Punyeta!

"Kung hindi mo naman pala kayang gawin ang misyong to, sana kanina pa lang sinabi mo na kay Principal Suki."

Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang malamig na boses na iyon. Napatingin ako sa gawi nya. Nakatagilid sya sakin dahil nakaharap sya sa Principal Building. Naka-krus padin ang dalawa nyang braso. Malamig padin ang expression sa mukha. Limang metro ang layo nya sakin. Nililipad ng hangin ang Red-Orange colored Hair nya.

Zairel Von...

Parang narinig ko na yan. Narinig ko na ang pangalang yan.

"H-hey... V-von..." tumabi sa kanya si Sekaro Molave. "... Huwag mo namang sabihin yan kay Lady Catarina."

Malamig syang tinitigan ni Zairel Von. "Sinabi ko lang ang gusto kong sabihin sa kanya."

Nginitian sya ni Sekaro Molave. "Kung yan man ang gusto mong sabihin sa kanya, sana sa akin mo muna sinabi..." sabay hawak nya sa balikat ni Zairel Von. "... Ang bastos kasing pakinggan, baka magalit si Lady Catarina dahil sa nasabi mo. Kaya... Sa akin mo muna sasabihin."

Ayan nanaman ang ngiting mukhang ngisi sa labi niya...

Nakikita ko na parang wala lang kay Sekaro Molave ang malamig na titig ni Zairel Von. Tshaka, malamig ang tingin ni Zairel Von, pero nang sumilay ang ngiting-ngisi sa labi ni Sekaro Molave, medyo nakita kong gumaan ang expression sa mukha nya.

Napatingin sakin si Zairel Von. "Galit ka ba?" tanong nya na nakakrus lang ang mga braso. Malamig talaga ang titig nya sakin.

"Von naman. Bakit nagtanong ka? Mag sorry ka uyy..." sabay harap nya sakin at Iniharang ang kanyang kamay sa harapan. "... L-lady Catarina... Huwag mo pong sasaktan si Von. Please! Nagmamakaawa ako."

Mukha syang timang na nagfrefreak-out na humaharang sa harapan ni Zairel Von. Halatang pinipigilan ako na baka saktan ko yang Zairel Von nayan. Tss!

"Tinatanong ko kung galit sya..." malamig padin talaga ang boses ng Zairel Von nayan. Tss! "... Para malaman ko kung may dapat ba akong Ika-sorry." dagdag nya.

Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Yes, malamig sya kung tumingin. Kasing lamig sya kung tumingin kina Cylex and Night. Pero... Hindi nakakatakot.

Kagaya lang nung Fyre Grayven Andrada, ang lamig kung tumitig, pero at the same time, nakakatakot.

Pero etong Zairel Von? Kabaliktaran. Hindi nakakatakot...

"Hindi ako galit." sagot ko nalang.

Nagulat naman si Sekaro Molave. "Talaga Lady Catarina?"

Tumango ako. "Pero..."

Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin