Chapter 41

117 9 1
                                    

GENERAL POV

Mag isang naglalakad si Ella pauwi ng dorm ng maramdaman nyang may sumusunod sakanya. Nag aalangan syang lumingon kayat medyo binilisan nalang niya ang paglalakad. Ngunit hindi maalis sa isip niya na baka may gawing masama ang taong sumusunod sakanya.

Bigla siyang huminto sa pag lalakad at dahan dahan na inilingon ang ulo sa likod, "G-gabb?" agad namang napatigil sa paglalakad si Gabb ng mapansing napansin na pala siya ni Ella

"Sinusundan mo ba ko?" buong lakas loob na pagtatanong ni Ella habang ramdam na ramdam ang lakas ng kabog ng dibdib, "Oo" walang ekspresyong tugon sakanya ni Gabb habang nakatitig sa mga mata nya.

Iniwas ni Ella ang mga tingin at agad na napayuko, "Bakit mo ko sinusundan?" tanong nito, "Ill get my things from your dorm" sagot naman sakanya ni Gabb

Hindi na nagsalita si Ella at nagpatuloy na muli sa paglalakad pauwi sa dorm nya.

Nakakabinging katahimikan ang bumungad sakanilang dalawa ng makapasok sila sa loob ng dorm ni Ella, "Ilagay mo nalang dito" bigkas ni Ella tsaka inabot ang box kay Gabb na agad namang kinuha ang inaabot sakanya

Hindi makatingin si Ella sa halip ay tahimik lang itong nakayuko at tulala habang inaantay na matapos si Gabb sa pag aayos ng mga gamit nya, "Gusto mo ba si Gia?" agad na napatingin si Ella sa gawi ni Gabb na nakatingin na pala sakanya

"U-oo" sagot ni Ella sakanya, "Masaya sya kasama, s-she makes me happy" bagamat kabado sa pag sagot, nakaramdam si Ella ng kirot dahil di nya akalaing hahantong sila sa ganoong sitwasyon na kailangan niyang magsinungaling para lang maiwasan pa ang mga pagkakamaling ayaw na niyang maulit, "Paano ako? Didn't i make you happy?"

Lumapit si Gabb sakanya at hinawakan ang mga kamay nya, "Napasaya naman kita diba?" unti unting inilapit ni Gabb ang mukha ngunit agad na inilayo ni Ella ang sarili at pinigilan si Gabb kaya't natigilan ito, "Let's not make the same mistake again" bigkas ni Ella

Nag aalangang hinuli ni Gabb ang mga tingin ni Ella ngunit pilit itong umiiwas sakanya, "Lets date, Ella" agad na napatingin ng masama si Ella kay Gabb at naguluhan sa bigla nitong saad sakanya

"Nahihibang kana ba?" naiinis na bigkas ni Ella, "Ill wait for your answer" saad ni Gabb tsaka tumayo at kinuha ang mga gamit niya

Tumingin muna ito kay Ella na ngayon ay nakayuko na tila bay nag iisip. Ayaw man nyang umalis dahil gusto pang makasama ang dalaga ngunit mas pinili nalang niyang bigyan ito ng oras para sa sarili.

GIA POV

"Omg! Ang effort!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Frances kasama si Jaydee. They're holding each others hand. What should i think about it? Maybe, naayos na nila yung problema nila na laging nak-kwento sakin ni Ella, "I hope she will like it" nahihiya kong saad habang pinagmamasdan ang hinanda ko sakanya.

Andito kami sa isang parke at talagang inarkila ko pa ito para lang surpresahin si Ella, "She will Ate, teka kuha lang kaming pagkain ah?" sambit ni Jaydee.

Punong puno ng kaba ang dibdib ko. I hope this plan will be succesful.

"Where are you Baba ko?" basa kong text ni Ella kaya't hindi na ko makatayo ng ayos. Nangangatog na yung tuhod ko sa kaba.

"Ate Gia, nasa labas na daw si Ate. Ano ka ba! Wag mo ayusin ng paulit ulit! Ayos na yan" nakangiting bigkas ni Frances ng makabalik silang dalawa ni Jaydee

ELLA POV

Gia invited me pero hindi nya sinabi kung ano yung rason, she said pa na kasama sina Frances kaya sumama ako.

Kanina pa ko nag aantay dito sa labas ng park kung nasaan daw sila pero ni isang Gia, Frances at Jaydee ang nagpaparamdam. Nagtext ako sakanila pero kahit isa sakanila walang nagreply.

"Ella?" agad akong napalingon sa likod ko ng isang pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa pangalan ko.

Its her.

Standing there while holding someone's hands, "Gabb" banggit ko sa pangalan nya habang nakatingin sa kamay nila, "Anong ginagawa mo dito? May kasama ka ba?" she smiled at me na parang walang problema

Ganun na lang ba kadali sakanya?

"Do you know her Gabb?" tanong ng babaeng kasama nya, ngumiti sya tsaka binaling ang tingin sakin, "She's my friend"

Aray...

Nahihirapan akong umahon sa hukay na pinagkahulugan ko pero sya... parang wala lang sakanya. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko sa pag patak pero sa tuwing mapapatingin ako sakanya, parang hinahagisan ng kutsilyo ang dibdib ko, "Ate Ella!" natauhan ako ng may isang taong lumapit samin at humawak sa braso ko.

"Ate Gia is waiting, oh- Gabb" nakangiting bati ni Frances, "Mauna na kami Gabb, May date pa kasi sila ni Ate Gia" bigkas ni Frances sabay hila sakin papalayo

"Ano ka ba! Anong ginagawa mo don? Kung di ako dumating baka magmukha kang tangang naiyak don!" pagsesermon sakin ni Frances, nakayuko lang ako habang naglalakad dahil hindi ko na mapigilan ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko, "Ang bilis nya Queen"

"Ayan nanaman tayo ih!" tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap sya sakin at inangat ang ulo ko, "You're crying, AGAIN" saway nya tsaka pinunasan ang luha sa pisngi ko

GIA POV

"Te' Gia nahihilo ako sayo" reklamo ni Jaydee, hindi kasi ako mapakali kanina pa, bakit ba kasi ang tagal tagal nila. Two minutes lang naman ang tagal kung lalakarin mo simula entrance ng park hanggang dito, "Maupo ka nga" bigkas nya tsaka ako hinila paupo

"Oh ayan na pala sila eh" napaangat ang ulo ko at agad na tumayo ng makarating si Ella at Frances.

Bakit mukhang malungkot ang mga mata nya?

"Baba!" nakangiti kong bati sakanya tsaka lumapit at niyakap sya, "U-oh, Baba" she faked her smile.

Agad akong napatingin kay Frances na agad na umiling sakin, something happened.

Is it because of Gabb?

Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti kay Ella, tsaka inaya syang maupo, "What do you want to eat?" tanong ko sakanya pero nakayuko parin sya at walang imik

"U-uh what do you want to do? Anything to brag out? M-makikinig ako Baba" nakangiti kong bigkas sakanya tsaka hinawakan ang kamay nya

Nasasaktan ako na nagkakaganyan ka dahil lang sa taong hindi kayang makita ang worth mo.

Mas lalo akong nasaktan ng makita kong unti- unting pumatak ang mga luha sa mata nya, "Shh baba" agad akong tumayo at lumapit sakanya

"Tahan na, andito ako" bigkas ko habang yakap yakap sya.

----

Araw - Araw  (Giaphant x Uniphant)Where stories live. Discover now