Chapter 2

4 0 0
                                    

Nakarating ako sa R233 ng walang problema. Huling klase ko na 'to ngayong araw. World Literature.

Sumilip ako sa classroom. Halos puno na. Sa pinto sa likod ako dumaan kasi gusto ko sana sa may likuran maupo. Kaso bakit parang may seating arrangement na? Late ba ako?

"'Uy! Pre!"

Naramdaman kong may umakbay sa akin. Hindi ako komportable na hinahawakan ako kaya naramdaman ko ang pagtigil ng buong katawan ko. Nang tingnan ko kung sino, si B2.

"Naligaw ka? Educ ka 'di ba?" Nakangiti sya at ang gwapo nya talaga pero hindi pa iyon ma-appreciate ng utak ko kasi busy iyon sa pagsha-shut down.

Bitawan mo 'ko please.

"Ay sorry," sambit niya at mabilis na inalis niya ang pagkakaakbay sa akin. Nasabi ko pala ng malakas.

"Ayos ka lang?" tanong ni B2. Nakakunot ang noo niya pero gwapo pa rin. Mas matangkad siya kaysa sa akin ng mga 2 inches or so siguro. Hindi ko kailangang tumingala masyado para kausapin siya. Sa malapitan, brown ang mata niya. He has an open smile that is very disarming. Kaya siguro may reputasyon na playboy.

"Okay lang ako." Mas kalmado na 'ko ngayon pero mahigpit pa rin ang hawak ko sa strap ng bag ko. "Late na ba 'ko? Bakit may seating arrangement na ata?"

"Ha? Ah oo may seating arrangement na. Si Ma'am Torres kasi ang prof sa World Lit. Lagi niyang pinapaupo alphabetically ang mga estudyante nya. Inunahan na namin. Dito ka rin?" Tanong niya na nakataas ang isang kilay.

"Yep. Irreg ako e." Pumasok na kami sa room at tinanong sa akin ni B2 ang pangalan ko. "Dwight. Dwight Sevillano."

"Sevillano? Nice! Ikaw na sa hulihan. Kyle! Kyle! Pre hindi ka na mag-iisa sa likod!" Sumigaw siya at kinuha ang atensyon ng buong classroom habang hinahanap ang tinawag niya. Nakakahiya shete. Nakatingin ang lahat sa amin.

"Lumabas 'tol. May kukunin lang daw sya." Nang tingnan ko kung sinong nagsalita, si B1. Kapre ba 'to? He's more than a full head taller than me. I mean, hindi ako maliit para sa Filipino. Pero takte kapre ata 'to. Gwapong kapre.

Hoy Dwight ha? 'Yang kalandian mo, ikahon mo.

"Ah okay. 'Tol classmate natin si Bambi, oh!" Nasigaw pa rin si B2. Kailangan i-announce ang lahat? May megaphone ba sa lalagukan nitong lalaking 'to?

Saka...

"Bambi?" Tanong ko. Ako ba 'yung tinutukoy niya na Bambi?

"Idea ni Ryker 'yon." Depensa ni B1. Pero nakangisi siya.

"Ang cute mo kaya kanina nung naliligaw ka. Para kang si Bambi." Nakangiti si B2 na parang hindi nakakalalaki na tawagin niya akong Bambi.

Bambi talaga? Close tayo, pre? Sa ikalawang pagkakataon ay gusto kong mambara. Kaso kung talagang, at ayoko mang bitiwan ang mga salitang ito dahil napaka-cliché, campus crush ang dalawang 'to, wala akong suportang matatanggap mula sa iba 'pag binangga ko sila. Saka na siguro. Mwuahahaha.

"Sino naman 'yung Ryker?" Tanong ko na kunwari hindi ko alam. Nang mabawasan naman ang lipad ng mga ito.

"Ay hindi pa nga pala kami nagpapakilala. I'm Ryker Barquilla and this is Wyatt Monreal. Welcome sa AC 3-1, Dwight."

"AC 3-1?" Aircon?

"Accountancy Third year Section 1." Si Wyatt naman ang nag-explain. So talagang coded lahat sa school na 'to. At least madali maghanap.

"Ahhhh." Gwapo man sila, gusto ko nang tapusin ang usapan na ito. Masyado na silang nakakasilaw. Tumingin ulit ako sa mga upuan. Halos wala ng bakante. Bumalik ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Alphabetically arranged 'di ba? Saan ako uupo?"

Bahala Na Si Batman (Our Ever After a BL Story)Kde žijí příběhy. Začni objevovat