Si Sir Ric, yung Professor namin sa Theology at si—oh noooo!!! Si Father Dylaaaaan!!! Lord, patawarin mo na po ako sa lahat ng kasalanan ko, please po. Ajujuju!

"What is the meaning of this?!" Gulat na gulat na tanong ni Sir Ric. Maging ako nagulat, agad akong napatayo at tarantang inayos ang nagulo kong uniform. Si Storm naman as usual, chill lang.

Kinakabahan na ako, yung pakiramdam na anytime bibigay yung dalawang tuhod ko dahil sa sobrang takot at kaba, yung feeling na ako lang yung worried na worried sa 'ming dalawa? At yung feeling na masasapak ko sya dahil ang chillax nya tignan?

Tinignan ko si Storm ng masama, ibinuka ko ang bibig ko at saka ako nagsalita ng walang boses. Halata sa mukha nya na hindi nya ako na-gets kaya inulit ko kaso mukhang hindi nya talaga ma-gets. Well, ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay...

"Storm, pwede mo bang ipakita na nagwoworry ka? Kahit konti lang? Para naman hindi tayo masyadong pagalitan? Pwede ba? Please po?"

 

"In my office!" Nagtitimping sabi ni Father Dylan. Lumakad na sya palayo kasunod nya si Prof Ric habang kami naman ni Storm tahimik lang na sumunod sa kanilang dalawa.

Galing sa Chem. Building kung saan naroon ang Chem. Lab., bumaba kami at nagtungo sa quad. Mula kasi sa building na iyon ay tatawirin ang quadrangle para makarating sa office ni Father. Nasa quad na kami nang bigla kaming mapadaan sa isang kumpulan ng mga estudyanteng babae, nakatingin sila sa amin na para bang sila ang may kagagawan kaya nalaman ni Father Dylan at Prof Ric kung nasaan kami.

"Good job, girl!" Sabi ni Mitch kay Glyza.

"I know" Sagot naman nito habang nakangiti at nakairap sa 'kin. Sa sobrang bwisit ko, inirapan ko din sya tapos kinalbo ko sya sa utak ko. Punyeta ka, humanda ka sa 'kin mamaya, gigilitan kita!

"Freak girl..." Natigil ang masamang plano ko kay Glyza nang biglang nagsalita si Storm, napatingin lang ako sa kanya dahil hanggang ngayon natatakot pa din ako kay Father Dylan.

Ibinuka nya ang bibig nya, may sinabi sya pero kagaya ng ginawa ko kanina, wala ding lumabas na salita mula sa bibig nya, at sa totoo lang, hindi ko nagets yung sinabi nya kaya tinanong ko sya ng 'ano?' pero silent lang.

"Tss." This. Yung reaksyon nyang ganyan samahan mo pa ng pikachu face nya, ayy nakakamiiiiis.

Sasagot pa sana ako kaya lang biglang nahagip ng mata ko si Green, ilang saglit pa'y napansin ko na din na kasama nya sila Lourie, Ck, Joey at Jd. Halatang nagtataka silang lahat sa mga nangyayari dahil sa reaksyon nila.

"Chebs?" Nagaalalang tanong ni Lourie. Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil sa matinding takot, sumenyas na lang ako na kakausapin ko sila mamaya... at sasampalin ng sampung beses, kaliwa't kanan.

Makalipas ang mahabang lakaran, nakarating din kami sa office ni Father, kasama pa namin si Prof Ric sa loob. Kanina pa ako kinakabahan at kanina pa ako nanginginig, lalo na nung umupo si Father sa swivel chair nya tapos kami nakatayo lang na akala mo high school student lang na na-guidance.

"I'm so disappointed!" Alam kong galit si Father at alam ko ding nagtitimpi lang sya.

"Hindi ba't pinagusapan na natin ito? Na hindi kayo maglalapit for two weeks? What happened now?"

"And what are you doing there? Knowing na kayong dalawa lang sa loob ng Chem. Lab. while locked?" Prof Ric.

Napayuko na lang ako. Gusto kong ipaliwanag ang sarili ko kaso parang kahit anong sabihin ko, hindi nila paniniwalaan.

Seducing Mr. Pervert 2: Still Into HimWhere stories live. Discover now