Pagdating ko dun ay nakaupo na si forest kaya naman tinarayan ko ito pero sya wala, sadyang walang pakielam sa mundo kaya naman pabagsak akong naupo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila

"Oh anyare sa inyo bat bigla kayong lumayas?" Tanong ni vivian kaya naman napanguso ako bago tinignan ng masama ang nasa harap ko

"Inaalok nya kasi ako ng kasal eh hindi ako pumayag ayan nagtampo!" Dere deretso kong sabi dahilan para literal silang mapanganga sa sinabi ko at yung masungit na gubat na toh ay sinamaan lang ako ng tingin kaya naman sarcastic akong ngumiti sa kanya

"A-ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni kervy na kaharap ni vivian kaya naman natawa ako

"Joke lang kayo naman" natatawang sabi ko at kita ko naman na napahinga sila ng maluwag dahil sa sinabi ko

"Pero ano nga bakit kayo lumabas?" Makulit na sabi ni gracia kaya naman napabuntong hininga ako

"Wala may sinabi lang sya sakin na importante about something na naencounter namin dyan dyan lang!" Pagsisinungaling ko kaya naman tumango tango lang sila

Binigyan naman ako ni kervy ng alak kaya naman napatingin ako kay forest at kita ko na nakatingin din ito sakin pero dahil nakita nya na nakatingin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin kaya naman tumingin ako kay kervy at kinuha yung alak bago nilagok

Ano sya hilo para sundin ko??

Nang mainom ko yung alak na binigay ni kervy ay gumuhit uli ito sa lalamunan ko kaya naman napainom uli ako hanggang sa hindi ko na namalayan na dahil sa sunod sunod kong pag inom ay mukhang tinamaan na ata ako

Tumingin ako sa mga katabi ko at kita ko naman na may mga tama narin sila kaya naman natawa ako ang cute kasi ni gracia at vivian parang mga timang na nakatitig kay kervy at joseph

"Cr lang ako guys!" Paalam ko at ng tumayo ako ay muntik na akong matumba dahil sa biglang pagkahilo kaya naman napahawak ako sa sintido ko.

Shit dapat pala sinunod ko nalang si forest argh minsan hindi talaga masamang sumunod

Agad ko namang naramdaman na may umalalay sakin pero dahil nanlalabo ang paningin ko sa pagkahilo ay hinawakan ko nalang ito sa braso bago tuloy tuloy na naglakad

"Hala nasan ba banyo dito?" Tanong ko sa sarili ko pero narinig ata ng kasama ko dahil sumagot ito

"I'll take you there!" Malamig na sabi nito kaya naman tumingala ako para makita ko sya. Sorry naman sa height kong napakaliit noh

"Oyy oyy wait sino ka?" Tanong ko dito hindi ko kasi talaga sya masyadong maaninag

"Dont ask. Move!" Masungit na sabi nito kaya naman nahulaan ko kung sino sya. Sino pa ba edi si gubat jusko sya lang naman yung kilala kong gwapo pero masungit

"Alam mo gwapo ka naman eh kaso napaka sungit mo!" Pag amin ko sa kanya hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob basta ang alam ko epekto ito ng alak

"Stop talking move rainbow!" Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko uli ang pangalan na iyon kaya naman agad akong humiwalay sa kasama ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya

*Boooogsh!*

Agad itong napaatras ng sapakin ko sya sa mukha. Oo sinapak ko sya aba gago ayoko ng maririnig na tinatawag ako nun ni sinusumpa ko nga tong pangalan ko dahil sa kanya tas gago tawagin daw ba akong ganun

"S-sinabi ko na kanina ah w-wag akong tawaging ganun kulit ng lahi mo gago!" Inis na sabi ko dito pero ang loko nag smirk lang sakin

"Edi bahaghari nalang!" Malamig na sabi nito kaya naman mas nairita ako at tinalikuran sya bago pumasok sa loob ng banyo

Captivating SmileWhere stories live. Discover now