39 "TWO VERSUS ONE"

41.7K 703 20
                                          

39

"TWO VERSUS ONE"

"Hoy Tonsi, may tao." Tinatapik ko sya pero hindi sya magising.

Paulit-ulit na yung pagdodoorbell, parang galit na kung sino man yung nasa labas.

Hindi ako agad makatayo kasi ang bigat nitong kumag na 'to.

May naisip akong evil plan. Itinulak ko sya pababa sa floor para makaalis ako. And yes! Successful ang ginawa ko, nahulog nga sya sa sahig. Ang tinde! Hindi man lang nagising.

Nagmadali akong lumabas para buksan yung gate.

"Good morning po –" hindi pa ko tapos magsalita eh natigilan na ako sa nakita ko.

Si manang! Kapag minamalas ka nga naman.

Dire-diretso sya sa loob ng hindi man lang ako pinapansin. Isinara ko agad yung gate at sumunod ako sa kanya.

"Hello po. Nasa business trip po sina tita at papa."

Pero hindi pa din nya ako pinapansin.

Pagpasok namin sa loob paakyat na ako sa taas. Para kasing gusto ko na lang magkulong sa kwarto.

"At saan ka naman pupunta ha magaling na babae? Magpapahinga? Kababae mong tao napakatamad mo!" Sigaw nya sa'kin. Hindi ko naman sya nanay pero kung sermunan nya ako parang sya ang lola ko.

As I expected. Ay! Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Hell day na naman ba 'to?

"Yaya!!!!!!!!!!!!!!!!!!" boses ni Tonsi coming from behind. Nagmamadali syang tumakbo at binuhat nya si manang.

"Ay anak nandito ka na pala." Ang saya-saya ni manang habang buhat-buhat ni Tonsi.

Ang saya-saya nilang dalawa. Nagtatawanan pa sila at mukhang namiss nila ang isa't-isa. Hindi pa nakuntento, inikot-ikot pa ni Tonsi si manang habang buhat-buhat nya 'to.

"Ano ka ba namang bata ka? Ibaba mo nga ako at ako'y nahihilo." Sabi ni manang na enjoy na enjoy naman sa pagbubuhat sa kanya.

Pagkababa ni Tonsi kay manang eh sabay silang tumingin sa'kin. Ako naman walang reaksyon.

"Hoy, inasikaso mo ba 'tong alaga ko?" tanong ni manang sa'kin.

"Po?" Gulat naman ako. Bakit ko naman sya aasikasuhin? Ano sya bata?

Inakbayan ni Tonsi si manang at nagpaawa effect. "Naku yaya hindi nya ako inaasikaso. Alam mo bang puyat ako at umaga na 'ko nakarating dito. Tapos inintay ko pa syang magising. Tanghali na sya bumangon eh. Tapos alam mo pa manang inutusan nya pa kong ipagluto ko sya ng breakfast. At ito pa manang, ako pa ang pinaghugas nya ng plates." Niyakap-yakap nya si manang na parang batang sumbungero.

"Hoy, wag ka ngang mapaggawa ng kwento!" Hinambaan ko sya ng suntok. "Nakakainis ka ha."

"Yaya oh. Tingnan mo ang brutal." Nagtatago pa sya sa likod ni manang.

"Bakit mo inuutusan ang alaga ko ha? Kita mo kung gano sya kabait at pinagsisilbihan nya ang tamad na katulad mo! Panget na tamad pa." Hinahaplos naman nya si Tonsi. "Sige anak, magpahinga ka muna. At itong babaeng 'to na lang ang tutulong sa'kin."

"Ako po?" gulat na gulat kong tanong.

"Bakit may iba ka pa bang nakikitang babae dito ha?" pilosopong tanong ni manang.

Tuwang-tuwa naman si Tonsi habang inookray ako ni manang. May padila-dila pang nalalaman. Akala mo kung sinong bata.

"Ano po bang una kong gagawin?" Magalang kong tanong. Alam kong hindi ako pwedeng sumagot dahil baka kung ano pang kwento ang isumbong nila kay papa at tita.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon