Chapter 4

0 0 0
                                    

Late na ako for Rizal.

Hindi sana masama kung late ako dahil maagang maaga ang oras ng klase at pwede pa akong sumandal sa excuse na na-traffic ako. Ang problema, after lunch pa ang classes ko every TTH. At late ako for my 1pm class.

Magbasa pa hanggang 5am, Dwight.

Oo na. Late ako kasi tinapos ko 'yung librong binabasa ko kahapon. So ito ako ngayon, lakad-takbo sa grounds papuntang R331.

Sige na po, Lord. Paabutin Niyo na po ako.

Nakarating ako sa 3rd floor ng Building 2 at agad na binuksan ang pinto ng unang kwarto. Napalakas pa ata ang pagkakahigit ko. Tumingin sa akin ang mga classmates ko na nasa loob na at nakaupo pero hindi sila ang concern ko. Agad akong tumingin sa teacher's table. Walang tao.

Ilabas ang party popper!

Napabuntung hininga na lang ako. Akala ko male-late ako. I hate being late most of all. Ayoko rin kasi na nag-iintay so I make it a point to practice punctuality.

"Diyan ka na lang?"

Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. Si Kyle.

"Oo. Para maiba naman. Para kasing masarap magklase sa pinto." I couldn't help it. Automatic na lumabas 'yung sarcasm. And I admit na medyo triggered pa rin ako from yesterday. Bakit ba siya nandito?

"Okay." Inagaw niya ang door handle para higitin ng mas malaki ang pagkakabukas ng pinto at saka nilagpasan ako. Binitawan niya iyon pagkapaglas at hinayaang sumara pabalik sa akin.

Talaga naman!

Galit na sumunod ako sa loob. Grabe talaga 'tong lalaki na 'to. Kahapon habang nagbi-beat siya on his desk, aaminin ko, I found him cool then. Pero may taglay siyang hangin na kakaiba. Ano bang ginawa ko sa kanya at trip niya akong iritahin?

Luminga-linga ako para maghanap ng upuan. Wala na atang bakante. Mukhang kukuha pa ako sa kabilang kwarto. Pabaling na ako sa pinto para gawin nga iyon nang may sumigaw.

"Bambi! Bakante rito!"

Anak ng-

Lumingon ako pabalik sa kwarto. Nakatingin lahat sa akin.

Jane Austen.

Nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. Gusto kong kunin ang bag ko at ihagis sa mukha ni Kyle. Ayokong pinagtitinginan ako.

"Excuse me."

Nang marinig ang nagsalita, lumakad na ako papunta sa tinurong upuan ni Kyle sa tabi niya para padaanin ang tao sa likod ko. Ayoko rin namang bumara sa pinto. Wala rin akong choice kundi tumabi kay Kyle kasi iyon na lang din talaga ang bakanteng upuan. Nakikita ko siyang unti-unting nangisi habang papalapit ako. Minsan, ang sarap talaga manakit ng tao. Mainit pa rin ang pisngi ko but I won't give him the satisfaction of a response.

Umupo ako at nilagay ang bag ko sa kandungan saka binuksan. "I have a name," bulong ko habang kumukuha ng notepad at ballpen. Shoot. So much for not giving a response.

"I know. But you also have a nickname." Sa harap siya nakatingin but I heard him clearly.

"It was stupid." Wow. Mature Dwight joined the conversation.

"You think so?"

I can't decipher his tone. Sasagot na sana ako nang magsalita 'yung lalaki na pinadaan ko na ngayon ay nasa harap na ng klase.

"Good afternoon class!"

We greeted back but I couldn't believe my eyes. Si Kuya Leo. Bestfriend ng Ate Cat ko at first crush ko. Dito pala siya nagtuturo? Hindi man lang sinabi sa akin ng bruha kong kapatid. Nainit na naman ang pisngi ko but for a whole different reason.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bahala Na Si Batman (Our Ever After a BL Story)Where stories live. Discover now