Prologue

2.1K 61 18
                                    

Sa isang private room ng Neutral Research Laboratory ay seryosong nag-uusap ang tatlong biochemist.

“Hindi n’yo maaaring gawin ang binabalak n’yo!” malakas na sigaw ng isang babae na nasa mid-40s, kumikinang pa ang buhok na hanggang baywang. Nakasuot ito ng laboratory gown, si Feonah Jhansen.

“You’re too late, Feonah. Hindi na ako makapaghintay na subukan ang bagong gamot na ginawa n’yo.” A man with a goatee and a timeworn face spoke, one side of his lips raised. He’s Alberto Chavez.

“Hindi pa ito tapos at hindi ito para sa Neutral Research Team,” giit ng isang matangkad na lalaki at saka inayos ang kaniyang salamin. Siya si Dereck Jhansen, ang asawa ni Feonah.

Kibit-balikat na inihilig ni Alberto ang likod sa sandalan ng upuan. “Dereck, una sa lahat ay bawal ang pag-conduct n’yo sa experiment na ito.”

Dereck got to the point where he had to stand up. His voice is faltering. “We haven’t violated any laws of the Neutral Research Team.”

Ngumiti nang pagkalaki-laki si Alberto sabay turo sa sarili. “Given that I am the NR Team’s head, you must provide me all pertinent information regarding the new medication.”

“Hindi pa nga tapos!” Feonah couldn’t control her anger. Her eyes are shooting arrows at Alberto. She never thought of giving a single piece of information to the NR Team.

“Tapos man o hindi ay kailangan n’yong ibigay si Elliot sa amin.”

Sabay na nanlaki ang mga mata ng mag-asawa sa sinabi ni Alberto.

“How did you know?”

“You’re smart, Dereck. But don’t forget, a person has its weakness.” Alberto made three knocks on the table. “I admire you for making Elliot as the vessel.”

“Tama si Professor Alberto. Sang-ayon ako sa kaniya,” sabi naman ng isang babaeng chemist na kararating lang habang may kasamang ibang mga doktor.

“Elliot!” tawag ni Feonah sa lalaking hinawakan ng mga doktor at ayaw pakawalan kahit na pumipiglas ito.

Tumayo si Alberto at saka pinuntahan si Elliot at hinawakan ang baba nito. “Now, choose. Elliot Emore or Felis Jhansen?”

“Pakawalan n’yo siya!” malakas na utos ni Dereck pero hindi natinag ang mga ito.

“Alam ko na rin ang sekreto n’yo.” Ngiting tagumpay ang nakapaskil sa mukha ni Alberto. “Alam kong may kakaiba kay Felis at minamanmanan na siya ngayon ng mga tauhan ko.”

“Ang sama mo!” malakas na hiyaw ni Elliot habang pumipiglas ngunit sadyang marami ang nakahawak sa kaniya.

Seryosong tumingin si Alberto kay Elliot. “So, Elliot. Sino ang pipiliin mo—”

“Felis,” mabilis at walang pag-aalinlangang sagot ni Elliot. “I’m sorry, Uncle. I don’t want Felis to suffer.”

“But you don’t have to sacrifice yourself!” kumbinsi ni Dereck. “Please, you don’t have to.”

Elliot only flashed a soft smile as he whispered, “I can’t sacrifice Felis.”

“I’ll take care of him starting today, December 14, 2024.” Itinuro ni Alberto si Elliot at saka binigyan ng mapaglarong ngiti si Feonah. “You don’t have a choice, Feonah.”

Napatawa nang mahina si Alberto at saka tumalikod na. “People are just stupid when it comes to love.”

Neutral Zone: AIOE 25✓ [SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Where stories live. Discover now