.

"Ahh! That was so touching. Dahil diyan dadalhin kita sa isang mamahaling restaurant, iyon lang ang tanging maibibigay ko sayo." Sabi niya, he laughed sarcastically. Dahilan upang mapahilot ako sa sentido ko. I know there's a hidden meaning about what he said. And that suck.

"Jaedan if it's about my parents again, please, please lang tumigil ka muna kahit ngayong gabi lang." Walang ganang sabi ko.

His eyes still on the road. He looks good while driving, his hands looks so professional while maneuvering the car. Sana pati na 'din ang ugali niya mabagsakan man lang ng kaunting kabaitan.

"Why you look so disappointed? Hindi kaba masaya na ako na ang bagong CEO?" Tumawa muli siya.

God! How to deal with this! I'm controlling myself right now! Ayokong may biakin na tiyan ng wala sa oras kahit OB pa ako. God.

"Jaedan just please okay? I'm tired and I have no time for the arguments. Hindi ko sinisira ang moment mo kaya sana wag mo din sirain ang moment ko. Please lang. Salamat." Pagod na sabi ko.

"And anyway, hindi mo na ako kailangan dalhin pa sa isang mahahaling restaurant, if you want to celebrate your success, then go, just drop me on our house, ayoko mag karoon ng utang na loob sa iyo." Dagdag ko.

Napatingin siya sa gawi ko, "utang na loob? Come-on! That's my treat. Wag ka nang tu—"

"I don't care if that's your treat Jaedan, galing pa 'din naman sa iyo ang mga mabibili mo. I can cook my own food, don't worry about me. Just drive. Gusto ko na makauwi." Pagputol ko sa kanya.

NYTM1: JAEDAN EROS ACOSTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon